"Ang mahinang loob at walang tiwala sa sarili ay hahantung talaga sa pagtatapos ng kaniyang sariling buhay."
KABANATA FOUR
Kwentuhan, tawanan ang ginawa namin boung magdamag. Hanggang sa naubos na namin ang isang case at dahil sabi nila na dalawang kahon daw dapat ilibre ko at ayun nga pinabili ko ulit si Rhonel na malakas na ang tama kasi gumegewang-gewang na at wala na namang saplot pang-itaas. Pang ganiyan na yan, hudyat na lasing na talaga siya.
"Awkin na ang pwera." Rhonel.
"Ako nalang bibili."
"Shamahan na kita." Tumayo pa si Jed at tulad ni Rhonel ay gumegewang-gewang rin siyang naglakad. Umiling ako.
"Wag na." Tumayo si Dwight.
"Samahan na kita." Tumango nalang ako at iniwan na namin ang apat dun na tinamaan na ng beer. Sabay kaming naglakad ni Dwight at tulad ng inaasahan ko, ang tahimik niya.
"Di ba napapanis yang laway mo?" Natatawa kung tanong kay Dwight.
Oo nga at lasing na rin ako pero di tulad sa apat na ulol na iniwan namin sa tambayan na gumegewang-gewang at mawawala sa isip. Normal lang ako malasing, parang wala pero ngayon at pang-dalawang kahon na namin baka tatamaan na rin ako ng husto at matulad sa mga ulol kung barkada.
"Di mapapanis ang laway, ulol." Nagkibit-balikat ako.
"Di pala mapapanis, kala ko mapapanis e." Nag-tsk lang si Dwight at tahimik na naman ulit kami hanggang sa makarating kami sa tindahan ni Manang Eli na siyang naging suki na namin.
"Ohh nandito na naman ang mga gwapo kung customer. Beer na naman ba?" Pareho kaming natawa sa bungad ni Manang Eli samin.
"Beer nga Manang, isang case." Dwight.
"Aba, kakabili palang kanina nila ni Rhonel at Adrian ah tas ngayon isa pa ulit. Ibang klase kayung mga magba-barkada."
"Mga lasingero kasi, di mabubuhay pag di maka-laklak ng alak." Biglang may sumabat samin kaya naman sabay kaming napatingin sa gate nila ni Manang Eli kung saan naroon ang isang babae na kasalukuyang nagbukas ng gate.
"Pagpasensyahan niyo na yang anak ko, sobrang di lang talaga niya gusto ang mga lasingero." Paghingi ng paumanhin ni Manang Eli samin.
"Tsk, pasensya-pasensya pa, Inay talaga." At tuluyan ng pumasok ang babae sa loob ng bahay nila.
"Anak niyu yun, Manang Eli?" Sabay naming tanong ni Dwight. Narinig namin ang pagtawa ni Manang Eli.
"Oo, anak ko yun. Oh siya, kumuha nalang kayu ng isa sa loob."
"Ako na kukuha." Tinanguan ko nalang si Dwight at pagkatapos ay pumasok na siya sa gate para kumuha ng isang kahong beer.
"Ngayon ko lang yun nakita yung anak niyu Manang ah."
"Naku, di kasi yun masyadong lumalabas ng bahay. Lalabas lang yun pag inuutusan ko o di kaya ay may importanteng lakad." Napatango-tango naman ako at magsasalita na sana nung may narinig kaming tili.
"Putangina kang lalaki ka, anong ginagawa mo diyan ah? Labas, labas putangina ka ang bastos mo." Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Manang Eli at pagkatapos ay dali-dali akong pumasok sa gate at dun nadatnan ko ang anak ni Manang Eli na may hawak na tabo at nakatapis ng tuwalya. Napatingin naman ako kay Dwight na ngayon ay hawak na ang ulo niya at panay ang sama ng tingin sa anak ni Manang Eli.
"Esa, anong nangyari?" Tarantang tanong ni Manang Eli nung nakalabas siya sa tindahan.
"Inay kasi-" Pinutol ni Dwight ang sasabihin ng anak ni Manang Eli na nangangalang Esa.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Novela JuvenilVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...