Lumipas ang buong araw na nakatulala ako. Pag uwi ko sa bahay, hindi ko din alam ang gagawin ko. Hays.
Inopen ko na lang ang laptop ko. Ayokong mag facebook baka ano pa makita ko dun.
Alam ko na.
www.omegle.com
Well. Wanna try something new. Para malibang na din siguro.
Interest:
Anong ilalagay ko? Kay Red lang naman ako interesado :(
Interest: Pula
Tapos naghanap na ng chatmate yung server.
Tapos ayan na connected na.
*Both of you likes Pula. Say Hi!*
Type naman ako. Pagtripan ko kaya?
Hi. Naniniwala ka ba sa forever?>(me)
(stranger) <Alam mo ang corny mo. Bigti ka na.
Grabe. Di mo ba ko mahal? :( >
Hahahaha mukang magiging magandang trip to ah. Sige tuloy ko lang. Ayan na nagtatype na sya.
< Mahal naman kita eh. Sinisigurado ko lang kung ganun din yung nararamdaman mo sakin. Sinusubukan ko lang kung kaya mo kong ipaglaban. :(
Aba ayus trip neto ah. Sige hahaha mukang makakarelate tayo sa isa't isa.
Alam kong alam mong mahal kita at kaya kitang ipaglaban, bakit kailangan mo pang gawin sakin to? >
< Eh mahal mo naman pala ko e bakit hindi mo sinasabi?
Kasi natatakot akong baka sya pa rin ang mahal mo. >
< Duwag ka.
Hindi ako duwag. Iniisip ko lang ang kaligayahan mo.>
< Eh ikaw nga ang kaligayahan ko.
Ako pala ang kaligayahan mo eh bakit mo ko sinasaktan?! >
< ???
Bumalik ako sa ulirat. Naalala kong stranger nga pala ang kausap ko. Nadala naman ako masyado. -_-
Ayy. Sorry. Nadala lang ako. Hehe ^_^v >
BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))