KABANATA 12- ANG KWENTO

10 1 1
                                    

"Mas mabuting mag-kwento sa di natin kilala."



KABANATA TWELVE

THIRD PERSON

Napadpad ang binata sa park na parte lang rin ng village. Umupo siya sa isang bench dun tsaka dun na umiiyak ng husto. Mabuti nalang at walang katao-katao dun sa park kaya malaya siyang makaiyak.

'Ampon lang ako, kaya pala iba ang pag-trato nila sakin kasi ampon lang ako. Tanginang buhay to.'

Saad niya sa kaniyang isip. Tumingala siya sa kalangitan at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan na ang paghikbi.

Wala siyang araw na nakita ang tanging nakita lang niya ay ang madilim na ulap. Kaya pala walang katao-tao dito sa park dahil parang alam nila na uulan. Bigla niyang naalala yung bigay ni Jannell na diary notebook kaya naman kinuha niya iyun sa bag at ipinatong niya ang mga paa sa bench pagkatapos ay ipinatong naman niya ang diary notebook sa kaniyang mga hita at dun nagsimula na siyang magsulat.

Sinulat niya ang lahat ng nararamdaman niya dun, mga hinanakit, kung paano siya tratuhin at iba pang mga emosyon na nadaanan na niya noon ay isinulat niya. Hanggang sa di niya namalayan ay umulan na, di yun malakas kaya naman dali-dali niyang tinapos ang kaniyang isusulat at nung tapos na ay ibinalik niya iyon sa bag tsaka yinakap yun para di mabasa ang diary notebook.

'Bahala ng mabasa ako basta wag lang tung notebook na to.'

Saad niya sa kaniyang isip. Lumakas ang ulan at nakaganun pa rin ang posisyon niya. Bumuntong hininga siya tsaka tumingala sa kalangitan dahilan para mabasa pa lalo ang mukha niya.

Habang nakatingala sa kalangitan bigla nalang niyang naaninag ang kulay itim at naramdaman din niya na na parang di na siya naulanan. Sinundan niya ng tingin kung sino ang may ari ng itim na payung at nung nakita niya ang mukha neto di niya alam kung maging masaya ba siya, mahihiya o magagalit sa kaniyang sarili. Mahihiya dahil nakita siya neto na nagdurusa na naman, hinang-hina at parang wala na naman sarili, magagalit kasi nangako siya sa sarili niya na magpakatatag na siya pero eto at naging mahina na ulit siya. At masaya dahil nakita niya ulit siya, ang babaeng nagbibigay sa kaniya ng ikalawang pagkakataon na mabuhay dito sa mundo.

"Baka magkasakit kana naman kaya pinayongan na kita." Nakangiti niyang sabi.

"J-Jannell?" Mas lumawak pa ang ngiti ni Jannell at di rin napigilan ni Keith ang sarili na mapangiti tsaka tumayo siya at sa sobrang kasiyahan ay napayakap siya sa dalaga. Wala sa isip niya na basang-basa siya sa ulan basta yinakap niya ang dalaga habang may ngiti sa mga labi.

*****

KEITH

"Bakit ka pala na nandito?" Tanong ko sa kaniya habang pareho kaming nakatingin sa ulan na pumapatak parin hanggang ngayon. Nandito parin kami sa park at may kubo dito kaya nung natauhan ako kanina sa pagyakap sa kaniya ay pumunta agad ako dito. Nare-realise ko kasi na ang FC ko na at nakakahiya rin.

"Taga dito ang kaibigan ko, ikaw bakit ka nagpa-ulan? Diba dapat nagpapahinga kana ngayon kasi kakalabas mo lang ng hospital." Ng dahil sa sinabi niya mas dumoble ang hiya na nararamdaman ko. Ang bait ng tao sakin pero di ako nagpaalam ng personal sa kaniya. Nagu-guilty ako at the same time nahihiya.

"Jannell, pasensya pala dahil di na ako nakapag-paalam sayu ng personal." Umabot ng ilang segundo ang paghihintay ko ng sagot niya.

"A-ah, yun ba? Naku Harvey, okey lang yun." Yumuko ako at bumuntong hininga.

"Alam mo yung feeling na iba ka sa kanila, yung akala mo na kapareho mo talaga sila na kadugo mo talaga sila pero... hindi pala." Bumuntong hininga ako at tumingala tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "Jannell, di ko alam kung ano ang ginawa kung mali sa kanila, kung ano ang malaking kasalanan ko sa kanila, di ko alam... di ko talaga alam." Bigla kung naramdaman ang presyensa ni Jannell na malapit sakin at maya-maya lang ay yumakap siya sakin. Nagulat ako sa pagyakap niya kaya naman di agad ako naka-react.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon