Chapter 9

19 4 0
                                    

Red's POV

Grabe. Hiyang hiya na ko sa mga pinag gagawa ko. Kaya nung nilabas nya yung Reg Form ko, hinablot ko na at umalis agad. Waaaaaah lupa kainin mo akoo! T___T

Pagsakay ko ng kotse, di na ko bumalik ng school. Dumiretso ako ng Mcdonald's at umorder ng dalawang BFF fries. Oo, ako lang ang kakain. Wala kayong pake!

Nangingiyak ngiyak na ko habang tuloy tuloy na sumusubo ng fries.

"Bakit ko kasi ginawa yon?"

*sobs*
Subo ng fries

"Nagmalasakit lang naman yung tao"

*sobs*
Subo ng fries

"Tapos.."

*sobs*
Subo ng fries

"..ako pa yung nagalit"

*sobs*
Subo ng fries

"Pogi naman sya"

*sobs*
Subo ng fries

"Huhu wala na di na ko magkakaboyfrieeeend!"

Teka ano ba pinagsasabi ko?

"Okay ka lang?" May lumapit sakin. Di ko tiningala nakakahiya yung itsura ko.

"Tissue?" Kinuha ko yung tissue. Hinubad ko yung eyeglasses ko then nagpahid ng luha ng kahihiyan.

Babae yung lumapit sakin. Ambisyosa kayo kala nyo lagi na lang sparks. Malalande.

Umalis yung babae, pero iniwan nya yung tray ng pagkain nya sa table. Nang iinggit ba to? May pambili naman ako ah! Muka ba kong baluga pag umiiyak?

Nagpapahid ako ng mata then may nag usog ng tray tapos may pinatong pa ulit na isang tray. Pag tingin ko sa laman ng tray.....

\(OoO)/ DALAWANG BFF FRIEEEEES!!! Naglitawan ang mga stars sa mga mata ko.

"Para sayo yan, parang bitin ka pa sa kinain mo eh." Sabi ng babae. Pagtingin ko sa kanya, tinitigan ko syang maigi.. nakalimutan ko wala pala kong salamin. Pagsuot ko, nagulat ako.

"Fame!"

"Hi. Gusto mo ng kasama?" Tapos umupo sya sa harap ko. Naka uniform pa sya, mukang di pumasok.

"Kahit naman ayaw ko ng kasama, eh nakaupo ka na jan. Ano pang magagawa ko?" Sagot ko sa kanya.

"Ano ba yan, kahit ngumangawa ka na ang taray mo pa din."

Di ko sya pinansin kasi kumakain ako ng fries.. then some minutes later, mahinahon na ko.. nagsalita sya.

"Alam mo, ang ganda mo kanina nung wala kang salamin."

Nagsmile lang ako.

"Oo, tapos mejo nag fade na yung lipstick mo kakakain. Kaya mejo light na lang. Mas bagay sayo."

"Thanks." Sagot ko.

"Tsaka mas maganda ka pag naka-smile."

Enebeee weg ke membele lemeleke ele keee.

"Bakit ba ganyan ka? Maganda ka naman, pero parang lagi kang galit." Tanong nya tapos kumagat ng burger.

"Well that's how I deal with new environment. I don't show people kindness because that's where abuse is coming from. And I don't wanna look kind. I don't wanna look friendly. Because that's where and how you can know who's true and who's not true around you." I explained.

"Alam mo hindi ko naintindihan yung english mo pero alam ko naman yung ibig mong sabihin. Pero bakit ka laging naka-red lipstick? Curious lang." Tanong nya.

"I have my own story. And that's where it came from. Isa pa, hindi na ako si Red pag wala ako nyan." Sagot ko sa kanya.

"Ah, okay. Hmm. Pwede ba kita iadd sa facebook? Anong pangalan mo?"

"Red Chua."

"Ah, bakit hindi kayo magkaapelido ni Sir Gary? Dba Papa mo sya?" Tanong nya ulit. Leche daming tanong.

"May dugo ka ba talagang usisera? Di mo ba alam yung salitang Privacy? Psh."

"Sungit mo nanaman eh sorry na!"

Inirapan ko na lang sya.

"Pwede ba kong magrequest?" Sabi nya. Aba ayos. Ano ko DJ?

"Pwede ba tayong magselfie?" Di pa nga ako nagsasalita, sinabi nya na agad yung request nya. Eh kung umayaw kaya ako?

"Selfie, tapos dalawa? Kaya nga selfie dba kasi sa self lang. Stupid mo no?" Sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba. Edi Twofie! Twofie tayo dali!" Wtf Twofie? As in yung ginagawa sa damit, tinu-Twofie? HAHAkcorny.

Nilabas nya agad yung phone nya at tinapat samin. Pumayag na din ako, nilibre nya naman akong fries eh. Ngiti dito, ngiti don. Iba't ibang face na yung ginawa nya. May nakanganga, may labas dila, may malaki mata, may mukang unggoy, samantalang ako isang pose lang. Hay. Pagbigyan. #parasafrenchfries

Ayun. Sobrang daldal nya, 5pm na pala d ko namalayan.

"Uuwi na ko. Umuwi ka na din. Bye." Paalam ko sa kanya.

"Bye Red!" Tapos tumayo na ko at umalis.

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon