And the classes start. Goodbye vacatioooon huhu. New school, new surroundings, new friends, new environment. But never new lips. HAHA Red will be Red.
Syempre nakagawian na pag first day, puro introduction. Eh irregular panaman ako kasi transferee ako. Kamusta naman dba. Walo lang naman kasi yung section ko. Iba iba.
May mga naCredit naman ako from my past University. Pero may mga back subjects pa ko kaya hetooo. Lots of new faces.
First Subject: Philippine History
Like OMG why do we still have to study this? Past is past na nga dba? Eh kung kinalimutan na lang natin yung past edi sana dba naka-move on na tayong lahat? HAY!
Charot lang. Totoo nyan mahina talaga ko sa history. HAHA. You can ask me to answer 10 Math questions but not 1 from History. Binagsak ko lang yan nung High School ako eh.
Yeah, sabi din nila baliktad daw ako eh. Kasi most people hate math. Bat kaya? Ang saya kaya mag aral ng numbers lalo na pag pera. Hahaha
Pumasok ako sa room kasabayan ng prof. Dalawa kasi yung door, meron sa harap then meron din sa likod. Sa back naman ako pumasok, sya sa front. Eh since irreg, ayun back liner ang lola nyo.
"Okay class, I am Miss Junee Herrera and I will be your professor for this subject." Sabi ng prof. Tapos nagroam around sya sa room.
"Now, kagaya ng nakagawian.. hindi naman tayo magkaklase. You will introduce yourselves. And we will start..." Nakatingin sya sakin.
"From the back."
Napalingon naman ako sa likod ko. Dulo na pala ko. Tapos kinausap ako nung katabi ko.
"Ate ikaw daw po." Hmp. Gwapo sana kaso in-ate ako.
So ayun, tumayo ako at magsasalita sana.
"Come here infront, Miss." Sabi ng prof.
So naglakad ako papunta sa harap.
"Ikaw ang unang napansin ko. Thank your lips." Sabi nya. Wow ha? D ko alam parang magiging kontrabida pa ng storya ko tong intrimitidang to.
"Go ahead." Sabi nya.
"What will I include in my introduction?" Mataray kong tanong sa kanya.
"Basic infos, ofcourse. Your likes and dislikes, hobbies, and anything you want to include. And parang ngayon lang kita nakita sa campus, try to include kung san ka nang galing." She said.
Mukhang hinahamon ako ng babaeng to ah. Di naman maganda. Hmp.
"Hello, goodmorning. I am Redqueenia Maria Chua, a transferee from Felston University. 3rd year Business Ad student, major in Finance. You can call me Red."
"Interesting." Said the effin' prof.
"Can I proceed?" Pagtataray ko na lihim na pinaghagikgikan ng mga kaklase ko.
Tinaasan nya ko ng kilay then nag Nod sya.
"I live in Belaverdino Royale. Hobbies.. I love shopping. Likes, nah. I don't like anyone. But I love red lipsticks, obviously. Dislikes, I don't like childish and stupid people. And now another one was added to my dislikes."
"And that is?" Asks my prof.
"Hipocrates." Then I smiled at her.
"You can take your sit." Pagtitimpi nyang sabi sakin. Hinamon ako eh?
Then I went back to my seat.
"Now let's try the person in front." Sabi nya. Haha muntanga diba. Habang nag iintroduce sila, hindi na ko nakinig. Nilatag ko yung arms ko sa desk tapos pinatong ko yung noo ko.
"Ang taray mo naman." Said the guy beside me na in-ate ako kanina. Nakayuko pa din ako then I replied, "you don't care."
"Alam mo ang ganda mo. Kaso sobrang pula ng labi mo, muka kang sobrang mature." Sabi nya. So inangat ko na yung ulo ko. Tas tumingin ako sa kanya.
"Jay." Then he smiled and offered his hand for handshake.
Kinuha ko yung kamay nya then habang nagha-hand shake, sinagot ko sya.
"Hi Jay, alam mo gwapo ka din sana. Kaso pakielamero ka." Then tinanggal ko yung kamay ko at inirapan sya then humarap ulit sa way ng prof.
"Grabe naman." Napakamot sya tapos nanahimik na.
Matatapos na yung period..then sya yung huling mag iintroduce kasi sya yung huli kasunod ko. Tumayo sya at naglakad papuntang unahan.
"Hi, I am Jay Cruz. Irregular din po ako, 3rd year Business Ad, major in Finance." Tapos tumingin sya sakin at ngumiti. But I did not give him any reaction.
Akalain mo nga naman. Same year, same course.
"I live in Belaverdino Royale, and I love working out and stuffs." Then the bell rang. Pucha magkapitbahay din kami ganon? Haha de chos magka-subdivision lang pala. OA much. XD
"The period is over, nice meeting you guys. See you next meeting." Sabi nung prof. Then naglabasan na.
Nag aayos na ko ng gamit then pabalik na sa upuan nya yung Jay. Tinitigan ko sya habang papalapit.. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga sya. At halatang mahilig sya magwork out kasi ang ganda ng katawan nya.
"AW!" Bumalik ako sa ulirat kasi pinitik nya yung ilong ko.
"Ngayon pa lang tayo nagkita, pinagnanasaan mo na agad ako." Then he winked. Yuck di na kinilabutan.
"As if!" Sigaw ko sa kanya then I was supposed to leave pero nagsalita sya nung nasa pintuan na ko.
"Long break mo dba? 1pm pa next class mo, pareho tayo." Tapos tumakbo sya papalapit sakin sa pinto.
"Stalker ka ba?" Tanong ko.
"Hindi naman. Kasi malapit lang yung subdivision natin dito, kung uuwi ka isasabay na sana kita. Tska naiw--"
"Don't you know, I have my own car? Tse. Busy ako. May ppuntahan pa ko bye." Then iniwan ko na sya. Kala mo magaganyan mo ko porket gwapo ka. Hmp.
7:00 - 9:00 ang first class, then 1 pa next class. Hay. Tinatamad ako umuwi, san ako pupunta?
Nagvibrate yung phone ko from my pocket.
*1 message received*
From: Papsi
Long break? May practice kami ngayon sa Music Room. Punta ka dito. :)
Naka post ba sa Bulletin Board ang schedule ko? Pano nila nalaman? Hays.
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
De TodoHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))