Chapter 70

837 35 0
                                    

Author Pov.

Matapos ang ilang araw ay kusang bumalik sa Goddess Hellary sa katawan ng Prinsesa, ngunit ni isa ay walang nagbabantay sa kanya, nanghihinayang man ay mas minabuti niyang umalis sa lugar ng kanyang mortal na tagapagligtas upang puntahan ang prinsiping Demior na naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Isang orasyong siya lang ang tanging makapag desisyon sa buhay ng binatang mas naunang nawalan ng malay kesa sa kanya ng nagsakripisyo siya upang mapawalang bisa ang sumpang ipinagkaloob ng namayapang brutal na kalaban ng matandang si De Luna sa katawan ni Prinsesa Hellari at buhay at sa darating pang mga buhay nito.

Luha at dugo ng prinsesa na galing sa pamilya nito at ito ay nangangahulugang simula noong nag sakripisyo si De Luna upang mabuhay ang dating sanggol na si Hellari, mabubuhay ito matapos ang kamatayan ngunit sa buhay na walang kasiyahan at luha ang tanging kasangga nito upang maibsan ang sama ng kanyang loob kung nanaisin man niya at ang luhang tinutukoy ay galing mismo sa pasakit at pagkamuhi ng kanyang sariling pamilya.
Ngunit sariwang dugo nito at sakripisiyong hahantong sa kamatayan ang tanging paraan upang mawala ang nasasabing sumpa. Kaya mabigat man sa loob ni Goddess Hellary dahil sa kanyang pangako na iingatan niya ang katawang ito, isinakripisiyo niya rin ito ng maging matiwasay ang plano niya para rito sa muli nitong pagkabuhay.

Sa kaharian naman ng Whitinians of Ice Kingdom ay inihanda na lamang ng Royalties ang kanilang sarili sa pagtanggap sa posibling pagkamatay ng Prinsipe na ang ibig sabihin nito ay siya ring araw ng pagkamatay ng prinsesa na nawala sa kanila matapos ang ilang linggo.

Sa malaking ispasiyo o space ng kahariang Whitinians ay kanya-kanya sa pagbisita ang mga kakilala o mga taga ibang kaharian na gustong makakita sa mahal na Prinsiping si Demior na nasa harapan ng nasasabing ispasiyo na tila patay na ito kahit may kaunti pa itong hininga. At ipinagkaloob na lamang ng pamilya nito sa panginoon kung bubuhayin paba ito o mawawala na sa kanila habang buhay.

Eksaktong alas dose ng hating gabi, nasa paligid ng namayapang natutulog na si Prince Demior ang kanyang lahat na angkan upang pag-uusap ang desisyon ng Hari at Reyna king hahayaan bang maghingalo ng matagal ang prinsipe o sila na lamang ang kikitil sa buhay nito.

Tahamik na mga bibig at tengang nakikinig o mas madaling sabihing nagkakaisa ang membro ng pamilya ni Prince Demior at Princess Hellari sa kanilang pagpupulong sa desisyon na dapat silang magkakaisa. At habang abala sila sa pakikinig hindi nila namalayan na sa likurang banda nila umupo na pala ang isa sa kanilang pinag-uusapan.

"Mas gusto kung mawala sa akin ang aking panganay na anak na si Demior kung ito ay kagustohan o dadalhin ng aking bunsong anak na si Hellari. Hindi sa paraang papatayin natin siya! Dahil maaring managot tayong lahat sa kapatid niya kung ito man ay mabubuhay!" Saad ng amang Hari ni Princess Hellari na tahimik lang sa likuran at nakikinig sa kanila. Kaya habang kanya-kanya sa pagdesisyon kung ano ang nararapat nilang gawin tahimik lang ang dalagang nakikinig sa kanila.

-End of Chapter

The Reincarnation of the most Dangerous Goddess To the most Weakest Princess BodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon