KABANATA 20

9 0 0
                                    

 
  
  
KABANATA TWENTY

 
ROVIC VITOR
 
"Saan naba yung batang yun?" Paulit-ulit na tanong ni Dan sa kaniyang sarili. Kanina pa namin hindi macontact si Jannelle at nag alala na rin kami dahil malapit ng mag 10 pm hindi pa rin nakauwi.

"Oh Frances, anong sabi ni Irish?" Agad na tanong ko nung papalit samin si Frances.

"Di daw nila kasama si Jan." Napabuntong hininga ako at nilapitan si Dan para pakalmahin. Juskong bata to, asan kana ba Jan? Nag-alala na kami sayu.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad akong napatingin dun at maski unknown ay sinagot ko. Ewan, parang may nag push sa kamay ko na sagutin yung tawag.

"Uhm, hi magandang gabi ho magulang po ba ito ni Jannelle?" Lalaki ang boses? At parang familiar.

"Oo, sino to. Saan ang anak ko?" Lumapit si Frances at Dan sakin.

"Si Harvey po ito nandito po ang anak niyo kasama ko. Nagka red blood po siya at di niya nakayanan pa na maglakad pauwi kaya pinadito ko na po muna." Biglang hinablot ni Dan ang phone ko.

"Hello? Anong ginagawa ng anak ko diyan ah? Bakit kayu nagkasama? Saan kayu ngayon dahil pupuntahan ka namin ngayon din. Alam mo kung may problema ka sa sarili mo wag mong idamay ang anak ko." Kinuha ko ulit ang cellphone at inilayo sa kaniya.

"Hello, Harvey? Kamusta ang anak ko diyan?"

"Kanina lang po masakit ang puson niya dahilan na parang nahihilo po siya. Kung gusto niyo pong puntahan si Jannelle dito ito po address ng apartment ko." Binanggit ni Harvey ang address at napatingin ako kay Dan.

"Sige Harvey, tatawagan kita ulit." Nagpaalam siya at aakmang ibaba ang tawag ng may binilin ako sa kaniya. "Harvey, bantayan mo ang anak ko. Wag na wag mong gagawan ng masama ah, matanda kana at alam ko na alam mo ang nais kung iparating sayu. Naintindihan mo ba ako?"

"Malaki ho ang respeto ko sa anak niyu, at opo alam ko po ang nais niyong iparating. Huwag po kayung mag alala, ito na ang huling gabi na makikita ko siya hindi ko na po idadamay si Jannelle." Hindi ako nakasagot agad dahil ramdam ko sa boses niya ang lungkot. "Ah, sige na po sir, puntahan niyo lang dito si Jannelle sa apartment ko. Ibaba ko na po ang tawag." Napabuntong hininga ako at napatingin kay Dan at tinaasan lang ako ng kilay. Binalingan ko ang dalawang dalaga ko.

"Matulog na kayu, kami na ang pupunta ni Jannelle dun." Nag goodnight ang dalawa samin at pumunta na sa kanilang mga kwarto.

"Tara na!" Baling ko agad sa asawa ko. Kinuha ko ang susi ng kotse tsaka jacket para kay Jannelle at lumabas na ng bahay. Tahimik naman na nakasunod sakin si Dan.

Habang nasa byahe ako ang nagbasag ng katahimikan.

"Hindi ka lang ba na gu-guilty sa pinagsasabi mo kay Harvey kanina?" Bumuntong hininga siya at di nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Hindi naman siguro ganun si Harvey, na dinadamay ang anak natin sa problema niya at isa pa nakita mo naman siguro si Jan na masaya siya pag magkasama silang dalawa."

"Bata pa si Jannelle."

"At?"

"Bata pa siya, di ko pa gusto na pumasok siya sa isang relasyon."

"Oo alam ko bata pa siya, pero pwede naman siguro na magkaibigan lang sila. Suportahan nalang natin si Jan kung saan siya masaya."

"Yun nga, okey lang kung hanggang magkaibigan lang talaga eh paano kung lumabo ah? Basta ako Rovic, pinagbabawalan ko muna si Jannelle na pumasok sa mga ganiyang bagay." Bumuntong hininga nalang ako at di na nagsalita pa. Galit na, tinawag na nga ako sa pangalan ko.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon