El Principio de un Final

149 13 12
                                    

----•••---•••---•••---•••---•••

MAG-ISANG naglalakad ang isang binata sa isang mahabang pasilyo na may dala-dalang balita.

Nang makarating sa pupuntahan ay biglang bumukas ang napakalaking pintuan.

"Buenas tardes mi gobernador. Tengo algo que decir..." (Good afternoon, my governor. I have something to say...)

Lumingon ang gobernador na may hawak na kupita. Base sa anyo nito ay isa itong makisig na lalaki. Masyadong maputi ang balat na tila ba hindi nabilad sa araw. Mapupula ang labi at may mapilantik na mga daliri. Matangos ang ilong nito. Sa kabuuan ay tila isa itong prinsipe ng Europa.

"¿Qué es?" (What is it?)

"Toda la gente de San Fernando ahora está a favor de una alianza con los hombres lobo." (The people of San Fernando are now in favor of creating an alliance between the werewolves.)

Sumilay ang nakakalong ngiti ng gobernador. Ilang taon din siyang nanahimik patungkol sa mga pangyayari sa San Fernando at ng Kongregasyon.

"Llegará el momento... nuestros caminos se entrelazarán..." (Time will come... our path will intertwine...)

"...Xavier Sarmiento." Sabay lagok niya ng serbesa sa kupita.

~~~~
Ending song:
Yugto by Rico Blanco

XavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon