Kabanata 16: Paglalahad

119 22 48
                                    

---•••---•••---•••---•••

"SUMUSOBRA na talaga sila!" Pagalit na sabi ni Don Tiago. Agad naman siyang niyakap ng asawa mula sa likuran.

Kagagaling lamang nila sa bilangguan ni Nathaniel. Doon ay makikita nila ang anak na payat na at parating balisa. Pinagbibilin rin ng tagabantay na walang manggagamot ang pwedeng makapasok dahil na rin sa batas ng lahat na kapag nakapasok ang isang tao na nawala sa sarili ay iniisip na ng lahat na isa itong parusa na kailangan pagbayaran.

"Hayaan na natin sila, ang isipin natin ngayon kung paano natin makumbinse ng palihim si Xavier na gamutin si Nathaniel."

"Punyeta! Sa palagay ko ay may kinalaman rin dito si Diego kung kaya ay hindi rin basta basta makakalapit si Xavier sa dating kaibigan..."

"...paano kung ako na ang mag disesyon na patalsikin siya sa pwesto?" Giit pa ni Don Tiago. Lumayo siya sa kaniyang asawa at kinuha ang tobacco sa mesa at sinindihan ito. Alam na alam niya ang mga kilos ni Diego at hindi malabo na binayaran niya ang tagabantay doon na hindi pwede magpapasok ng manggagamot.

"At pinalagpas ko rin lamang kagabi ang mga naging kilos ng kaniyang anak dahil may pagdiriwang, sa loob ng mahabang panahon sa pagiging tahimik ay sinusubok nila kung paano ako magalit!"

"Hayaan mo na, si Estrella lang naman ang may kagagawan ng lahat."

"Isa pa 'yan, punyeta! Kinukumbinse ang ama para lang sa kagagahan niya! Hindi ko maintidihan kung bakit umibig doon si Nathaniel."  Sabi ni Don Tiago at humithit siya ng tobacco at binuga ang maraming usok. Napatingin siya ngayon sa gwardiya nila at balak na utusan na ipatawag  si Xavier, Don Quasimodo at si Don Alejandrino Cabrera.

"Ginoo, pakisabi sa mga Sarmiento na papuntahin dito sa tahanan at pagkatapos ay papuntahin mo rin si Alejandrino dito."

Napatango ang guwardiya. "Masusunod po, Don Tiago."

MULA sa malayo ay natatanaw ni Xavier si Araceli. Umalis siya kanina sa tahanan nila ni Estrella at balak na pumunta kay Sebastian ngunit ito ang kaniyang naabutan.

Nang makita siya ni Araceli ay agad siyang napatago sa pader ng simbahan. Hindi pa siya handa na humarap sa dalaga lalo na ngayon na may ibang minamahal na ito.

Samantalang si Araceli ay pilit na nakikinig sa mga plano ng kaniyang ama at ina at maging kay Arturo ay talagang binabagabag siya ng kaniyang diwa na ihakbang ang kaniyang paa at puntahan ang ilalim ng akasya.

"Ah-padre S-sebastian, saan banda ang inyong palikuran dito?" Tanong ni Araceli.

"Sa may likod malapit sa nag-iisang kubo doon."

"Salamat po." Sagot niya at napatingin pa siya kay Arturo.

"Pasama ka nalang kay Ariana, para may kasama ka." Saad ni Arturo.

Nabaling naman ang sarili ni Ariana sa ate niya. "Magpapasama ka ba, ate?"

"H-huwag na. Saglit lang ako." Tapos nagmamadali na siyang pumunta sa likuran ng simbahan. Hindi naman siya naiihi sadyang binabagabag lamang siya ng kaniyang sarili, kung totoo ba na nakita niya si Xavier.

Hinahanap ng kaniyang paningin ang binata. Kumakabog na ng mabilis ang kaniyang puso. Humakbang siya patungo sa isang pader na sa palagay niya ay may nagtatago doon.

Si Xavier naman ay dahan-dahang humakbang patungo sa kubo, ngunit huli na ang lahat...

"Xavier..."

Hindi siya makalingon, nanatili siyang nakatalikod. Alam na alam niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

XavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon