Jay's POV
Tinignan ko lang sya habang nakahiga sya at nakapikit kahit alam kong di naman sya tulog. Nakapajama pa ang baliw. Halatang natulog lang din kanina sa kanila e.
Pero kung iisipin, kawawa pala talaga sya. Ngayon naintindihan ko na kung bakit sya ganyan. Ang lokohin ka ng mga taong mahal mo ay isang sobrang sakit na karanasan sa buhay. Halata naman sa kanya na may galit sya sa puso nya. At tingin ko, ang pagiging kaibigan nya ang isang paraan para makatulong ako sa kanya.
"Wag mo ko titigan, mahirap na baka mainlove ka." Sabi nya habang nakapikit.
"Asa ka naman." Sabi ko sa kanya at natawa ng konti.
Pero kung sakin lang, hindi naman sya mahirap mahalin eh. Maganda naman sya, matalino, mayaman, mejo mataray nga lang talaga pero kung makikilala mo sya, mabait naman sya. Hmm.
"Red." Sabi ko sa kanya.
"Hmm.?" Maiksi nyang sagot.
"Bakit yung tita at mga pinsan mo lang ang kasama mo sa inyo? Nasan ang mga magulang mo?" Tanong ko. Nacurious kasi ako bigla. Alam ko naman sa yung nanay nya eh nasa ibang bansa kasi nabanggit nung Richie na bakla sa shop. Pero yung tatay nya, parang wala ata syang nababanggit.
Dumilat sya. Pero nakatingin lang sya sa stars.
"Si Mommy, matagal nang nasa ibang bansa. Dun sya nagtrabaho kasi sobrang kailangan talaga. Ang dami nyang binubuhay, kasi hindi makahanap ng magandang trabaho yung tita ko kasi undergrad. Si mommy naman, sinikap nyang magworking student noon para makagraduate ng Accountancy. Nung maging CPA na sya, lumipad agad sya ng ibang bansa para magtrabaho. Mga 3 years old lang ata ako nung umalis sya." Sabi nya.
3 years old? Eh ang alam ko mage-18 pa lang sya. So 15 years nya nang hindi kasama yung nanay nya? Lungkot nun ah.
"Ikaw banaman, walo ang pinagaaral mo. Di ka mabaliw non." Mejo sarcastic nyang sabi habang nakatingin pa din sa langit.
"Bakit walo?" Curious kong sabi.
"Kasama kasi mga pinsan ko. Sya lang ang inaasahan ng mga tyahin kong mejo hirap na sa buhay. Eh since solong anak na lang naman ako, sinagot nya na yung pag aaral ng ibang pinsan ko." Sabi nya.
Grabe. Walo? Ganun kalaki ang sinasahod nya para magpaaral ng walong bata?
"Ay. Pito na lang pala. Haha." Sabi nya ulit.
"Bakit naman pito na lang?" Tanong ko.
"Kasi ako na ang nagpapaaral sa sarili ko." Seryoso nyang sabi.
Lumaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Ha?" Naguguluhan kong sabi.
"Kasi before ako magcollege, sobrang awang awa na ko sa nanay ko. Kasi isipin mo, ang dami namin tapos magkacollege na ko, ang mahal ng matrikula. Kaya sabi ko sa mommy ko, ipagloan nya ko sa bangko ng 4Million. Hindi pa kasi ako pwede magloan kasi batang bata pa ko nun at d ako aagreehan ng bangko dahil wala pa kong trabaho. Kaya pinilit ko si mommy." Sabi nya.
"4 Million?! San mo ginamit yun?" Mejo gulat kong sagot.
"Nagtayo ako ng mga negosyo. Sarili kong negosyo. Yung parlor, coffee shop, at gym na pinuntahan natin, negosyo ko yun. From nothing, now I have 5 branches na. Napalago ko sya within 2 years, at nabayaran ko na din kay Mommy yung 4M na hiniram ko. Yung bahay namin, ako nagparenovate non at nagpaayos kaya lahat pula. Pero hindi talaga ganun yun dati." Paliwanag nya.
Wow. Then she must be a really great business woman. 2 years, 5 branches? At mukhang hindi biro ang kinikita nya. Ayus. Kaya pala business course din ang natake nya.
"Pero.." sabi ko.
"Nasan yung Daddy mo?" Patuloy kong tanong. Kasi laging mommy ny lang ang knukwento nya. Di sya nagbabanggit ng tungkol sa tatay nya.
"Hindi ko sya kilala." Poker face nyang sagot.
Ha? Ano daw? Pwede ba yun?
"Ha? Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Kasi, 16 years old lang si Mommy nung nabuntis sya. Tapos 17 years old sya nung pinanganak ako. Sobrang bata pa nila non, at ayaw daw sakin ng pamilya ng tatay ko kasi sobrang bata pa daw nila. Kaya nilayo ako ng nanay ko. Dito kami napadpad. Mula non, ayun. Di ko na sya nakilala." Sabi nya.
"Tapos nung 3 years old ka, umalis na yung Mommy mo? Wala kang Daddy, tapos wala ka ding Mommy sa tabi mo?" Tanong ko.
"Yeah. Ganun na nga." Sagot nya.
Ooh. Grabe. Ang drama pala ng buhay neto pwede nang i-MMK. Hahaha de joke lang. Pero seryoso, nakakaawa pala talaga sya. Lumaki sya ng wala ang magulang nya sa tabi nya, tanging tiyahin ang nagkakalinga. Nakahanap ng pagmamahal sa isang lalaki at kaibigan, tapos pareho pa syang sinaktan. Di ko sya masisisi.
Humiga na lang din ako sa unan na hinigaan nya. Halatang nagulat sya kasi napatingin sya sakin. Pero bumalik agad yung tingin nya sa langit. Dun din ako nakatingin.
"Kung hihiling ka sa mga stars, anong wish mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayokong humiling sa stars." Sabi nya.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ko ulit. Weirdo din to minsan eh.
"Kasi, yang mga nakikita mong stars na yan, nakikita mo yan dito kasi patay na sila. They are million miles away from earth kaya once na natanaw mo sila dito, those stars are dead. Pag humiling ka sa kanila, patay na din ang pangarap mo..parang sila." Paliwanag nya.
"Ah. Edi kay Mr. Moon ka na lang humiling. Malapit lang sya sa earth dba? At wala pa naman akong nababalitaan na mamamatay na ang buwan. Besides, hindi nya tayo iniiwan. Lagi yang nanjan. And it shines when we are in darkness. So anong wish mo sa kanya?" Sabi ko.
Lumingon ako sa kanya. Nakapikit sya.
"Ako.. gusto ko lang na manatiling totoo yung mga taong natitira sakin. Gusto ko may magmahal sakin ng hindi ako sasaktan. Gusto ko ako naman ang intindihin, unawain. Gusto ko magkaron ng puwang sa puso ko ang pagpapatawad para makapagmahal na ko ulit. Kasi kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam kung pano ako makakapagpatawad. Nahihirapan na din ako dahil masyadong bato ang puso ko. Pero hindi ko alam kung pano palambutin to. Alam ko sa sarili ko na hindi ako masamang tao, umiiwas lang ako sa mga tao dahil sa sobrang takot ko na masaktan. Mas gusto ko nang matigas na nilalang ang tingin nila sakin, kesa isang walang kamalay malay na babae na pwede na lang nilang saktan at apihin." Mahaba nyang sabi habang nakapikit, at mangiyak ngiyak ang boses.
"Alam mo--" Naputol yung sasabihin ko kasi biglang may bumagsak na ulo sa balikat ko. Naramdaman kong may pumatak na luha kaya napatingin ako.
"Help me, Mr. Moon..." at naramdaman ko ang pagrelax ng ulo nya. Nakatulog na sya.
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))