Kabanata 32: Bulag na Katotohanan

110 13 32
                                    

---•••---•••---•••---•••----•••

NANG makarating si Xavier sa bahay-pagamutan ay agad na binuksan niya ng bahagya ang isang bintana upang kahit papaano ay magkaroon ng liwanag sa loob. Ilang araw na rin na hindi nabuksan ang pagamutan dahil na rin sa sekretong tinatago nila ng kaniyang ate.

Natigilan na lamang si Xavier nang mapadako ang kaniyang paningin kay Araceli.

"Ara?" Gulat na sambit ni Xavier.

Ngunit napansin niyang hindi naman tumutugon si Araceli at nanatiling dilat ang mga mata nito.  Inilapit ni Xavier ang sarili kay Araceli at pinakiramdaman ito, inilapit niya rin ang kaniyang tenga sa dibdib nito at pinapakinggan kung may tibok ang puso.

Biglang napangiti si Xavier nang marinig ang bawat tibok sa puso ni Araceli. Ngunit napawi lamang nang napagtanto niyang hindi gumagalaw si Araceli o tumutugon man lang.

Kumuha ng matulis na kutsilyo si Xavier at sinugatan ang sariling palad, nang umagos na ang dugo ay agad na itinapat niya iyon sa labi ni Araceli. Pursigido na siyang mabuhay muli si Ara, tila ba nagkakaroon na ng pag-asa.

Isa lamang ang kaniyang iniisip sa ngayon, may kakaibang kakayahan ang kaniyang dugo. Hindi niya lamang ito naisip noon sa kaniyang ina dahil wala pa siyang gaanong alam, sinubukan niya lamang ang kaniyang dugo dahil wala na siyang ibang maisip na paraan.

"Xavier!"

Natigilan si Xavier nang makita ang kaniyang ate na hapong-hapo na.

"Bakit, ate?"

"Pinapatawag ka at si ama sa hukuman ng San Fernando!" Sabi ni Xienna na tila ba natatakot sa kakahantungan ng kapatid.

"Ika'y kumalma." Pakli ni Xavier at pinunasan ang palad na kanina ay nagdarugo, nilagyan niya iyon ng anong likido upang mawala agad ang sugat. "Haharapin ko sila."

"Sige, a-ako na ang bahala rito." Tugon ni Xienna. "Basta, ipapangako mo na maipagtatanggol mo ang iyong sarili. Magkaiba ang sistema ng karunungan natin sa kanila, k-kaya ka nilang baliktarin!" Dagdag pa niya at niyakap ang kapatid.

"Sige, ate." Mahinahong tugon ni Xavier at tuluyan na siyang lumabas sa pagamutan.

"NAKAKASIGURO ba kayo na ngayon dadating ang mag-amang Sarmiento?" Tanong ni Arturo sa kanila.

Kasalukuyang nasa loob ng hukuman si Alcalde Juan, Don Felipe, at ang isang hukom na siyang magtatanggol kay Arturo na si Hukom Hermogenes Pueblo.

"Napadalhan ko na ng sulat ang kanilang nasasakupan." Tugon ni Alcalde Juan.

Magiging sekreto sa madla ang paglilitis dahil na rin sa pribadong pagkakakilanlan ng barrio Querencia.

"Bakit hindi natin naaninag mula dito ang baryo?" Tanong pa ni Arturo. Kagabi pa siya nag-iisip sa mga pangyayari na hindi niya inakala. Una ay ang pagkakaroon ng diplomatikong  usapan sa pagitan ng taong-lobo at ng mga opisyal ng San Fernando. Ikalawa ay ang totoong katauhan ni Xavier, hindi nga siya namamalik-mata sa mga nakita noong minsan ay nadatnan niya ito sa loob ng tahanan nila, tumagos na ang balisong sa palad ni Xavier noon ngunit hindi niya nakikitaan ng anong emosyon, pati na rin ang kaibigan nitong nag-iba ang balintataw. At ang ikatlo ay nag-iisip siya na baka ay naroroon si Araceli kay Xavier.

"Malalago ang mga puno sa kagubatan, at isa pa, tahanan nila ang kagubatan. Kung sino man ang maglalakas loob na lusubin iyon ay tiyak na hindi na makakabalik ng buhay." Tugon ni Alcalde Juan.

Tumango-tango naman si Don Felipe. Wala sa gana na mag salita ang don dahil nangangamba na siya na hindi pa rin nakikita ang katawan ni Araceli. Hindi rin pumipermi sa mansion si Don Felipe dahil abala siya sa pagaasikaso kung nakita na ba si Araceli.

XavierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon