Chapter 1. New School

25 12 2
                                    

Amy's Pov.

Lumipas ang maraming taon na hindi nagpapakita saakin si Matt. Pati ang kanyang mga magulang ay walang koneksyon sa kanya o sa kalagayan niya. Mag-18th birthday na'ko sa September 24 at ang hiling ko lang ay sana makita kona siya at maisayaw niya ko sa araw nayon.

"Amy? Ano na naman bang iniisip mo kanina pa kitang tinatawag pero parang naglalakbay pa isip mo!" Sabi saakin ni Yanna kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko sa kanya. "Oo kaya bilisan mona dyan" sagot nito saakin.

Napatigil naman sa paglalakad si Yanna kaya huminto rin ako, tinapik ko ren ng kaunti ang kamay niya dahil naka-hawak siya sa may baba ko.

Unti-unti ko namang itinaas ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita ang napaka-laking skewlahan. Maganda ren ito at mukhang mayaman ang may ari.

Wala pa naman kaming ID ni Yanna kaya pinapasok na kami nung guard sa labas.

Maraming studyanteng naka-tingin saamin pero hindi na namin yon pinapansin. Marami den kaming bulungang naririnig pero hinahayaan nalang namin yon.

"Sino ang dalawang yan?"

"New biee?"

"Mukhang galing sa malayong lugar?"

Halatang mayayaman ang mga napasok dito dahil sa inaasta nila.
Pero syempre hindi kami papatalo ni
Yanna. Ni hindi nga nila kilala kung sino ang kinakalaban nila.

"Pupunta tayo kay Sir. Alvarez para magpa-ID" sabi saakin ni Yanna na tuloy lang sa paglalakad. Ako naman ay sinusundan lang siya dahil baka maligaw ako sa napaka-laking skwelahan na to!

Tumigil naman bigla si Yanna sa isang office at dahan-dahang kumatok. Siguro ay ito na ang office ni Sir. Alvarez dahil may pangalan niya sa taas.

Tok! Tok! Tok!

May nag-bukas naman ng pinto saamin kaya tuloy lang kami sa
paglalakad.

"Yanna Sarmiento and Amy Dela Vega?" Tanong saamin ni Sir. Pero tumango-tango lang kami upang maging sagot.

"Grace kuhanan mo na sila ng picture para ma-print na agad" tawag ni Sir. Alvarez sa kanyang secretary na agad kaming isinama sa isang room.

Si Yanna naman ang nauna dahil mag-aayos pa'ko ng mukha ko para maganda sa ID.

"Amy Dela Vega ikaw na" tawag saakin nung isang lalaki kaya agad akong lumapit doon at umupo.

And one,two,three click!!

Lumabas na naman kami ni Yanna doon at parang naghihinakit pa siya sa kanyang ID.

Sira ba ang camera sa skwelahan na to? Tanong ni Yanna saakin pero tinawanan ko lang ito pano ba kase yung buhok niya nilipad sa picture.

Pero t-tekaa! Saan ang room nateng dalawa? Tanong ko dito kaya nagmadali siyang buklaten ang hawak niyang papell.

Room 236 Section Eleven!

Sigaw nito kaya tinadyakan ko siya. Huwag kang ngang sumigaw nakakarindi ka!!

Arayyy koo humanda kasaakin Amy matitkman mo ang malakas na tadyak ko!! Sigaw nito saakin pero mabilis na akong tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Jar of Tears (Complete)Where stories live. Discover now