Fame's POV
Isang araw bago mag exam.. hay nako.
Kailangan ko pa ba mag alala? Hindi naman talaga ko nag aaral. Hahaha.
Andito ako ngayon sa bahay namin. Buti na lang at wala yung madrasta ko. Ewan ko san pumunta. Pero tahimik ang bahay pag wala sya. Himala nga e. Linggo ngayon san kaya nagpunta yun?
Nagtitimpla ng kape si Papa. Hmmm. Nahihiwagaan na talaga ko..lalo na sa mga nakita ko kahapon.
"Hmm. Papa?" Sabi ko.
"Oh. Bakit nak?"
"Pa, gusto ko lang po malaman. Sino po ba talagang nagsusustento sakin sa pag aaral? Syempre po di ba. Gusto ko sya makilala para mapasalamatan ko sya." Sabi ko.
"Bakit kailangan mo pa malaman? Hindi ba sapat na basta mag aral ka na lang? Nagttrabaho din naman ako para matulungan kang makatapos, marami din akong hirap sayo. Bakit kailangan mo pang itanong?" Galit at pasigaw nyang sabi.
Simple lang naman yung tanong ko di ba?
Natulala lang ako sa kanya at maluha luha. Sabay takbo sa kwarto.
Red's POV
After what happened last night kay Jay, sobrang nag alala talaga ko. Pero masaya, kasi nasabi ko na sa kanya yung mga nararamdaman ko. Buti na kang hindi nya na ko inusisa sa huling sinabi ko. Na meron pa kong hindi nasasabi sa kanya.
Hindi ko alam, yun yung nararamdaman ko pero hindi pa ko handa na sabihin sa kanya. Parang may pumipigil sakin. Hindi ko alam.
Kamusta na kaya yun? Sabi nya kagabi ittext nya daw ako. Di naman nagtext. Hmp.
Kinuha ko yung phone ko. Pero nag fb lang ako. Hahaha
Pagbungad sa newsfeed ko..
Fame Cristobal
Bakit kasi kailangan magalit? Nagtatanong lang naman ako. :(Haha k. I-like na lang.
*like*
Maya maya pa, may nag appear na chat box.
Fame Cristobal
Ate Red?Me
Why?Fame Cristobal
Nasan ka po?Me
Nasa bahay. Bakit?Fame Cristobal
Wala lang gusto ko lang po ng kausap. :(Me
I'm not into so much typing. If you want, you can come over.Fame Cristobal
Po?Me
Pumunta ka na lang dito sa bahay ko.Wtf ganun na ba sya kahina sa english? -_-
Fame Cristobal
Talaga po? *v*Me
Ayaw mo ba?Fame Cristobal
Sige po sige po! San po bahay mo?And then I sent her my address. Kawawang bata naman to, parang wala nang malapitan.
After almost an hour, may kumatok sa kwarto ko.
"Bukas yan." Sabi ko.
Bumungad ang tita ko.
"Red, may bisita ka ata sa baba."
"Okay. Saglit lang." Sabi ko. Nag ayos lang ako ng konti tapos bumaba na.
Pagbaba ko, syempre expected ko na kung sinong bisita ko.

BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))