Chapter 26

12 2 0
                                    

Red's POV


"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong sa lalaki sa harap ko.


"Red please, mag usap tayo." sabi nya habang hinaharangan ako dahil sa pagbabanta kong umalis.


"Ayoko." maiksi kong sagot.


"Please, Red. Kahit saglit lang, pakinggan mo ko. Bigyan mo ko ng chance magpaliwanag please Red please." pagmamakaawa nya.


Kumalma naman ako at umupo ulit. Naiinis ako. Bakit ako iniwan ni Jay? Kailangan ko sya ngayon dito. Naiiyak nanaman ako. Hindi ko kaya ng mag isa to eh. :'(


Pero kailangan ko tatagan ang sarili ko. Ako lang ang nandito ngayon kaya kakayanin ko to.


"Ano pang kailangan mo? Tapos na tayo di ba? Wala na-"


"Hindi pa tayo tapos, Red. Walang hiwalayang naganap." Pagputol nya sa sabi ko.


"Pwes ngayon, tapos na." Sabi ko at nag akmang tatayo ulit pero hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako.


"Red ano ba, hayaan mo muna ko magpaliwanag. Please. Pagkatapos ko magpaliwanag, hahayaan na kita. Kung kanino, saan, mo gusto. Hahayaan kita. Just please let me explain. Please." Tapos tumingin sya sa mga mata ko na para bang kinakausap ako gamit ang mga ito. Alam nyang ito ang kahinaan ko sa kanya. Pandaraya to.


Umiwas ako ng tingin.


"Umuwi ka na lang at baka kailangan ka na ng anak mo." Sabi ko sa kanya. Malamang anak nya yung buhat nya nung una namin syang nakita.


"Anong anak? Wala akong anak. Nalaglag ang anak namin ni Kylie." Sabi nya na sya namang ikina-kunot ng kilay ko.


"Kung iniisip mo yung batang kasama ko sa 711 noon, si Angel yon, anak ni Ate." Patuloy nyang sabi.


Napalitan naman ng curiosity ang itsura ko.


"A. Ano. Teka. Bakit. Ano-" Utal utal kong sabi.


"Mahina ang kapit ng bata. Wala na din kami ni Kylie. Alam nyang yung bata lang talaga ang gusto ko, kaya nung nawala ang bata, alam nyang wala na din kami." Sagot nya na sya namang ikinabalik ng itsura ko sa dati. Lumunok ako at inayos ang muka kong mataray ulit.


"Ang point don, niloko nyo pa din ako." Sabi ko habang naka poker face at nakatingin sa kanya.


"No, Red. No. That's exactly the reason why I wanted to explain to you. And I still want to kaya nandito ako ngayon sa harap mo. Hindi kita niloko, Red. Alam natin pareho na bago maging tayo, gusto na ako ng best friend mo pero ikaw ang gusto ko..ikaw ang mahal ko kaya ikaw ang pinili ko. And I thought everything's fine. Akala ko naintindihan na ni Kylie. Pero nagkamali ako..nagkamali tayo. Nung nag away tayo noon, pumunta ako ng Bar and hindi ko alam kung pano syang biglang sumulpot dun. I was so drunk that night at nagising na lang ako kinabukasan na sya na ang katabi ko. Hindi ko alam na may nangyari Red, hindi ko alam. Pinagtabuyan ko sya nun, sinabi ko na hindi ko sasabihin sayo ang lahat ng ginawa nya basta lubayan nya na tayo. Pero laking gulat ko nang pumunta sila sa bahay para sabihing nagbunga ang lahat..at ako pa ang may kasalanan." mahabang paliwanag nya.


Hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Alam mong ikaw lang ang mahal ko Red. Alam kong alam mo yan. Lumayo ako para bigyan ka ng space na kailangan mo dahil ayaw mo akong kausapin noon. Pinagkait mo sakin ang karapatan kong magpaliwanag. Nirespeto kita kasi alam kong masakit para sayo ang lahat. Sorry, Red. I'm Sorry. Gagawin ko lahat patawarin mo lang ako." sabay hawak nya sa dalawang kamay ko habang nakayuko at lumuha.


Huminga ako ng malalim.


"Sigurado ka na ba jan?" Sabi ko.


Nag nod naman sya.


"Fine." I said. That word just lifted up his head. At nakita kong nagliwanag ang mukha nya.

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon