Kabanata 2: Tuwing Kabilugan ng Buwan

367 41 182
                                    

----••••-----•••••-----•••••••----•

NAISIPAN ni Araceli na basahin ang libro na kaniyang nabili kanina.

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Araceli ang kakaibang dating ni Xavier sa kaniya. 

Kaharap niya ngayon ang isang lampara sa kaniyang mesa. Nakabukas naman ang kaniyang bintana na nakaharap sa isang masukal na kagubatan, mga limang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Sinimulan na niyang buklatin ang libro at bago niya pa basahin ay tumingala muna siya upang pagmasdan ang kabilugan ng buwan.

Umiihip ang malamig na hangin pero hindi na iyon inalintana ni Araceli dahil mas mainam iyon kapag nagbabasa siya.

Sinimulan niya ng basahin ang paunang pahina.

Los lobos son solo gente común. Simplemente maldijeron por el superior. El Dios del abismo.
(Wolves are just ordinary people. They just cursed by the superior. The God of abyss.)

Natuklasan rin ni Araceli sa libro kung paano mag bago ng anyo ang mga lobo.

Parang dinadala sa ibang mundo ang isipan ng dalaga ngunit nabigla siyang may umalulong na boses ng aso.

Naitiklop niya ang kaniyang libro at biglang pinatay ang apoy sa kaniyang lampara.

Isasara na niya sana ang binatana nang may naaninag siyang isang anino ng isang malaking aso sa kagubatan.
Agad niyang isinara ang bintana at hinigpitan ang pagsara doon.

Agad niyang ikinontrol ang gulong na kahoy sa kaniyang silya ngunit sa kasamaang palad ay natumba siya dahil sa pagmamadali. Naglikha iyon ng malakas na kalabog sa kaniyang sahig.

Napa-igik si Araceli sa sakit dahil na daganan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silyang de gulong.

Agad naman bumukas ang pintuan ng kaniyang silid at tumambad doon ang kaniyang ama at ina at ang dalawang kapatid.

"Ara!"

Bulalas ng kaniyang ina habang dala ang isang lampara, agad naman napatakbo si Don Felipe sa anak na ngayon ay nakakaramdam na ng sakit sa paa. Kinuha ng don ang nakadagan na silyang de gulong sa anak.

"Ano ba ang nangyari, ate?" Tanong ni Ariana na may halong pag-aalala. Samantalang si Amanda naman ay nabigla.

Agad namang binuhat ni Don Felipe ang anak para mapahiga sa kama nito.

"M-may alulong akong narinig." Sabi ni Araceli na may panginginig sa boses.

"M-may nakita rin akong anino ng malaking aso sa kagubatan, ama!"

Lumapit naman si Amanda at hinawakan ang kamay ng kapatid na nanginginig at nanlalamig na. Pinapakalma niya si Araceli.

"Narinig namin ang alulong anak." Sabi ng kaniyang ama na hinilot na ngayong ang kaniyang paa.

"Anak, nakabukas ba ang iyong bintana kanina?" Tanong ng kaniyang ina. Hindi na maka sagot si Araceli dahil sinabihan na sila ng kanilang ina na kapag pumatak na ang alas otso ng gabi ay kinakailangang wala ng bukas na bintana sa kanilang tahanan.

"Samahan niyo nalang ang inyong kapatid dito." Saad ng kanilang ama.

"Masusunod po, ama." Sabi ni Ariana.

"Basta ako doon sa dulo hihiga ate, sa may pader. Papagitnaan natin si Ate Ara."

Napahinga na lang ng malalim si Amanda dahil gusto niya rin doon pumwesto ng tulog ngunit naunahan na siya ng kanilang bunsong kapatid.

XavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon