KABANATA 6- ANG PAGKAKAIBIGAN

37 8 4
                                    

"Magsisimula talaga ang lahat mula sa pagka-estranghero hanggang sa magka-kaibigan na."


KABANATA SIX

Naging okey na rin si Harvey kasi nakikisama rin naman siya samin pero di ko masabi na totoong masaya nga siya sa harap ng pamilya ko. Nandun pa rin kasi yung emotion na nakita ko kanina, ang galit at lungkot at ngayon ay nadagdagan iyo- inngit.

Naiingit ba siya? Hayst, di ko siya masisisi. Mukhang di maganda ang pakikitungo ng pamilya niya sa kaniya.

Nung sumapit ang 12 NN ay nag-aya si Papa na umuwi.

"Dito muna ako." Nagulat sina Mama at Papa sa sinabi ko pati na rin si Harvey.

"Jan, tanghali na kailangan na nating umuwi." Tiningnan ko si Harvey at tinanguan lang niya, tiningnan ko rin si Papa at umiling.

"Susunod po ako." Nakita ko na kumunot ang noo ni Papa.

"Jan, uuwi na tayu nga-" Pinutol ni Mama ang sasabihin pa ni Papa sa pamamagitan ng paghawak neto sa mga braso.

"Hayaan na muna natin siya." Binalingan ako ni Mama at nagsalita. "Umuwi ka bago mag alas dos ah, hihintayin kita sa bahay." Tumango ako tsaka ngumiti at nilapitan sila.

"Opo, Ma." Ngumiti rin si Mama at napabuntong hininga nalang si Papa. Wala na siyang choice kundi ang pumayag sa gusto ko dahil na rin kay Mama.

"Basta bago mag alas dos kailangan nasa bahay kana. Tatawagan ko si Han para malaman kung umuwi kana ba o hindi pa."

"Opo, Pa."

"Oh siya, una na kami. May pamasahe ka rin naman pa-uwi at may pagkain rin diyan. Sabay nalang kayu ni Harvey sa pagkain, Jan. Una na kami. Harvey." Tumango si Harvey.

"Sige po Tita, Tito, ingat po kayu."

"Salamat." At tulad kanina hinalikan ni Mama sa noo si Harvey at yumakap sakin. Yinakap rin ako ni Papa at may binilin kay Harvey.

"Magpagaling ka na." At lumabas na sila ng silid.

*****

"Nasa iyo ba ang cellphone ko?" Umiling ako habang ngumunguya. Nilunok ko muna iyon at nagsalita.

"Wala." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Bakit mo pala hinanap?" Tanong ko dala ng kuryusidad. Para kasing di siya mapakali na ewan, at kanina ko pa rin alam na may gusto siyang itanong sakin. Naghintay lang rin naman ako kung ano ang itatanong niya para di siya mapakali.

Umiling siya at bumuntong hininga ulit. Tinanguan ko nalang siya at humarap ulit sa pagkain na binili ko kanina sa Cafeteria.

"Bakit di ka sumama sa mga magulang mo at nag-stay ka pa talaga dito?" Tanong niya sakin pagkalipas ng sampung minutong katahimikan namin. Tumigil muna ako sa pagkain at sinagot siya.

"Di ako mapakali sa bahay dahil sayu. Ikaw kasi ba't napili mo pa na dun sa tabing ilog gawin yang binalak mo at nagkataon pa na nandun ako." Sermon ko sa kaniya at kita kung nagulat siya sa pinagsasabi ko.

"N-nandun ka?" Tumango ako.

"Oo, nandun ako."

"Anong ginagawa mo dun?" Kinoutan ko siya ng noo. "Ang ibig kung sabihin, sa pagkakaalam ko kasi pasado ala una ng madaling araw nung pumunta ako dun kaya naman nagulat ako nung narinig ko sayu na nandun ka. Anong ginagawa mo dun? Madaling araw na yun ah." Lumunok ako bago ngumiti ng pilit. Di ko siya kayang sagutin dahil walang ng ibang pwedeng makakaalam sa kalagayan ko— maliban nalang kay Ate Frances at sa sarili ko— kaya naman inalukan ko siya ng pagkain dahil di pa rin siya kumain ng tanghalian.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon