Fame's POV
Introduction nanaman. Kami kami din naman magkakaklase last sem eh, ewan ko ba. Di na lang yung prof ang magpakilala. -_- Anyways, may iilang bago.
Pumasok yung prof and nag settle down na yung class. Mukhang terror.
"Goodmorning class, I am Mr. Tolentino, I will be your professor in this subject."
Tapos ayan na ang sinasabi kong introduction. Hay. Matapos ang ilan, it's now my turn.
"Hello, goodmorning. As you all know, my name is Famelyn Kate Cristobal. You can call me Fame coz I famous. Haha kidding. Like anyone of yours, im a Tourism students, and I like eat, and facebooking and social media. I have many likes on Facebook and following by people. And also--"
"Take your sit. Next please." Sabi ng prof. Pinutol ako? Did I told something stupiding? OMG.
Hay nako. Upo na nga lang ako.
"Nagbakasyon na't lahat ang tanga nya pa din mag english. Puro pasikat kasi inaatupag eh." Sabi ng nasa likuran ko dun sa kausap nya. Lumingon ako sa kanila para malaman nilang naririnig ko sila. Then nginitian ko na lang. Mali ba talaga ko?
Hmp. Ayan nagbell na. May 2 hrs break ako pero may practice kami sa Music Room. Bibilisan ko na baka andun na si Papa Goma. \(*o*)/
Nung papunta na ko sa Music Room, may nakita akong babae. Maputi, nakasalamin, and super pula ng labi. Familiar sya. Pero di ko na pinansin. Mukhang nawawala sya, mamaya magtanong pa sakin eh wala ko sa mood sumagot at baka hnihintay na ko ni Papa Goma. Yieeee!
So eto na ko. Pagbukas ko ng Music Room, andun yung set of musicians and choirs. At syempre si Papa Goma (*u*) Andun din si Mon, kaso feeling awkward na ko sa kanya mula nung sinigawan nya ko. Huling kita na namin nung hinatid nya ko sa bahay nung bakasyon. Hays.
Anyways, masaya na ko sa view dito. Haha! Pagpasok ko, nginitian lang ako ni Sir Gary (a.k.a Papa Goma). Kaya ngumiti din ako tapos umupo na.
Nagvovocalize na kami nang biglang bumukas yung pinto. Nagtinginan kaming lahat sa door. Tapos pumasok yung babaeng may pulang labi na nakita ko kanina.
"Red!" Sigaw ni Sir Gary.
"Papsi!" Sigaw nung babae. Sinalubong sya ni Sir tapos nagbeso sila. Teka. Wait. Papsi? Anak sya ni sir? Base sa stalking skills ko, ay wala syang anak. Anong nangyayareeeee?!
Lumapit sila at pumunta sa unahan.
"Everybody, listen. This is Red, and she will be our new member." Sabi ni Sir.
"Sir!" I raised my hand.
"Yes, Fame?"
"Anak nyo po sya?" Tanong ko.
Mejo naconfuse sya, i don't know why.
"Yes. Any doubts?" Sagot nung Red. Tapos kumapit sya sa bewang ni Sir. Ang taray nya naman.
"Ah. Okay. Wala. Wala naman. Hehe." Utal kong sagot. Huhu pano sya nagkaanak?! Isang taon ko syang inistalk tapos mukang mas matanda pa pala sakin yung anak nya. Kulang pa ba? Kulang pa ba ang stalking skills ko? Huhu T_______T
"Okay, let's continue. Red, umupo ka na." Tapos umupo yung girl. Parang naalala ko na sya. Hmmmmm.
OO! Sya yung babae sa foodcourt na pinaalis kami! Aba tadhana nga naman ano. Mejo nag doubt lang ako kasi super ikli ng buhok nya nun. Mejo humaba lang ngayon. But the lips.. ganun pa rin. Ano kayang lipstick neto?
I-close ko kaya to? Hmm. Famous kaya sa facebook to? Ano kaya?
After almost 2 hrs of practice, nag dismiss na si sir kasi may mga klase pa yung iba. Naabutan ko silang magkausap nung Red, tapos parang nagulat pa nga sya. Nung bumeso na sila at umalis na si sir, nilapitan ko yung Red.
"Hi!" Sabay kaway ko sa kanya. Tinitigan nya naman ako ng nakataas yung kilay. Ang taray naman.
"I'm Fame. Ang ganda ng lips mo." I smiled at her tapos nilahad ko yung kamay ko.
"Red." Maiksing sagot nya, nakipag hand shake sya pero konting effort lang tas umalis na agad sya. Hinabol ko naman sya at kinausap habang naglalakad.
"Anong brand ng lipstick mo?" Tanong ko.
"Mac"
"Ah talaga. Nagmamadali ka ba? Coffee tayo."
"Maybe next time."
Hiningal ako kasi habang kinakausap ko sya, ang bilis ng lakad nya.
"Hindi mo ba ko naaalala?" Sabi ko.
"Nah."
"Sa foodcourt. Yung pinaalis mo."
Then natigilan sya. Hay salamat hingal na ko eh.
"Oh really. Small world. Now, can I go ahead without you?" Sabi nya. Grabe ang taray nya talaga T_T dun kaya sya nagmana sa asawa ni sir? Mabait naman si sir Gary eh bat ganto anak nya? :(
Tapos dumiretso na sya. Nakita ko tumigil sya. Akala ko naman babalikan nya ko, yun pala kukunin lang yung phone nya at tinignan. Tapos nagmadali sya maglakad. Hays. 12:30 na. 1pm panaman klase ko, pero sige tatambay na lang ako mag isa. :(
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
AcakHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))