Pagpasok ko ng kotse. Nakita ko si Fame na tulala at tumutulo ang luha. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko muna sya kinausap kasi baka mahuli kami nila Papsi kaya pinaandar ko muna yung kotse.
Dinala ko sya sa isang branch ng negosyo ko. Pinark ko yung kotse ko sabay hugot ng phone sa bulsa at dun ko lang pinatay ang tawag.
Umiiyak pa din sya. Pero silent na iyak lang. Nakatulala lang sya sa harapan nya at lumuluha.
"Fame.. sorry." Yun lang ang nasabi ko at hinawak ko ang balikat nya.
Napapikit sya at kinoveran nya ng kamay nya yung muka nya at umiyak ng malakas.
"Buong buhay ko.. wala akong kaalam alam.." yun lang ang nasabi nya tapos nagpatuloy sya sa pag iyak. Tinapik ko na lang ang likod nya.
"Gusto mo bang iuwi na kita?" Tanong ko.
"Parang hindi ko pa kaya ate Red. Parang hindi ko oa kaya harapin si Papa." Sabi nya habang nagpupunas ng luha.
"Hindi ka pwedeng hindi umuwi. May pasok bukas, at exam pa." Sabi ko.
Pero parang ayaw nya talaga.
"Sige. You can stay in my house for the night." Napatingin sya bigla sakin.
"Ako nang bahala sa mga gamit mo. As long as you have your ID with you, makakapasok ka." Nagnod naman sya. Nakita ko kasi kanina pagbukas nya ng bag, dala nya yung ID nya.
Magkakape pa sana ko. Pero wala eh. Nagdrive na ko pauwi para makapag pahinga na. Mabigat ang araw na to para sa kanya.
Fame's POV
Narinig ko ang lahat. Na kaya ako sinusustentuhan, kasi sya ang tunay kong ama. Ang sakit lang.. na yung tinuring kong tatay mula magkamuwang ako, eh hindi ko pala talaga tatay. Ang mas masakit pa non, nagsinungaling sila sakin. Pagkatao ko mismo..yun mismo ang pinagkait nilang ipaalam sakin. Ipinagkait nilang ipakilala sakin ang tunay na ako.
Ayaw ko munang umuwi. Hindi pa ko ready na harapin si Papa. Kahit na hanapin nya ko buong gabi.. ayoko muna syang makita.
Bumalik na kami sa bahay ni ate Red.
Namamangha pa din ako. Nababawasan kahit papano yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ganda ng mga nakikita ko.
"Halika, akyat tayo." Sabi nya. Kaya sumunod ako. Pag akyat namin, may salas pa ulit sya sa 2nd floor. Tapos sa gitna, may malaking pintuan na may red lips na malaki. Malamang kwarto nya yun. Binuksan nya yung katabing kwarto.
"You'll stay here. If you need something, dito sa kabila kwarto ko. Kumatok ka lang." Sabi nya tapos ngumiti na lang ako. Iniwan nya na ko.
Pagpasok ko..
Wooooow.
Parang hotel lang.
Ang lambot ng kama. Queen size. Tapos may flat screen tv. May aircon. Kahit d ako lumabas dito mg tatlong araw ok na ko eh. Hehe. Syempre joke lang.
Tapos may banyo din sa loob. May bath tub. Grabe. Ang yaman pala talaga ni Ate Red.
Tumunog yung phone ko. Nagtext si ate red.
"Anong mga exam mo bukas?"
Nagreply naman ako.
"Tourism management, Business Math at Bio po."
Tapos humiga muna ako. Binuksan ko yung tv. Tapos mga 45 mins. siguro, nagtext ulit si ate Red.
"Open the door."
Sabi nya. Binuksan ko naman. Pagbukas ko, nasa lapag yung mga libro, uniform, sapatos, at ibang kailangan kong gamit pamasok bukas. Tapos may note na nakadikit sa book.
"Magreview ka." Ang nakasulat.
Napangiti na lang ako at kinuha ang mga yon. Binitbit ko at pumunta ko sa harap ng pinto ni ate red.
"Thankyou Ate Red." Tapos bumalik na ko sa kwarto para mag aral. Kahit di naman talaga ako pala review. Nahiya naman ako kay ate Red. Hehe.
Red's POV
I heard her say thank you. Pinabayaan ko na lang. Kawawang bata.
Teka. May naalala ako.
Messages.
Write message.
To: Pandesal
Bes?Message sent.
Mya mya..
Incoming call..
PandesalAnswer.
"Miss me?" Bungad nya.
"Wow ha." Maiksing sagot ko.
"Haha joke lang. I miss you Bes! Uwi na ko mamaya. Puntahan kita jan?" Sabi nya.
"Ang bilis naman ng recovery mo, okay ka na agad? Ikaw bahala." -me
"Eh kasi dba may mga exams tayo bukas. Gusto ko sabay tayo mag aral. Yiee hahaha" -sya
"Hay nako bahala ka. Punta ka dito kung gusto mo."-ako
"Okay then, see you later. Bye!" Tapos binaba nya na.
Nagrereview lang ako ng major ko. Finance. Well, kailangan ko to pag aralan kasi na aapply ko naman sa negosyo ko yung mga natututunan ko.
Around 7pm, nakaupo lang ako sa harap ng study table ko when someone entered my room. Well, isa lang naman ang gymagawa non.
"Di na talaga uso kumatok sayo e no." Sabi ko nang hindi nakatingin while writing.
"Bes samahan mo ko sa 7-11. May gusto lang akong bilhin." Sabi nya. Paglingon ko..
Wow ha. Sya nang nakahilata sa sofa ko. Partida may neck brace pa yan. Sarap buhay. Baliin ko kaya leeg nito?
"Nag aaral ako." Sabi ko.
"Sige na tara na pleaseee!" Tapos tumayo sya sa pagkakaupo nya at hinila ako palabas.
Ayun wala na kong nagawa. Sumama na ko. -_-
Eh ayoko pa naman pumupunta dun sa may 711. Kasi katabi lang nun yung subdivision ng ex ko.
Anyways, andito na eh.
"Ano bang bibilhin mo?" Sabi ko.
"Ice cream. Hahahaha!" Natatawa nyang sabi.
I gave him that "what?"look and then he explained.
"Masarap kasi yung ice cream dito. At tsaka mura. Try mo kinse lang yan oh. Di yung puro ka sa mamahaling resto at mcdo fries. Di ka ba nagsasawa dun?" Sabi nya.
Inirapan ko na lang sya.
"Umupo ka na lang jan. Libre ko naman eh." Sabi nya ulit tapos umupo na ko.
Naglalaro lang ako sa phone ko then narinig ko may pumasok ng 711. Syempre wala akong paki di ba? Hahaha.
Maya maya pa.
"Eto na oh! Haha!" Tapos inabot nya sakin yung isang malaking ice cream sa cone. Sure to? Kinse lang? Hahaha. Ayus.
Umupo sya sa tabi ko.
Nagkkwentuhan kami ni Jay tapos biglang..
"Red?"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Hindi ako pwede magkamali. Boses nya yon.
Paglingon ko.. hindi ako nagkamali.
"Grey."

BINABASA MO ANG
Red N' Fame
RandomHindi ko maexplain. Hahahahaha! Just try to read it and enjoy. Thanks! :))