Kabanata 38: Ang Simula ng Wakas

87 11 36
                                    

---•••---•••---•••---•••---•••---

SA gitna ng kaguluhan ang nahihirapang si Don Quasimodo ay gumagapang upang sikapin na maabot ang libro ng propesiya na kanina lang na pinapalutang sa hangin ni Estrella.

Napaigik siya nang biglang may umapak sa kaniyang likuran. Ang katumbas ng pag-apak na iyon ay parang may nakadagan na isang napakalaking bato.

"Ang saya nila tingnan ano? Masaya ka na ba na dahil sa librong iyong inilihim ay ganito ang kinalabasan?" Tanong ni Don Diego.

"Tingnan mo ang pilyo mong anak na inuubos ang lakas para lang ipamukha sa lahat na kayo'y mabuti..." Ani Don Diego sabay hila ng buhok ni Don Quasimodo.

Si Don Quasimodo naman ay halos mabali na ang leeg. Nahihirapan siya sa kaniyang sitwasyon na nakadapa at may nakaapak na paa sa likuran tapos hihilain pa ang kaniyang buhok para makita niya ang mukha ni Don Diego na minsan na rin niyang naging pinakamatalik na kaibigan.

"...akala ko ba ay masama tayo? Akala ko ba gusto mo ng hustisya laban sa mga De La Vega? Akala ko ba papatayin natin lahat ng tao sa San Fernando? Kung nakikita ito ng iyong asawa ay tiyak na iiyak iyon sa pagkadismaya."

Napapikit na lamang si Don Quasimodo sa mga iniwika ni Don Diego.

"Isa ka rin pala sa mga uto-uto, Quasimodo. Nauto ka ba ni Lorenzo? Pinalala lamang niya ang sitwasyon."

"B-bakit nasali rito si Lorenzo? Dahil sa kaniya magiging matiwasay ang paningin ng mga tao sa mga katulad natin!"

Tumawa lamang si Don Diego at tinadyakan ang likod ni Don Quasimodo.

"Bulok! Ang kagaya natin ay tinuturingang masama! Akala mo makukuha mo ang loob ng mga tao? Magkaiba tayo sa kanila! Uto-uto!"

"Ano ba ang punto ng i-iyong pananalita? I-ikaw ang tumiwalag sa ating samahan!" Giit pa ni Don Quasimodo at pilit na harapin si Don Diego.

"Dahil isa kang uto-uto! Kung pinag-isang dibdib mo lang sana ang aking anak na si Estrella at si Xavier, mas lalawak ang ating samahan!" Galit na tugon ni Don Diego at sinimulan na niyang magbago ng anyo.

Napapikit na lamang si Don Quasimodo at tatanggapin na ngayon na ang kaniyang katapusan. Pinapakiramdaman niya ang paligid na sobrang gulo.

Umungal ng napakalakas si Don Diego at handa ng patayin si Don Quasimodo.

"MAPAPASAKIN ANG BALWARTE NA ITO!" ani Don Diego at kinalmot niya ang mukha ni Don Quasimodo.

Napansin naman iyon ni Xavier nang marinig ang boses ng ama na tila nahihirapan na. Tumitilapon ang mga kalaban sa tuwing haharangan siya.

"PUTANGINA MO!" Sigaw ni Xavier. Agad niya itong nilusob at tinadyakan sa dibdib.

Sila na ngayon ang nagkaharap ni Don Diego.

Matatalim ang kanilang tinginan.

Si Don Diego na naman ang lumusob. Lahat ng kaniyang lakas ay inilabas upang siya ang magwawagi sa pagitan nila ni Xavier.

Mas naging malalim pa ang sugat ni Xavier sa kaniyang tiyan dahil kinalmot ulit ito. Ramdam niya ang matulis na kuko na nanunuot sa kaniyang laman. Umaagos na ang masagang dugo sa kaniyang tiyan na siyang nakakapaghina sa kaniyang katawan.

"Anak...lumaban ka. H-huwag mong hayaan na malagay sa alangangin a-ang ating baryo---" Saad ni Don Quasimodo at nawalan na siya ng ulirat.

Kahit na medyo nahihilo si Xavier ay nilalabanan pa rin niya ang bagsik ni Don Diego. Ilang ulit na siyang tumilapon ngunit ganoon pa rin, bumabangon, lumalaban.

XavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon