-Prologue

29 12 2
                                    

Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday Amy! Malakas na kanta ng aking kaibigan na si Matthew.

Oo. Birthday ko ngayon pero hindi naalala ng aking ina yoon. Ang laging nasa-isip niya lang ay ang kanyang trabaho.

Pitong taong gulang na ako ngayon at tanging ang kasama ko lang sa selebrasyon ko ngayon ay ang aking kaibigan na si Matt. Siya lang lagi ang nandyan sa tabi ko, Ang nagpapa-tawa saakin kapag malungkot ako.

"Happ Birthday Amy" bati nito saakin sabay abot ng isang regalo
saakin.

"Sana magustuhan mo yan wala pa kase akong ipon ngayon kaya yan lang muna. Hayaan mo kapag 18th kana napaka-gandang regalo na ang ibibigay ko sayo." sabi pa nito saakin na ikina-ngiti ko.

"Salamat Matthew" ang tanging lumabas sa bibig ko. Kahit ano
naman ibigay mo saakin ay magiging
masaya ako.

Ng mga araw na yon ay napaka-saya ko. Daig ko'pa ang nanalo sa lotto kahit wala akong magulang na nasuporta saakin ay meron naman akong kaibigan na nandyan at handa akong pangitiin sa bawat oras.

Pag-uwi ko naman ay agad ko itong binuksan. Hindi ko naman nadatnan si mama kaya mag-isa na naman ako sa bahay.

At napagtanto kung ang regalong binigay sa'akin ni Matt ay isang maliit na Jar? Medjo nagtaka ako dito dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dito. Kaya mas pinili ko nalang na itabi ito sa isang kahon at itago.

Jar of Tears (Complete)Where stories live. Discover now