------•••••------•••••------•••••
ARAW na ng sabado at hinahanda na ni Xavier ang kaniyang kagamitan panggamot.Nagsuot siya ng puting polo at nagpabango upang maging kaaya-aya siyang tingnan ni Araceli.
"Himala at nagsuot ka na ng kulay puting damit."
Bungad ng kaniyang ate nang makalabas siya ng kaniyang silid.
"At dapat ngumiti ka, mukha kang nagluluksa parati." Dugtong pa ni Xienna.
Ngumiti naman ng matipid si Xavier.
"Oo na ate."
Naabutan naman ng binata ang kaniyang ama sa sala na kausap ang ama ni Estrella na si Don Diego Vargas.
"Anak..." Tawag ng ama kay Xavier.
"Po? Ah--magandang umaga, Don Diego." Bati ni Xavier.
"Saan ka tutungo hijo tila bihis na bihis ka?"
Usisa sa kaniya ni Don Vargas at napatingin pa sa dala ni Xavier."Sa bayan po, may aasikasuhin lamang na importante."
"Ganoon ba, pwede bang pakiabot nalang ang salapi na ito kay Sebastian?" Sabay kuha ni Don Diego ng salapi sa kaniyang bulsa.
"S-sige po, Don Diego."
"Maraming salamat, hijo."
Napatango naman si Xavier at nagpaalam na sa dalawa.
"Ama, aalis na po ako."
At tumalikod na siya. Napahinga na lang siya ng malalim dahil bibisitahin niya ngayon ang pinaka matalik na kaibigan na si Sebastian Vargas na isang pari sa pinakamalaking simbahan ng San Fernando.
Si Sebastian Vargas ang panganay na kapatid ni Estrella at Ramon. Hindi niya matanggap ang pagkalat ng sumpa sa kaniyang pagkatao kung kaya ay mas minabuti nalang niya na kontrolin ang sarili sa pagpatay ng mga tao o hayop at ibinaling ang sarili sa pagse-serbisyo sa simbahan at pinutol ang ugnayan sa kanilang nasasakupan.
NARATING na ni Xavier ang simbahan at napatitig siya sa mga santo. Ngumisi na lamang siya sa mga ito.
"Sila ba talaga ang gumawa sa atin? O tayo ang gumagawa sa kanila?"
Natigilan si Xavier nang may pamilyar na boses ng lalaki ang nagsalita sa likuran niya. Napalingon siya at nakita niya si Sebastian na nakasuot ng puting sutana habang nakatingin sa mga rebulto.
"Linya ko 'yan dati." Ikling tugon ni Xavier kay Sebastian.
Napatawa naman ng mahina si Sebastian sa sinabi ni Xavier
"Alam ko, matalik kong kaibigan. Hindi ko malilimutan nang ako'y iyong tinulungan noon na umukit ng mukha ni Birheng Maria sa kahoy."
At inagbayan agad ni Sebastian si Xavier.
"Pilyo ka pa rin, Xavier."
Napatawa nalang din si Xavier.
"Naparito ka? Mangungumpisal ka na ba sa iyong mga kasalanan? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita." Sabi ni Sebastian na ngayon ay binigyan niya si Xavier ng upuan.
Napatingin si Xavier sa kabuuan ng simbahan. Ngayon pa lamang siya nakapasok dito.
"Nagpaabot ang iyong ama ng salapi."
Sabi ni Xavier at kinuha ang pera sa kaniyang bulsa.
"Si ama talaga, ano ba ang gusto niya iparating? Hindi ko tatanggapin iyan."
BINABASA MO ANG
Xavier
WerewolfSa taong 1850, sa bayan ng San Fernando kung saan naroroon ang pamilyang nagtataglay ng nakatagong sumpa na siyang gumagambala sa bawat tao kapag sumilay na ang kabilugan ng buwan. Naroroon ang kanilang kakaibang lakas at angking kakayahan na hindi...