Don't forget to tweet using #MiMiAyesSP 😚☺️
-MiMiAyes"Privacy is a most."
KABANATA NINE
"Ano ba ang yang laman ng bag mo?" Tanong ni Harvey nung nakita niyang di maipinta ang mukha ko nung sinilip ko kung anong pinasok ko sa backpack.
"H-huh? Uhm..." Tiningnan ko siya pagkatapos ay tumingin ulit sa loob ng bag ko and then I smile bago ako tumingin ulit sa kaniya. Bahala na to, di naman nakakahiya kung anong napasok ko sa backpack na to. "... tingnan mo." Pinakita ko sa kaniya ang laman ng bag pero imbis na titigan lang yun ay kinuha niya ang bag mula sakin at inilabas ang mga laman nun.
"Jacket, T-shirt, short, and..." Kumunot ang noo niya habang sinusuri ang panghuling bagay sa laman ng backpack. "... ano to? Small notebook? Bakit may ganito?" Ngumiti ako lalo at inagaw sa kaniya yun. Notebook iyon na spring pero di yun basta-basta notebook lang dahil may lock iyon at may nakasabit na maliit na ballpen sa spring ng notebook.
"This?" Winagayway ko yun. "This is what you call diary notebook. Since mukhang kailangan mo naman ng ganito para kung di mo na kaya ang nararamdaman mo ay there it is, the diary kung saan maisusulat mo ang lahat ng sakit, hinanaing, or what kaya take it. Sayu na yan." Binalik ko iyon sa kaniya na nakakunot pa rin ang noo. Natawa ako sa hitsura niya. Hayst, lalaki pala siya at ang mga lalaki ay di hilig ang diary. Ano bang pumasok sa isip ko kanina at naipasok ko yan sa backpack.
"Diary huh." Sinusuri niya eto tsaka tumango-tango at ngumuso pa. Napangiti ako lalo sa inaasta at sa itsura niya para kasi siyang bata na pinagalitan ng magulang.
"Subukan mong sulatan." Nakangiti kung sabi sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya at napatingin sa diary notebook tsaka tinuro iyon.
"Eto? Susulatan ko?" Nakangiti akong tumango.
"Yep!"
"Now na, as in ngayon na?" Natawa pa ako lalo sa inasta niya. Ang cute niya talaga, ang sarap kurutin ng mga pisngi niya kaso baka mahapdi pa ang mga pasa niya at masakitan pa siya at isa pa baka iisipin niya na feeling close akong tao kahit na sa totoo ay hindi.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at kinuha ang diary notebook. Tinanggal ko ang lock at kinuha ang ballpen tsaka binuklat ang diary notebook at binigay ulit kay Harvey.
"Yan, sa first page ilagay mo ang name mo as an owner niyan."
"Sigurado ka?" Tumango ako. "Pero baka may ibang makakabasa neto at malaman na sa-"
"Harvey, diary mo na yan simula ngayon so dapat lang na ilagay mo ang pangalan mo. At kung di mo gusto na may ibang makakabasa niyan, well itago mo sa lugar kung saan ikaw lang ang makakaalam." Naglakad ako papunta sa lamesa. Langya, nagugutom ako kaya naman kinuha ko ang isang apple at humarap ulit sa kaniya.
"Makakatulong yan sayu Harvey, pag may time na kailangan mo ng masasabihan ng problema mo and there's no person na nandiyan sayu, yung kailangan mo ng karamay, ka-kwentunan, katawanan, ka-dramahan at iba pa ay pwede mong maisulat diyan. Yun nga lang pag kailangan mo ng advice ay di talaga nagbibigay yan..." Sabay kaming natawa ni Harvey. "... kasi nga-"
"Notebook lang yan / Notebook lang to." Sabay naming sabi ni Harvey kaya naman natawa ulit kami. And then, I realize something... tumatawa siya. Mas lalo akong natuwa kasi sa wakas ay tumawa na siya. Thank you, Lord!
"Salamat, Jan." Sabi niya habang may ngiti na sa labi.
"Your welcome." Binato ko sa kaniya yung saging na hawak-hawak ko at agad naman niya iyong nasalo.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Ficção AdolescenteVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...