Chapter 4. Freya!

10 6 5
                                    

Amy's Pov.

Palakad-lakad lang kaming tatlo ngayon sa gitna ng skwelahan na ito
dahil wala kaming klase.

"Daan muna tayo sa cafeteria nagugutom na ko!" Pagrereklamo
ni Yanna.

"Diba kaka-daan lang natin kanina doon bakit hindi ka pa bumili?" Sabi ni Khriziel.

Bilhan mo nalang kaya ako makaka-tulong pa kesa naman mag reklamo ka dyan! Sabi ni Yanna kay Khriziel.

Ano ba naman kayong dalawa hanggang ngayon parin ba nag-aaway
kayo kung tadyakan ko kaya kayo isa-isa para matauhan kayo! Sigaw ko sa kanilang dalawa na nagsi tigil na sa pag-aaway.

Ang haba-haba naman ng pila dito dapat nag-punta nalang tayo kay Aling Susan. Para naman maka-pangutang den ako. Sabi saamin ni Yanna

"Tumabi nga kayo dyan!" Sigaw ng isang babaeng parang kumakain ng tao. Pero hindi ko sure (charot)

Lahat naman ng studyante dito ay takot na takot sa babaeng ngayon ay nangunguna na sa pila.

Marami naman kaming naririnig na sabi-sabi dito sa ibang studyante dahil sa babaeng ito.

"Tapang-tapangan lang yan dahil boyfriend niya si Andrew"

"Pati nga si Matt dati nilalandi niya"

"Siguro nga!"

"Hi new biee welcome" naka-ngiting sabi nito saamin pero hindi namin ito pinansin at tumayo na kami sa upuan. Tatayo na sana kami ng bigla niya akong hilahin.

"Hindi pa ako tapos! Huwag kang bastos!!!" Sigaw nito sa tenga ko nahalos mabingi ako.

Sinipa naman ni Yanna si Freya kaya tumalisik ito sa pader na ikina-galit nito. Lumingon naman ako kay Khriziel na ngayon ay nakikipag-sabunutan na sa kasama ni Freya.

Hindi ko alam na may power pala si Khriziel dahil napatumba niya yung dalawang clown na kasama ni Freya. Nag-thumbs up naman ito saakin na ikina ngiti ko.

Nawala naman sa isip ko sina Yanna na ngayon ay nagsasabunutan na. Bahala kayo dyan!

Ahhh!! Sumosobra kana! Natumba naman si Yanna sa sahig. Kaya ako naman ang nakita ni Yanna.

Lumapit nman ito bigla saakin at hinila ang aking buhok.

"Hindi mo saakin makukuha si Matt dahil akin siya!!! AKIN SIYAA!!" sigaw na naman nito saaking tenga pero hindi ako nagpatalo.

Hinila ko din ang buhok niya at kinuha ko ang isang milk tea at
ibinuhos sa kanyang mukha.

"Diba ang sarap baka kulang pa yan dadag-dagan ko!" Sigaw ko naman sa tenga niya.

Pupunta na sana ako kay Yanna ng biglang hilahin niya ang paa ko. Kaya napa-untog ako sa sahig na ikina-dugo ng ulo ko.

Lumabo na naman ang aking mga mata. Pero kita ko parin ang dumating. Si Matt at sina Andrew?

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Matt kay Khriziel. Bigla nalang inatake ni Freya si Amy kaya lumaban kami. Sagot ni Khriz

Binuhat naman ako ni Matt at hindi kona alam kung anong nangyari.

Jar of Tears (Complete)Where stories live. Discover now