"Minsan talaga kailangan mong sabihan ng masasakit na salita sa isang kaibigan para matauhan ka."
KABANATA FOURTEEN
Nung 4:50 PM na ay umuwi na ako dahil time na para si Ate Frances naman ang magbantay. Nung nakababa na ako sa taxi ay nasikatan ko ang araw. Napangiti ako at imbis na magtungo sa bahay ay pumunta ako sa tabing ilog.Sunset
Umupo ako sa pwesto ko at tinitigan ang papalubog na araw. Nilabas ko ang phone mula sa bulsa ng jeans at agad na pinindut ang camera nung na-open ko na yun. Pinicturan ko ang sunset, di ako nakapagpigil ang ganda talaga.
Tumayo ako at naglakad-lakad sa tabing ilog hanggang sa may naaninag akong tao. Malayo-layo siya sakin kaya di ko makita ang mukha niya kaya naman naglakid pa ko palapit sa kaniya. Nakatingin siya sa kawalang habang inipit ang dalawang binti gamit ang kaniyang dalawang braso.
"Harvey?" Nung lumingon siya ay napagtanto ko na tama nga ako. Si Harvey. Agad siyang tumayo at tinitigan ako at maya-maya lang ay lumapit siya sakin at yumakap. Nagulat ako sa biglaang pagyakap niya pero mas nagulat ako nung narinig ko ang paghikbi niya. Umiiyak siya kaya naman hinagod ko ang likod niya para kumalma.
Ilang minuto siyang nakayakap sakin at umiiyak hanggang sa bumitiw na siya at humingi ng pasensya sakin. Umupo siya sa ulit sa lupa kaya naman ay tinabihan ko siya sa pag-upo.
"Jannell, diba nagpapanggap tayu na magbest-friend?" Tanong niya. Tiningnan ko siya, kung kanina nung nakita ko siya ay di gaano ka messy yung buhok niya ngayon ay sobrang messy na talaga at amoy alak siya. So, I think na umiinom siya.
"Oo naman, bakit?" Bumuntong hininga siya.
"P-pwede ba akong mag-kwento?"
"Oo naman, pwedeng-pwede kang mag-kwento. Pwede mo kung gawing pangalawang diary mo." Tapos ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti naman siya pero maikli lang yun at peke pagkatapos ay bumuntong hininga ulit at nagsimulang mag-kwento.
*****KEITH
Tawa ng tawa ang mga ugok kung barkada nung nakabalik na kami sa bahay nila Adrian habang ako ay naasar na sa kanila. Halos sabay silang umupo sa sofa at tulad ng nakasanayan at nagdikit-dikit sila sa iisang sofa."Jannell! Jannell!" Agad kung sinamaan si Rhonel na ikinatawa lang niya pati ng ibang barkada. Tangina, sana pala di ko nalang binanggit ang pangalan ni Jannell kanina nakalimutan ko na may mga ulol pala akong barkada at grabe mang-asar.
"Jannell!!!" Mas lalo akong naasar nung sinabayan siya ni Comer. Putangina lang, kanina pa sila Jannell ng Jannell sakin potek!
"Tumigil na nga kayu." Napangisi ako nung nagsalita si Jed. Sa wakas, savior. "Huy Keith, kailan mo yun popormahan?" Napa-ismid ako dun. Shit, kala ko savior. Pinakita ko nalang sa kanila ang gitnang daliri ko bago naglakad papuntang kusina.
Narinig ko pa ang pagtawa nila at ang boses ni Comer na nagsasabing, "Keith, pikon." Umiling-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagpunta sa kusina. Putanginang mga barkada.
Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig at pagkatapos ay ininom ko yun. Umupo ako sa upuan pagkatapos ay ginulo ang buhok ko tsaka sumandal sa sandalan ng upuan.
Pumasok na naman sa isip ko si Jannell. Yung ngiti niya, yung boses niya, yung mga mata niya, putangina namiss ko yun lahat.
Okey na sana ako kasi si Jannell lang naman ang tanging nasa isip ko kaso biglang sumunod sakin ang mga barkada ko sa kusina at bigla akong kinabahan nung pumasok sila at umupo sa kaniya-kaniyang silya. Tiningnan ko ang mga expression nila, seryuso?
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Fiksi RemajaVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...