"Ang pagbabakasakali ang imposibleng mangyari."
KABANATA TWO
Nagising ako dahil sa sigaw na naman ni Mama na halos araw-araw ko ng marinig kaya di na bago sakin."Huy Keith, bumangon kana. Tanghali na, at tulog na tulog ka pa rin diyan. Ang tamad mo talagang bata ka, ba't di ka nalang gumaya sa ate mo na ang sipag-sipag. Bumangon kana diyan." Unti-unti akong bumangon at napa-daing ako nung sumakit ang mga pasa ko sa mukha lalo na sa kaliwang bahagi ng tiyan ko. Di ko na ininda ang sakit at bumangon na.
Nung tumayo ako sa kama ay bigla akong nahilo kaya naman napa-upo ako sa sahig at hinawakan ang ulo ko.
"Keith!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"S-susunod na p-po, Ma!" Pasigaw kung tugon kay mama at pilit na tumayo.
Ano bang nangyari kagabi at nahilo ako bigla? Bigla kung natamaan ang sleeping pills na nasa kama ko. Alam ko na kung bakit ako nahilo. Uminom lang naman ako ng limang tabletas ng sleeping pills dahil di talaga ako nakatulog. Di ko naman gusto na matagal akong makatulog dahil sasagi sa isip ko na mag-pakamatay nalang ako.
Pinilit ko ang sarili ko na umayos at naligo na ako pagkatapos maligo ay nagbihis agad ako ng sando at short. Linapitan ko ang cellphone ko para tingnan kung ano ng oras.
"Alas kwatro palang ng umaga ah. Ang aga naman nagising ni Mama." Bulong ko sa sarili ko at pagkatapos ay lumabas nalang ng kwarto habang naka-ipit parin ag cellphone ko sa short. Sanay na akong iipit ang cellphone ko sa short lalo na at halos lahat ng shorts ko ay walang bulsa.
Nadatnan ko si Mama na nasa sala at bihis na bihis siya habang sumisipsip ng kape at sa tabi niya ay isang bagahe.
"Aalis kayu, Ma?" Tanong ko. Tiningnan ako ni Mama saglit at pagkatapos ay sumipsip ulit ng kape bago ako sinagot.
"Oo. Nandun na sa bakuran ang mga labahan mo." Tumayo siya at lumapit sakin.
"Mawawala ako ng ilang linggo kaya magpaka-bait ka, wag kang maging pabigat ah. Layuan mo rin yang mga barkada mo at sa oras na malaman kung sumama kana naman sa kanila, malilintikan kitang bata ka. Naitindihan mo ba ako?" Tumango nalang ako para di na humaba ang usapan.
"Opo, Ma."
"Good. Maglaba kana." Umalis na ako dun at nung nasa bakuran na ako ay nanlaki ang mga mata ko.
"Ang dami naman neto."
"Ang dami nga, ang tamad mo kasi kaya ayan pagtyagaan mo yan." Di ko alam na nakasunod pala si Mama sakin kaya narinig niya ako. Bumuntong-hininga nalang ako at iniba ang usapan.
"Aalis kana, Ma?" Bitbit niya na kasi ang bagahe niya at may nakasabit na shades sa blouse niya. Ngayon ko lang napagtanto na naka-business attire si Mama.
"Aalis na ako. Uulitin ko sayu ang sinabi ko sayu ah, wag kang pabigat lalo dito lalo na at lola niyu muna ang mag-aasikaso sa inyu ngayon. Alis na ko." Nalampasan na ako ni Mama at lalabas na sana siya ng gate nung tinawag ko siya.
"Ma?" Lumingon si Mama sakin at hinintay ang susunod kung sasabihin. "Ingat ka po, mahal na mahal kita Ma." Tumango si Mama at tuluyan na talagang lumabas ng gate at naglakad palayo.
Nakatingin parin ako kay Mama na nasa labas ng bahay hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nagbabakasakali kasi ako na sasabihin niya rin na mahal rin niya ako kahit na ganun ang pag-trato niya sakin pero hindi, walang katugon yun.
Madaling araw pa naman at sigurado akong tulog pa sila kaya naman napag-pasyahan kung magka-kape muna bago labhan tung sandakmak na labahin. Kahit na madami yun ay madali ko lang rin matapos yun dahil washing machine ang gamit. Pumunta ako sa kusina at dun nagtimpla ng kape pagkatapos ay sa labas ko inimon iyon. Nung naubos ko na ay bumalik ako sa loob para ilagay ang tasa sa lababo pagkatapos ay nagsimula ng maglaba. At syempre, ugali ko na talaga ang magpa-tugtog pag naglalaba ako, kahit nga magluto ay magpapatugtog ako. Pampawala lang ng boring at para maaliw rin ako.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Подростковая литератураVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...