Hellari Pov.
Nag teleport kami para hindi makita ni kuya ang dadaanan namin papunta sa lugar kung saan ko siya dadalhin.
"You may now open your eyes kuya!" Masayang saad ko sa kanya, dahil piniringan ko ang mga mata niya ng papunta kami dito.
"Woah! What a beautiful place!" Bulalas niya pero mas napangaga siya ng makita ang kahariang nasa aming likuran which is mas malaki pa ito sa kaharian ng Whitinians at tumitingkad ang gintong kulay nito na pinapaligan naman ng rosas at iba pang mga halamang namumulaklak.
"Nasaan pala tayo at anong lugar ito?" Tanong ni kuya sa'kin which is alam ko naman na iyon talaga ang magiging tanong niya.
"Relax lang dahil safe ka dito sa kahariang ito!" Saad ko sabay hila sa braso niya papasok sa loob ng.
Agad nagbukas ang malaking pintoan ng kaharian at bumungad sa amin ang mga tagasilbi rito.
"Maligayang pagbabalik kamahalan!" Sabay na saad ng mga ito na mas ipinagtaka niya.
"Wag na kayong mag-abala pang magluto dahil aalis din kami, kumusta kayo dito?" Tanong at saad ko sa mga ito.
"Ayos lang naman po kamahalan!" Sabay nilang sagot sa akin.
"Anyway, maghanda kayo sa nalalapit na digmaan dahil kayo ang uubos sa mga taong maitim ang budhi at hindi nararapat mabuhay sa mundong ibabaw!" Saad ko sa kanila na ikinagulat nila.
Sila ang aking mga kawal na inahon at kinuha ko mula kay kamatayan. At sila ang hahatid sa mga may maiitim na budhi papunta sa kanilang pinanggalingan.
Nakikita ko ang pagkalito sa mukha ni kuya Demior pero mas nakikita ko sa kanyang pagmumukha ngayon ang pagkamangha sa paligid.
"Alam kung kaharian ito baby, pero sino ang namuno dito?" Tanong niya sa akin.
"You'll meet her very soon! But for now, kailangan na nating bumalik sa kaharian. At wag mo itong sabihin kahit kanino kuya okay?" Saad ko kay kuya at pumayag naman siya.
"Mabuti at nandito na kayo kakain na tayo!" Saad ng aming ina habang makikita mo ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman ang about sa sumpa sa aking Binibini,
Nalaman ko lang naman ang lahat ng iyon noong nakita ko ang portal papuntang underworld dahil bago ko pinuntahan si Uno, kusang lumapit sa'kin ang Goddess of Nature na si Heraya at ipinakita sa'kin using her power kung ano ang nangyari sa aking katawan dati at kung bakit hindi nagkaroon ng kapangyarihan ang prinsesa noong nabubuhay pa siya. Kaya ngayon palang parang nawala na silang naala-ala kung ano ako dati dahil isa sila sa mga tinamaan sa naturang sumpa na iyon."Humanda ka sa'kin Hedese! Ikaw ang sisingilin ko sa naturang sumpa na iyon at siguraduhin kung uubusin ko ang lahi ninyo sa ating paghaharap!" Saad ko sa aking sarili,
"Anak Hellari, kain na!" Saad ng Reyna sa'kin kaya kumain nalang din ako.
Matapos ang aming pagsasalo ay agad kaming natulog I mean sila lang.(Smirk)
"Ilang araw nalang at mangyayari na ang pagsusulit, kaya kailangan kung maghanda tungkol dito dahil lilinisin ko ang mundong ito at sa mismong Academy ako magsisimula sa aking gagawin." Saad ko gamit ang aking isip bago bumangon at palihim na lumabas ng palasyo.
-End of Chapter
![](https://img.wattpad.com/cover/302432222-288-k421646.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reincarnation of the most Dangerous Goddess To the most Weakest Princess Bod
FantasyFantasy Story