Chapter 16

21 4 0
                                    

Jay's POV

"Tara na." Sabi nya sakin pagtapos namin magpicture.

Tumayo na kami at nagpaalam sa mga bakla sa parlor.

Nung nagdadrive na ko, tahimik lang sya. Well, tahimik naman talaga sya. Ay hindi. Depende pala sa mood.

Naiisip ko pa din yung mga sinabi ng bakla kanina. Tanong ko kaya sa kanya?

"Hmmm. Bes?" Sabi ko.

"Oh?" Maiksi nyang sagot habang nagreretouch ng lipstick. Hanga naman ako sa babaeng to, miski umaandar ang kotse at walang gamit na salamin, walang sabit ang pagllipstick.

"Sino si Grey?" Dretso kong tanong.

Tinakpan nya yung lipstick nya at pinasok sa bag nya.

"Hindi ko alam kung saang lugar sa mundo ang walang pakielamero." Mataray nyang sagot. Grabe naman talaga. Tsk.

"Ah, okay." Yun na lang ang nasabi ko.

"Kahit san na lang mapadpad daming tsismoso. Di na lang magsitahimik." Hirit nya pa.

Ipinark ko sa gilid sandali ang kotse.

"Okay na nga di ba? Hindi naman kita pinilit na magsalita. Bakit kailangan lagi mo kong tinatarayan?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin din sya sakin at nahahalata kong gusto nyang sumagot pero wala syang masabi. Matapang pa din yung mukha nya pero napapalunok na lang sya.

"Nagtatanong lang ako ng ayos, Red. Wala kang mapapangalanang pagkakataon na nagtanong ako sayo ng tungkol sa personal mong buhay. Iniintindi kita. Hinihintay kong ikaw mismo yung mag open up. Kasi ayokong pwersahin kang magsabi sakin at iniisip kong baka hindi ka pa handa, kaya hhintayin ko yung panahong magkukusa ka. Espesyal ka sakin, Red. Ganun ka-espesyal." Mejo tumaas yung boses kong sabi na nakatingin pa din sa kanya.

Bigla syang yumuko at sumandal ulit sa upuan. Tumingin sya sa harapan ng kotse at natulala na para bang nagpipigil ng luha.

"Tss." Yun na lang ang nasabi ko at napailing. Umandar ulit ako at hinatid na sya sa kanila. 5pm, nasa subdi na kami. Pagtigil ko sa harap ng bahay nya, tinanggal nya agad ang seatbelt at binuksan ang pinto.

"Salamat." Yun lang ang nasabi nya at lumabas na sabay balibag ng pinto. Sya pa nga ang galit di ba. Hmmm.

Red's POV

"Ganun ka-espesyal." Paulit ulit na nagpPlay sa isip ko.

Kanina ko lang sya nakitang galit sakin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Di ko din alam ang gagawin ko. Kaisa isahang taong itinuring akong kaibigan, ginanito ko pa. Kaya nanahimik na lang din ako para hindi na lalong lumala. Alam ko namang mali ko eh.

7pm na. Dalawang oras na din pala kaming nagkahiwalay. Himala, wala syang text. Baka galit. Ay. Malamang galit nga. Tanga ko kasi eh. Bunganga kase, minsan kontrol kontrol ka ha? Hays. Minsan na nga lang magssalita sablay pa. Tsk.

I opened my laptop and signed in my facebook.

One friend request.

Open.

Mon Steele Cruz

Eh? Dba kapatid to ni Jay? Nagpalit lang ng pangalan pero narecognize ko naman.

Accept.

Maya maya, may nagPop na chatbox.

Mon Steele Cruz
Ate Red?

Hmm. Napa-chat agad? Bat kaya?

Me
Hmm. Bakit po?

Mon Steele Cruz
Kasama mo po ba si Abo?

Ha? Sino daw?

Me
Po? Baka nagkamali ka lang ng naChat, hindi ko kilala yung sinasabi mo eh. :)

Mon Steele Cruz
Si Kuya ko po. Si Jay.

Si Jay? Bat Abo? At bat nya hinahanap sakin ako ba nanay non? Haha de joke.

Me
Ah ganun ba? Kaninang 5pm pa kami naghiwalay, hindi na kami magkasama.

Mon Steele Cruz
Ah ganun po ba. Wala pa po kasi sya dito sa amin eh.

San kaya nagpunta yung mokong na yon?

Text ko nga.

Kinuha ko yung phone ko.

Messages.

Write Message.

To : Pandesal

Hoy nasan ka? Hinahanap ka sakin ng kapatid mo.

Send.

Hindi nagtagal...

1 message received

From : Pandesal

Una sa lahat, hindi ako si Hoy. Pangalawa, wala kang paki samin ng kapatid ko. Pangatlo, hindi ko kailangan sabihin sayo kung nasan ako. Pang apat.. joke lang wala nang pang apat.

Wow ha.

Balik fb.

Me
Nambababae ata. Hahaha.

Mon Steele Cruz
Naku parang imposible naman yan ate. Haha.

Weh. Chura nyang yon?

*tok tok!* biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Pasok." Maiksi kong sabi.

Bumungad sa pinto ang tyahin ko.

"Iha, hindi mo manlang pinatuloy si Jay? Kanina pa nakaPark ang kotse nya sa labas ah." Sabi nya.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong. Tumayo agad ako at sumilip sa bintana.

"Shit." Yun na lang ang nasabi ko at lumabas na nilagpasan lang ang tita ko.

Pagbaba ko, kinatok ko yung kotse nya. Inunlock nya naman kaya nabuksan ko. Pagpasok ko, nakasandal lang sya sa inislant nyang upuan tapos nakapatong yung paa nya sa manibela.

"Anong ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Nakatambay. Paki mo?" Mataray nyang sagot.

"Tsk." Yun lang ang sabi ko at umalis ulit ako ng kotse.

Red N' FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon