KABANATA 10- ANG PAMAMAALAM

19 6 4
                                    

Sorry for the super duper late update guys, nakalimutan ko talaga mag-UD sobrang dami ko na kasing iniisip related sa klase then nagre-ready pa ako para sa exam namin😥😥😥 Sorry talaga.
-MiMiAyes

"Akala ko maghihintay siya, pero hindi, umalis siya ng hindi nagpapaalam sakin ng personal."


KABANATA TEN

KEITH

Maya-maya na nung nakaalis si Jannell pero di parin ako makatulog. May plano kasi akong lumabas na ngayon dahil nakaka-isturbo na ako sa babaeng yun. Mukha naman siyang mabait pero ayaw ko talaga na nakaka-isturbo ako o pinagkaka-abalahan ako ng tao. Lalo na kay Jannell, na di ko kilala maliban sa pangalan.

Bumuntong hininga ako at humiga sa kama tsaka tinakpan ang nga mata gamit ang kaliwang braso ko. Pumasok na naman sa isip ko yung pag-yakap niya sakin kanina at yung ngiti na pinakita niya sakin.

'Magpahinga kana, Keith.'

Paki-usap ko sa sarili ko at bumuntong hininga ulit. May kumatok sa silid ko kaya naman kumunot ang noo ko. Si Jannell na naman ba?

Bumukas ang pinto at bumungad sakin si Trixie. Akala ko si Jannell. Lumapit siya sakin na may dalang tray.

"Mabuti naman ay gising kana. Oras na para gamutin na naman yang mga sugat mo." Umupo ulit ako sa kama at nagsimula na naman niyang linisin ang mga pasa ko at ang peklat.

"Masakit pa ba?" Tanong niya habang busy siya sa paggamot.

"Hindi na masyado."

"Good. Bakit ang tamlay mo ata, may masakit na naman ba sayu?"

"Wala naman, wala palang akong tulog." Napatigil saglit si Trixie sa paggamot at nagsalita.

"Wala ka pang tulog? Aba, kailangan mo ng matulog ngayon, bata."

"Anong oras na pala." Niligpit na niya ang mga gamit at nginuso ang dingding kung saan naroon ang orasan. Pasado alas tres na pala ng madaling araw.

"Ipakita mo nga sakin yung sugat mo." Agad kung tinupi ang laylayan ng hospital gown at pinakita sa kaniya yung nilaslas ko. Tumango-tango siya at hinawakan ang braso ko na ngayon ay natahi na. Sinuri niyang maigi yun pagkatapos ay binitawan ang braso ko tsaka bumuntong hininga.

"Di na ba yan masakit?" Umiling ako. "Good. Lalabas na ako ah. Kailangan mo pang matulog para magkalabas kana bukas." Di na niya ako hinintay na sumagot kasi lumabas na siya. Nagkibit-balikat nalang ako sa inasta ni Trixie. Parang kagabi lang ang daldal niya tas ngayon parang ibang Trixie ang humarap sakin. Napatingin ako sa bag na iniwan ni Jannell na nasa kanan ko lang. Kinuha ko iyon at nilabas ang mga laman.

'Sorry Jannell, pero di ko gusto na pag-abalahan mo ako. At salamat na rin, dahil sayu may second chance ako sa mundong to. Pangako, di ko na to sasayangin... maging isa ka sa mga rason ko kung bakit pa ako mabubuhay sa mundong to.'

*****

JANNELL

Dating gawi, nung sumapit ang alas tres ng madaling araw ay umuwi na ako at lampas alas singko na nakatulog at gumising naman mga pasado alas 6. Ganiyan ang routine ko isang buwan na ang nakalipas kaya nga sanay na sanay ako at parang naging habbit ko na iyon. Wala akong naramdamang puyat ng katawan, yun nga lang ay may malaking eyebags na ako at may itim pa sa ilalim ng mga mata ko.

At ngayon ay nasa hapagkainan na kami, sobrang tahimik.

"Jan?" Nagulantang ako sa gulat nung tinawag ako ni Papa kasi naman sobrang tahimik na tanging mga kubyertos lang ang nag-iingay tas tinawag ako bigla ni Papa.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon