Kabanata 30: Los Rivales

102 16 41
                                    

---•••---•••---•••---•••---•••

PINATAKAN ni Xavier ng kaniyang dugo ang mga labi ni Araceli. Pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ng sinisinta at hinawi ang buhok nito.

"Hindi na ako makakapaghintay na muli mong maimulat ang iyong mga mata, Ara." Saad ni Xavier kay Araceli na putlang putla na ang mukha at maging ang katawan nito. Naghilom na rin ang sugat ni Araceli sa kaniyang dibdib at ang balisong na nakuha ni Xavier ay kaniya itong tinago.

"Xavier?"

Nakarinig ng tatlong katok si Xavier, nalaman niya agad na si Xienna iyon.

"Bukas 'yan." Sabi ni Xavier na hindi pa rin niya binibitiwan ang mga kamay ni Araceli.

"Hinahanap ka na ni Ama. Laging nagtatanong sa akin kung saan ka na raw?" Bungad ni Xienna at inilagay sa katabing mesa ang dalang pagkain sa kapatid.

"Ano naman ang iyong tugon?"

"Sinasabi ko lamang na gusto mo lamang mapag-isa...eh, nangangamba na iyon dahil nagpadala ng liham ang alcalde ng San Fernando na... 'yun nga, nawawala si Araceli." Saad ni Xienna at binuksan na ang dalang pagkain.

"At tsaka, nangangamba rin si Ama dahil kabilugan ng buwan mamaya baka ano na naman ang gagawin ng kabilang panig, at siya nga pala...isinaad din sa liham na maraming nawawalang guwardiya sibil, sa aking pakiwari ay sila Don Diego ang may pakana." Dagdag pa ni Xienna.

Napailing na lamang si Xavier. "Mga lapastangan talaga, hindi ko muna sila iintindihin...ang gusto ko lamang ngayon ay malaman kung sino ang pumatay kay Ara."

"Iyan! Naku, ang daming balakid sa buhay mo, Xavier! Naaawa na ako sa kalagayan ni Ara, kung sino man ang gumawa niyan ay halang ang kaluluwa! Pero, naisip ko lang...paano kung hinahanap na siya ng kaniyang esposo? Maari mong kausapin ang kaniyang esposo."

"Hindi pwede." Agad na tugon ni Xavier.

"Aba'y bakit?" Takang tanong ni Xienna.

Huminga na lamang ng malalim si Xavier.

"ANONG ginagawa mo rito?" Tanong agad ni Arturo kay Kristina nang makita ito sa bungad ng kaniyang tahanan.

"Aking nabalitaan na naglayas ang iyong esposa." Tugon ni Kristina na nahahalata na ngayon ang kalakihan ng kaniyang tiyan.

"Ikaw ba ay may kinalaman dito? Kaya ba nag layas ang aking esposa dahil sinabi mo ang katotohanan?" Tanong muli ni Arturo, pilit niyang binabaliktad ang storya sa lahat upang magmukha siyang kawawa.

Napataas ng kilay si Kristina sa mga naging katanungan ni Arturo sa kaniya. "Ano ang iyong pinagsasabi? Ni walang salita ang lumabas sa aking bibig at isa pa, hindi niya ako kilala. Pasalamat ka at may awa pa ako sa iyong reputasyon, paano nalang kaya kung dumiretso ako sa ama niya?" Despensa rin ni Kristina sa sarili.

"Alam kong may ginawa ka!" Giit pa ni Arturo.

Napatawa na lamang si Kristina at napahimas sa umbok niyang tiyan. "Ikaw ba ay nawawalan na ng bait? Kinakarma ka na yata, Arturo. Kung hindi ka nagtaksil ay hindi magiging ganiyan ang iyong esposa."

"Siya ang nagtaksil sa akin!"

"Paano? Kung nagtaksil siya sa'yo ay dapat hindi na lamang siya nagpakasal sa tulad mo! Nakikita ko sa iyong esposa na minahal ka niya kahit papaano, tapos ngayon parang ikaw pa ang biktima, eh sa una pa lang ikaw na 'yung nambiktima." Wika pa ni Kristina.

"Hindi niya maibigay ang hiling ko!"

"Ano?"

"Kaligayahan."

XavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon