Author Pov.
Maaring pumatay si Hellari ng mga mortal kung gusto niya talagang mapadali ang pagkabuhay ni Hadese. Dahil lingid sa kaalaman ng iba, may dugong Ceros din ang lola nilang si De Luna. At dahil siya ang bunsong anak ng Reyna, it means sa kanya nananalaytay ang dugo ng Ceros na nagmula kay De Luna.
Itinaas ni Hellari ang Isang kamay niya habang iniipon ang napakalakas at napakalamig na na enerhiya ng hangin na tila yilo ito kung lalapat sa balat ng mga immortal, at upang malaman niya kung ang mga kaharap ba niya ay mga tunay na mortal o mga Ceros na ang mga ito.
"Inuutusan kitang yakapin mo sila ng matagal!" Saad nito bago unti-unting ibinaba ang kanyang kamay.
Ilang minuto lang ay napayakap na sa sarili ang mga studyanting nasa field dahil sa epekto ng kapangyarihan ni Hellari.
"Tingnan natin kung makapagtago kayo!" Saad ni Hellari habang pinagmasdan ang mga studyanting nasa kanyang harapan.
Ayaw na ayaw kasi ng mga Ceros ang subrang lamig dahil manghihina sila, dahil tanging init lamang ang gusto nila bilang taga underworld. At matapos nga ang ilang minuto ay biglang nagkagulo ang field dahil may ilang studyante na nag-iba ang mga anyo at ito ay ang mga Ceros na nagpanggap bilang mga studyante ng De Luna.
"The Hell!" Asik ng Academy President.
"I told you!" Saad ni Hellari bago ito muling tumalon sa itaas ng building at walang awa nito pinaghati-hati ang katawan ng mga Ceros na mapapalapit sa kanya. Dahil tumulong narin ang ibang mga studyante sa pagpaslang sa mga ito.
Habang ang Academy President naman ay hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan, dahil ang may ganitong galawan na nakikita niya dati ay ang namayapang si De Luna lang, at hindi niya lubos maisip na ganito rin para ka husay ang apo nito na sigurado siyang ito ay susunod sa yapak ng kanyang pinaglingkuran dati.
Matapos maubos ang Ceros sa De Luna ay nagsalita ulit si Hellari.
"Tapos na ang laban ngayon pero kailangan ninyong maghanda sa pagsusulit bukas kung karapat-dapat kayong manatili dito o karapat-dapat na kayong mamama-alam.!" Saad ni Hellari bago umalis sa kanyang kinaroroonan.Samantalang habang nakikinig ay naging sigurado na si Prince Demior na ang tagapagmana ng De Luna ay ang kapatid niyang si Hellari, na nakikita na niya kung gaano ito ka brutal kung pumaslang.
"Goddess Hellary?!" Nasambit ni Demior matapos maproseso sa utak niya ang galawan ng kapatid niya at ang nabasa niya sa aklat ni Hellary.
"Impossibly!" Saad niya at agad niyang hinanap ang kapatid.
"Trying to find me?" Tanong ng kung sino kaya agad siyang napaatras.
"Who are you?!" Saad niya rito,
"Huh?! Anong who are you ba kuya?" Tanong ng kapatid niya dahilan para nahimasmasan siya.
"Ilang taon kana nga Hell?" Tanong niya dito,
"18, why?" Tanong naman ng dalaga sa kanya,
"Nothing! I forgot kasi!" Saad niya sa kapatid sabay akbay dito.
"If goddess Hellary reincarnated as my sister, dapat lumabas na ang iyong palatandaan! Pero since wala naman ibig sabihin ay hindi!" Protesta ni Prince Demior sa sarili niya sabay ngiti ng malapad dahil kahit idol niya si Hellary based sa aklat nito, nagbago ang isip niya tungkol sa pangarap na sana pag mabuhay itong muli ay magiging kapatid niya ito dahil mahal na mahal niya na ang kapatid niya.
-End of Chapter
BINABASA MO ANG
The Reincarnation of the most Dangerous Goddess To the most Weakest Princess Bod
FantasyFantasy Story