KABANATA 8- ANG STORYA

36 8 1
                                    

"Pag sa palagay mo magkaibigan na talaga kayu, gagawin mo talaga lahat para lumaban siya, para maging masaya."


KABANATA EIGHT

Nasa hapagkainan na kami at kasalukuyang kumakain. Nasa dulo si Papa, sa kaliwa niya ay kaming dalawa ni Ate Frances sa kabila naman ay sina Mama at Ate Hanchie.

"Kamusta na pala si Harvey, Jan? Balita ko namumula daw si Harvey dahil may nakain na allergic siya." Tanong ni Mama sa gitna ng pagkain namin.

"Okey na naman siya Ma bago kami umalis ni Ate dun. Di ko po kasi alam na allergic suya sa pruras na bilog kaya ayun, nung kinain niya yung apple ay di ko na siya napigilan. Nagulat na nga lang ako ning bigla siyang nagkamot at namumula ang balat." Tumango naman si Mama kaya naman sumubo ulit ako.

Alam nila ni Mama ang nangyari sa hospital siguro ay sinabihan sila ni Ate Frances.

"Jan?" Hinarap ko si Papa habang ngumunguya at hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. "Diba ikaw ang nakakita kay Harvey na walang malay dun sa tabi ng ilog?" Nilunok kung maigi ang kinain ko at ngumiti na naman para maitago ang kaba tsaka tumango.

"Opo, Pa." Sagot ko habang sinulyapan pa ng tingin si Ate Frances. Kailangan ko siya, alam ko kasi kung saan patungo tung usapan na to.

"Bakit nandun ka pa sa oras na nangyari yun?" Seryusong tanong ni Papa sakin. Gusto kung iiba ang usapan pero alam ko magagalit lang si Papa nun. Ayaw pa naman niya na di sinasagot ang kaniyang tanong.

"Pa, kasi-" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil may nahulog na kutsara at umalingawngaw ang pagkabagsak nun dahil tiles ang sahig namin.

"Frances!" Sabay na sabi nina Papa at Mama na may matigas na tinig. Galit sila, ayaw kasi nila na may mahulog na kutsara pag kumakain. Walang respeto daw iyon at makakawala ng blessings. Pinulot ni Ate Frances ang kutsara at tumayo.

"Sorry po Ma, sorry po Pa, di ko po sinasadya. Sorry po!" Nakayukong sambit ni Ate Frances.

"Sa susunod ayusin mo pagdala ang kutsara. Palitan mo na yan para matapos na yang kinain mo." Papa. Tumango si Ate Frances tsaka nagtungo sa bahagi kung saan nilagay ang mga kutsara at tinidor pagkatapos ay bumalik ulit sa kaniyang upuan.

"Kain na kayu, magpakabusog kayu ah." Sabi ni Mama samin.

"Opo." Sabay naming tatlong sambit.

"Pa, lalabas pala kami ni Hanchie mamaya." Tiningnan siya ni Papa. Nakalimutan ko na lalabas pala sila ngayon.

"Saan kayu pupunta?" Tanong ni Mama na nakataas ang kilay.

"Basta po, sige na please Ma, Pa papa-enjoyin ko lang si Hanchie." Napatingin kami kay Ate Hanchie na ngayon ay tahimik lang sna kumakain at parang walang pakialam sa pinag-uusapan nila ni Ate Frances at ng mga magulang namin. Nung naramadaman niyang tumingin kami sa kaniya ay nag-angat siyang ng tingin.

"What?" Walang emosyong tanong ni Ate Hanchie.

"Lalabas daw kayu ni Frances ngayon, saan kayu pupunta?" Nagkibit balikat si Ate Hanchie at tumingin ulit sa pagkain niya.

"Siya ang nag-aya kaya ewan ko." Sabay na bumuntong hininga sina Mama, Papa at Ate Frances habang ako ay binalik ang tingin sa kinain ko.

"Bawal na muna kayung lumabas ngayon para na rin fair dahil di ko rin palalabasin ngayon si Jan." Napasimangot nalang ako. Talagang bou na ang desisyon ni Papa na wala munang lalabas ngayon kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod nalang sa sinasabi ni Papa.

Tahimik ulit kami sa pagkain ni di na nga nagsalita pa si Papa at di na rin ini-open pa ulit yung topic kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag nun. Di na nagtanong si Papa at sana naman di na ulit siya magtanong dahil di ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung magsasabi ba ako ng totoo o magsinungaling nalang ako.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon