"Kilalanin mo ng maigi ang sarili mo para lubus kanang maging masaya."
KABANATA SIXTEENJANNELLE
Nagising ako kinaumagahan dahil ring ng ring ang cellphone ko. Nakapikit pa ang mga mata ko habang kinapa-kapa ko ang lamesa na nasa gilid."Hello?" Sagot ko ng hindi tinitingnan ang caller.
"Hello, si Jannelle ba to?" Tumango ako na para bang nasa harap ko lang ang kausap ko at para namang nakita ako ngayon ng kausap ko sa cellphone kasi nagsalita siya ulit. "Janelle, si Jed to." Jed? Napamulat at napa-up ako sa higaan nung narinig ko iyon.
"Jed? Yung kaibigan ni Harvey? Bakit, anong nangyari? May masama bang nangyari ah, Jed meron ba?" Putek, di ako mapakali.
"Di naman halata na concern na concern ka sa kaibigan ko Jannelle." Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina kaya umangat yung kilay ko. What does he mean? Na sa pang-ilang beses ko ng natulungan ang kaibigan niya ay ngayon paba ako hindi concern? Kung hindi ako concern sa taong yun malamang matagal na akong walang pake. "Anyways Jannelle, gusto lang ipaalam ni Keith na nadischarge na siya sa hospital at nandito na siya sa village ngayon." Huminga ako ng malalim.
"Mabuti naman at nakalabas na siya. Pakisabi pakiingatan na yung sarili niya."
"Noted, Jannelle." Aakmang ibababa ko na ang tawag nung nagsalita siya ulit. "Syanga pala, sabi rin niya na salamat ulit sa pagtulong sa kaniya." Napangiti ako nun. He ended the call kaya tiningnan ko phone ko and napangiti ulit.
Simpleng salita lang yung salamat pero para sa akin malaking bagay na iyon. Napakasaya kaya sa feeling na may naka-appreciate ng ginawa mo. Like, maliit na bagay lang para sayo pero sa mga natulungan mo malaki na para sa kanila.
Napatingin ako sa pinto nung may kumatok dun. Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko. Malapit na pala mag alas syete.
"Pasok!" Bumungad dun si Ate Hanchie na naka-eyeglasses pa, isinilip niya yung ulo niya sa pintuan.
"Bumangon kana, may lakad pa tayo." Kumunot ang noo ko.
"San tayo pupunta?" Bumuntong hininga si Ate Hanchie.
"Kila Tita, bilisan mo daw." Di pa ako nakasagot ay agad na niyang isinara ang pinto. Napailing-iling nalang ako at agad na bumangon.
Siguro namiss ni mama yung pamangkin niya na si Miguel. Ganun naman talaga pag may namiss si Mama na mga kamag-anak niya pupuntahahan talaga namin yun. Kang papa naman ay sila lolo't lola lang ang mabibisita namin, ang layo kasi ng mga kamag-anak niya.
Excited na akong pumunta kila Tita kaya naman agad akong pumunta sa banyo para maligo at syempre hindi naman ako maarteng babae na mahigit isang oras ang pagliligo, sapat na sakin ang 30 minutes para malinis ang katawan ko.
Seryuso, takot na takot ako sa bata para kasing nakakatakot sila na ewan. Nung una nga na nakita ko yung pamangkin ni Irish na si Kendall diring-diring ako, jusko kahit na sobrang cute pa nung batang nun. Lalo na sa pamangkin ni Mama jusko po, pero ngayon makakahawak na ako ng bata di tulad ng dati. Yun nga lang pili ang batang bubuhatin ko at makakalapit sakin.
Nung nakabihis na ako ay kinuha ko yung cellphone ko na nasa lamesa at dahil walang uso sakin na magdala ng sling bag —tamad akong magdala ng ganun— ay nilagay ko na lang iyon sa likod na bulsa ko.
Pagkababa ko ay kompleto na silang nakaupo sa sala. Parang hinihintay talaga nila ako. Ngumiti ako at nag peace sign sa kanila.
"Good morning!" Tumayo si Mama at bumati pabalik, ganun din si Papa. Samantalang si Ate Frances ay ngumisi lang sakin at si Ate Hanchie as always, nasa libro na naman ang mga mata. Di man lang tumingin sakin. Kung di lang talaga ako nasanay kay Ate Hanchie ay mapapagkamalan ko itong wala pake sa amin at tanging pagbabasa lang ang interes niya sa buhay.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Teen FictionVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...