Chapter 3. Bully

11 8 5
                                    

Amy's Pov.

Ate Amy? Tawag saakin ni Khriziel sabay kaway. "Sabay na tayong pumunta sa school" pero tumango-tango lang ako bilang maging sagot.

Nasaan nga pala si Yanna bakit hindi mo siya kasama? Tanong ni Khriziel saakin.

Hindi ko siya kasama ngayon dahil may pupuntahan pa daw sila ng kanyang mama. Sagot ko kay Khriziel.

Umupo na naman ako at tumabi sa akin si Khriz. "Siguro naman ay hindi magagalit si Yanna kapag nalaman niyang dito ako uupo?" Natatawang sambit nito.

Tiningnan ko naman ang iba naming kaklase na may sari-sariling ginagawa. Pero may isa talagang lalaking naagaw ng aking tingin.

Sa palagay ko naman ata ay mabait siya dahil sa kanyang mukha. Maputi din siya pero wala atang kaibigan dahil nag-iisa lang siya sa upuan at hindi nilalapitan ng iba kung kaklase.

"Ohh para atang ang lalim ng naiisip mo?" Sabi saakin ni Khriz.

Bakit nasidsid mo ba? Sino ang lalaking yun? Tanong ko pa kay
Khriziel.

Yun ba? Sabay turo sa lalaki pero tumango-tango lang ako. "Matt ang
pangalan niya" sagot nito kaya napa-isip ako.

"Matt? Si matt na matagal ko ng hinahanap?" Sabi ko sa isip ko.

"Binu-bully siya minsan nina Andrew at ng mga kasama niya kaya ni isa ay walang nalapit kay Matt" dugtong pa nito sa sinabi niya.

Maya-maya naman ay may nagbukas ng pinto at sa sobrang lakas nito ay muntik ng sumabog ang tenga ko. "Sila na ata yaan" natatakot na sambit ni Khriziel saakin.

Nabaling naman ang tingin saakin nung tatlo. Pero umiwas naman agad ako ng tingin dahil nakakatakot ang mga mukha nila. Kahit sina Sir ay takot sa tatlong ito at maging ang mga kaklase ko na nakatago nasa kurtina.

Lumapit naman sila kay Matt na parang masaya pa sa ginagawa nilang kalokohan.

"Mukhang babanatan na naman nina Andrew si Matt"

"Oo nga hindi na ba sila naawa kay Matt ang pogi pa naman ng lalaking yan"

Mga naririnig kung usapan galing sa iba kung kaklase. Binaling ko naman ang tingin ko kay Matt na ngayon ay duguan na.

"Wala ba kayong gagawin kundi tumunga nga lang dyan sa tabi!" Malakas na sigaw ko sa loob ng room kaya natauhan sina Andrew at biglang lumapit saakin.

"Itigil niyo nayan ni hindi ka ba naaawa sa lalaking yan sa mga pinag-gagagawa niyo!" Sabay turo ko sa tatlong mga g*g*.

Sino ang babaeng to? Ang tapang-tapang ha kilala mo ba ako? Sabay turo sa kanyang sarili na ikina-inis ko.

Oo kilala kita. Ikaw si Satanas na masamang taooo!! Diba tama ako? Sagot ko sa kanya na ikina-pula ng
kanyang mga mata.

Sasampalin na niya sana ako kaya napapikit nalang ako at yumuko. Pero mga ilang minuto ang lumipas ay walang dumadampi sa mukha ko. Kaya dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko at nakita ko si Matt na naka-tingin saakin at hawak-hawak ang kamay ni Andrew.

"Umalis kana dyan kaya ko na to! Sigaw nito saakin kaya sumunod nalang ako. "Lahat kayo umalis muna dito ako na ang bahala sa g*g* toh! Utos pa nito kaya nagsi-takbuhan ang mga kaklase ko.

Pati ang ibang section ay naka-tingin sa dalawang naglalaban sa loob ng aming room.

1000/10 boto ko kay Andrew sigaw ng isang lalaking galing sa kabilang section.

1000/10 boto ko kay Matthew naniniwala ako sa kakayahan niyan sigaw ng lalaking kaklase namin.

Hindi si Matthew ang mananalo sa laban! Sigaw pa nung isa na sinipaan ko dahil sobrang ingay. Ulitin mo pa ang sinabi mo hindi lang yan ang aabutin mo!

Jar of Tears (Complete)Where stories live. Discover now