---•••---•••---•••---•••
APAT na buwan na ang nakalipas. Naging maayos na ang pamamalakad sa bayan ng San Fernando.
Bumaba na rin sa puwesto si Don Juan. Ang bagong namuno na ngayon ay si Santiago Villacorte at ang kaniyang kanang-kamay ay si Hukom Precupio Santa Mesa.
Halos lahat ng tao sa bayan ay sang-ayon sa bagong halal na alcalde at kanang-kamay. Sang-ayon na rin ang taong bayan na makipag-ugnayan ang may lahi ng taong-lobo sa kanila.
Nagpakilala rin si Xavier sa harapan bilang isang bagong pinuno ng Barrio Querrencia.
"Magandang Araw, bilang isang bagong pinuno ng Baryo Querrencia, ako'y nagapapasalamat sa lahat dahil ang katulad namin ay inyong tinanggap. Hangad nating lahat ang katiwasayan at kapayapaan sa pagitan ng mga taong-lobo at sa mga pangkaraniwang tao. Itong nakaraang buwan o sabihin nating simula pa noong una ay may kaguluhan na... Ako'y manghihingi ng paumanhin. Bilang isang pinuno na ngayon sa aming balwarte ay magiging gabay ako upang puksain ang mga masasama."
Nagpalakpakan naman ang lahat at nag hiyawan. Sa puso at kaloob-looban ng lahat ay naangkin na rin ng San Fernando at Barrio Querrencia ang kapayapaan.
KINAGABIHAN nagkaroon ng malaking piging sa tahanan ng mga De La Vega.
Lahat ay nagkakasiyahan sa malakas na indayog ng mga tugtog.
Abala sa pakikipag-usap si Araceli sa mga panauhing dumadating sa kanilang tahanan.
Samantalang si Xavier naman ay nakikipag-usap kay Don Felipe, Don Juan, Santiago, Hukom Precupio, at Mateo.
"Kailan na ba kayo magpapakasal ni Ara?" Biglang tanong ni Don Felipe kay Xavier.
"Pinag-iisipan na ho namin, Ama." Ani Xavier.
"Aba'y gusto ko ng magka-apo." Dagdag pa ni Don Felipe.
Nagtawanan naman sila sa narinig.
"Si Xavier pa, madali lang po 'yan." Pakli ni Mateo.
"Eh ikaw, Mateo? May binibini ka na bang napupusuan?" Tanong ni Hukom Precupio.
Nanigas si Mateo sa naging katanungan ng hukom. Alam niya na siya ang ama ni Catalina.
Napasulyap siya sa gawi ni Catalina na ngayon ay masayang nag k-kwentuhan sa ibang panauhin kasama si Araceli."Ah---m-meron naman po..."
"Huwag mong sayangin ang panahon, Mateo." Ani Don Juan sabay ngiti.
"Sa tamang panahon po." Ani Mateo.
"Kung ngayon na ang tamang panahon? Pwede mo naman lapitan." Pakli pa ni Xavier na ikinagulat ni Mateo.
"Nagsimula rin kami sa ganiyan. Hindi namin sinayang ang pagkatataon. Bawat patak ng oras ay mahalaga." Saad ni Hukom Precupio.
"Sa totoo po niyan..." Napahinga ng malalim si Mateo. "S-si Binibining Catalina po...ang inyong anak po ang aking napupusuan."
Bigla silang humalakhak, maliban kay Mateo at Hukom Precupio.
Inagbayan na lamang ni Xavier si Mateo at tinapik ang balikat.
"Maghahanda na ba ako nito? Tila magiging lolo na rin ako sa kalaunan." Ani Hukom Precupio. Inilahad ng hukom ang kaniyang kamay kay Mateo. "Kung ikaw man ay magiging kabiyak ng aking anak ay hindi ako magiging tutol."
Napangiti si Mateo at tinanggap ng kaniyang dalawang kamay ang kamay ng Hukom at nagpasalamat.
Samantala, napansin naman ni Araceli at Catalina ang masayang pag-uusap ng kanilang ama kina Xavier, Mateo, at Santiago.
BINABASA MO ANG
Xavier
WilkołakiSa taong 1850, sa bayan ng San Fernando kung saan naroroon ang pamilyang nagtataglay ng nakatagong sumpa na siyang gumagambala sa bawat tao kapag sumilay na ang kabilugan ng buwan. Naroroon ang kanilang kakaibang lakas at angking kakayahan na hindi...