-------•••••--------•••••---------••••
PAGKATAPOS ng pagpapahinga ni Xavier ay naisip niyang sunduin nalang ang kaniyang ate. Nag-ayos siya ng sarili upang kahit papaano ay maging presentable siya sa paningin ni Araceli. Binalik na rin niya ang pinintang larawan.Napansin naman ni Xavier ang binasag niyang salamin sa tabi ng kaniyang bintana. Pinagalaw niya iyon gamit ang kaniyang isipan. Nagsibalik ang basag na salamin sa normal na ayos nito. Ang dating basag-basag ay nabuo at walang bakas ng anumang pagkabasag.
Isa ito sa mga kakayahan ni Xavier na siya lang ang nakakaalam, kahit na kaniyang kapatid at ama ay walang ideya sa kaniyang nakatagong kakayahan.
Lumabas na siya ng kanilang mansiyon at nakita niyang pumipitas ng sariwang bulaklak si Estrella. Hindi niya nalang ito pinansin at nilagpasan niya lamang ang dalaga.
"X-xavier..." Lakad-takbong hinabol ni Estrella si Xavier at nang maabutan ay hinawakan niya ito sa kanang balikat.
Napatigil si Xavier at hindi man lang lumingon kay Estrella.
"Paumanhin sa aking kapahangasang ginawa sa'yo. Ako'y nagbabasakali lamang na kapag nagawa ko iyon ay pwede mo na suklian ang aking nararamdaman para sa'yo."
Paliwanag ni Estrella.
Sa pagkakataong iyon ay nilingon na siya ni Xavier. Kitang-kita ni Estrella ang galit sa mga mata ng binata kahit kalmado lamang ang mukha nito.
"Hindi ganoon 'yon, Estrella..." kalmadong tugon ni Xavier.
Napayuko na lamang si Estrella.
"...kalimutan mo na kung ano man ang nangyari sa atin, huwag mo na akong guluhin pa, kung sakaling may mabuo diyan. Handa kong panagutan, pero ang magkaroon ng pagsukli ng pagmamahal sa'yo ay huwag ka ng aasa pa."
At tinalikuran na niya si Estrella.
Naiwan namang tulala si Estrella at may kung anong naramdamang sakit sa kabituoran ng kaniyang puso.
NASA kaligitnaan ng paglalakad si Xavier sa kagubatan nang may naaninag siyang mga kalalakihan na tila ba nagsisiyasat sa mga naiwang bakas ng napaslang na mga tao.
Napatago si Xavier sa isang malaking kahoy at sinusubukang pakinggan ang mga pag-uusap ng kalalakihan.
"Sa palagay ko, ang nakuha ni Don Juan na isang puting tela ay hindi iyon pag-aari ng mga napaslang."
"Ano ba sa iyong palagay ang nag mamay-ari?"
"Sa tingin ko ay isa sa mga halimaw."
"Eh? Ano naman ang gagawin niya sa puting tela?"
"Malay mo, may sugat na talaga yung halimaw tapos nalimutan niya lang tanggalin. 'di ba?"
Samantalang si Xavier naman ay lumabas na lang sa pinagtataguan at kaswal na naglakad at nilagpasan ang mga kalalakihan. Hindi naman siya napansin kung kaya ay diretso-diretso nalabg siyang naglakad.
"SINO naman ang ginuguhit mo binibini?" Tanong ni Xienna kay Ariana na ngayon ay nakikisali sa klase ng kaniyang ate Araceli.
Kasulukuyan silang nasa sala.
"Hmm...ginuguhit ko po si Ama, binibini." Tugon ni Ariana na seryosong seryoso sa ginagawa.
Natawa na lang din si Araceli. Samantala ang naiguhit naman ni Araceli ay isang bulaklak ng gumamela na kulay puti.
Paboritong bulaklak ni Araceli ang gumamela dahil magaan sa mata kung pagmasdan.
Si Xienna naman ay nasisiyahan sa dalawa dahil ang bilis lamang nila matuto.
BINABASA MO ANG
Xavier
WerewolfSa taong 1850, sa bayan ng San Fernando kung saan naroroon ang pamilyang nagtataglay ng nakatagong sumpa na siyang gumagambala sa bawat tao kapag sumilay na ang kabilugan ng buwan. Naroroon ang kanilang kakaibang lakas at angking kakayahan na hindi...