"Ang tunay na pagmamahal ay nagdudulot ng kasiyahan."
KABANATA EIGHTEEN"Nice performance, Mr. Orlan." Napangiti ako sa sinabi ni Sir Bucao—na siyang manager namin.
"Salamat po, sir!"
"Di talaga ako nagkakamali na ipasok ka rito." Lumawak lalo ang ngiti ko. Tatlong araw na akong nagta-trabaho dito sa coffee shop bilang crew, okey naman dito. Madaldal din mga kasama ko dito—na kadalasan babae at syempre ang hilig rin nilang magpatawa, nakakawala ng pagod.
"Uh, hi sir, excuse me lang po hihiramin ko po si Keith." Anang bakla naming kasama.
"Okey, go on!" Nag-excuse ako kay sir at agad na sumunod kay Lea—kung babae at Liam siya kung lalaki.
"Keith, ikaw na muna dito. Naiihi na talaga ako." Natawa ako bago tumango.
"Kaloka ka, kung di ka lang cute inapakan na kita diyan." Saad niya bago umalis. Mas lalo akong natawa nun. Masaya pala talaga kasama ang mga bakla.
"Hi miss, welcome to B's Coffee Shop. Ano po ang order natin?" Tinitigan ko yung customer. Black beauty, pero ang taray ng aura. Mataray kaya to?
"Anong available niyu na coffee ngayon?" Mataray nga!
"Espresso, Cappuccino, Latte, Americano, Restritto, Frappe, Affogato, Cortado, Dopio, Long Black and Iced Coffee, miss." Tumango-tango siya pagkatapos ay may itina-type sa kaniyang cellphone. Maya-maya lang ay may tinawagan siya. Nagsignal siya sa akin na wait lang, kaya tumango nalang ako.
"Hello bruha, ano nga yung coffee mo?"
"Bruha ka, kala ko kung sinong tumawag. Espreso yung sakin, gaga!"
"Shattap kana, pakitanong kay gags kung nagbago ba isip niya. May Frappe, cappuccino, at Iced Coffee sila basta gusto niya."
"Jan, ano daw sayu?... Tubig nga lang sakin, tigas ng ulo... Si Irish kasi, baka daw kasi nagbago isip mo at gusto mo na magkape... Papatayin niyu ba ako?... Eto naman, high blood... Oh bruha, narinig mo naman diba? Ang kulit mo kasi."
"Oo na, oo na. Bye!"Si Jannelle ba yun? Bakit parang siya yun o kaboses lang niya? Pero sabi nung isang babae Jan daw eh, so possibleng siya nga.
"Isang espreso, Americano at tubig nalang yung isa."
"Sige po miss." Tinype ko na yung order niya. "Ayaw nang isa niyung kasama yung kape, miss?" Kinabahan ako nung bigla siyang nagtaas ng kilay.
Putangina ka Keith, pigilan mo nga sarili mo.
"Yeah, allergy siya sa mga kape." Mataray niyang pagkakasabi.
"Ah sige po, 2 minutes po maam at maihahatid na namin yung coffee niyo." Binigyan ko siya ng number pagkatapos niya magbayad.
Susundan ko pa sana siya ng tingin kung saan sila nakaupo kaso may ibang customers na nakapila.
Ako nalang maghahatid ng order nila.
Maya-maya lang bumalik na si Lea. Lumapit ako kay Jeric— na isa sa mga kasama ko.
"Jeric, anong number yang sayo?"
"5, bakit?"
"Pwedeng ako na diyan?" Wala namang madaming salita si Jeric at tumango siya at binigay sakin yung order nila. Ngumisi ako tsaka hinatid na yung order. Malayo palang ako sa table nila ay parang naging giraffe na yung leeg ko kung may Jannelle ba at parang nadismaya ako nung wala akong nakitang Jannelle at dalawa nalang sila sa table nila.
"Eto na po order niyo, miss!"
"Eto na pala, thank you!" Kakapalan ko na sana ang mukha ko at magtatanong kung saan yung isa nilang kasama kaso may biglang umupo sa bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Novela JuvenilVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...