Jay's POV
Kailangan ko maging matapang. Tsk. Kinakabahan ako sa gagawin ko.
Tapos na ko sa exam. Pero hindi pa ko nagpapasa kasi hinihintay ko din na matapos si Red. Grabe banaman kasi mag take to, parang nagbboard exam. Tapos na lahat eh, nakayuko pa din sya.
Nakikita kong napapatingin tingin sya sakin. Siguro nagtataka sya bat di pa ko nagpapasa. Kunwari na lang nakayuko din ako at magsasagot. Pero totoo nyan wla talaga kong masagot at hinulaan ko lang lahat to. Hahaha.
"Himala ata, Mr. Cruz. Dati in the count of ten lang ang exam mo ah. Bat napatagal ka ata ngayon?" Sabi ng prof at nagtawanan naman ang mga natirang mag exam. Lima na lang kaming natitira kasi lumabas na yung iba at tapos na.
Napatingin naman sakin si Red na nakataas ang kilay. Nag fake smile lang ako sa kanya.
Ilang minuto pa, kaming dalawa na lang ang natitira.
Tumayo na si Red, at sumabay ako.
"Hindi ka na nagsawang perfectin ang exam ko, Ms. Chua." Sabi ng prof.
"Hindi naman po mam." Sabi ni Red. Pahumble pa eh leche.
Nagpasa din ako ng papel ko.
"Ano, peperfectin mo din ba to?" Sabi ni mam.
"Malay nyo po." Tas kumindat ako then hinabol ko na si Red na nag aayos na ng gamit.
"Bes tara punta ng coffee shop." Sabi ko.
"Lunch tapos coffee shop?" Sabi nya.
"Ah. Eh. Ano. Masarap kasi may bago dun! Yung blueberry cheesecake bes natikman mo na ba yun?" Sabi ko ulit.
"You're acting so weird. Anyways, fine let's go." Mataray nyang sagot.
Nakaupo na sya sa driver's seat at hindi ko talaga mapigilan ang kaba ko. Kausap ko kasi kagabi si Grey sa chat at napagdesisyunan namin na ngayon na sila mag uusap.
Naghihintay na sya sa coffe shop. At hindi ko daw dapat samahan si Red sa pakikipag usap sa kanya. Pumayag naman ako bilang respeto sa pinagsamahan nila. At kailangan nila mag usap ng sila lang.
"We're here." Sabi ko.
"Alam ko. Halata nga." Hays taray nanaman nito.
Nag tanggal na sya ng seatbelt.
"Ano, wala kang balak gumalaw jan?" Sabi nya.
"Ah. Eh, ano kasi. May aayusin lang pala ako saglit. Mauna ka na sa loob. Susunod ako. Hehe." Pinagpapawisan na ko.
"Labo mo. Ge. Sumunod ka na lang don." Sabi nya naman tapos lumabas na sya.
Red's POV
Kanina pa ko nawiweirduhan talaga sa lokong to. Ano kayang meron?
Lumabas na ko ng kotse nya. Feeling ko tense na tense talaga sya eh. Kakain lang naman.
Pumasok na ko sa coffee shop. Pumwesto ako sa may isang sulok na glass lahat, tas view eh yung parking. Tumapat ako kung san nakapark yung kotse nya. Akala ko may aayusin sya? Bat parang wala syang ginagawa? Parang may hinihintay lang.
Nakataas lang yung kilay ko sa kanya kasi kahit ako kinakabahan sa mga kinikilos nya.
Nakita ko nanlaki yung mata nya. Tas sinenyasan ko sya na pmunta na sa loob ng shop.
Tinaas nya yung kamay nya na para bang naka Rock n Roll na sign. Nakataas yung pinky, pointing finger and yung thumb nya nasa harap ng pointing finger nya. Tapos shinake nya yun side by side. Tapos tinuro nya yung labi nya then ihinakbang hanggang between the breasts.
Ha? Pinag gagawa nito?
Tapos gumalaw sya na para bang nagstart ng kotse. Napakunot naman lalo ang noo ko.
Lalabas sana ako para alamin kung anong gagawin nya pero bago ako tumalikod..
"Red.."
"Grey?"
Paglingon ko sa parking, inuurong na ni Jay ang sasakyan. Umiiyak sya. At tuluyang umalis.
--------
A/N
Sorry na sa short update. Haha lalo na sa mga G na G kong pinsan at kaibigan. Sorry na. Bawi talaga ako. Mga bukas. Haha chos. Vote nyo to ng matuwa ako sa inyo. Hahahahaha chos salamat labyu! :*
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))