KABANATA 3- ANG PAGBABAGO

46 8 10
                                    

"Minsan talaga kailangan mung magbago para sa ikakabuti ng lahat at para narin sa sarili mo."

KABANATA THREE

Pasado alas dos na ng tanghali ako nagising. Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya nagising ako. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at bumangon tsaka naglakad patungo sa banyo para maghilamos. Nung tapos na akong maghilamos ay napatingin ako sa salamin at sinuri ang mukha ko. Namamaga parin ang pasa na dulot ng pagkasuntok ni Kuya kaninang umaga kaya naman pinunasan ko na ang mukha ko gamit ang towel at pagkatapos ay ginamot na naman ang mga pasa ko. Bumaba ako at nadatnan ko sina Ate kasama ang mga barkada niya na nasa sala na naman at nag-iinom. Umiinom si Ate? Akala ko ba di siya umiinom.

"Owh, hi!" Agad akong napatingin sa babaeng humawak sa balikat ko. Sa tingin ko isa iyun sa mga barkada ni Ate, maganda siya pero di ko type mukhang lasingera kasi.

"H-hi!" Napangisi ang babae sa inasta ko at lumapit pa sakin at hinawakan ang isang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya.

"Ang cute mo parin kahit may pasa ka. May girlfriend kana? Can I be your girlfriend, if you want." Nang-aakit na sabi sakin ng babae. Di ko nagustuhan yun kaya naman tinabig ko ang kamay niya at sa kasamaang palad ay nakita iyun ni Ate.

"Keith." Tawag sakin ni Ate gamit ang matigas na boses. Bumuntong hininga lang ako pagkatapos ay pumunta sa kusina at dun napa-mura ng wala sa oras.

"Shit! Shit! Shit! Putanginang babae, wala ba siyang respeto sa sarili niya?" Umiling-iling nalang ako pagkatapos ay binuksan ang ref para maghanap ng makakain at salamat naman dahil may pagkain nga. Nagkuha ako ng isang itlog sa fridge at niluto yun pagkatapos ay ininit yung tinola na nasa mesa.

Tahimik lang akong kumakain ng may bumungad sa harap ko at ng nagtaas ako ng tingin, bumungad sakin ang masamang tingin ni Ate. Nilunok ko muna ang pagkain bago umayos ng upo, sesermunan na naman kasi ako neto panigurado.

"Diba sinabi ko sayu na magpaka-bait ka? Ano yung nakita ko kanina ah, bakit mo tinakwil ang kamay ni Dina?"

"Di niya nirespeto ang sarili niya. Ini-offeran pa nga niya akong maging boyfriend niya e." Mas lalong sumama ang tingin sakin ni Ate.

"At talaga bang pinagsasabihan mo ng ganiyan ang barkada ko? Tangina ka Keith, umayos ka sa kanila kundi makakatikim ka sakin. Tandaan mo yan." Banta ni Ate sakin. Sasagot sana ako ng may narinig kaming tumikhim galing sa pinto ng kusina.

"D-damon?" Nauutal na sambit ni Ate. Yumuko nalang ako at sinubukang bigyan pansin ang pagkain na nasa harap ko. Baka kasi pag di ko gawin eto mapagkamalan akong pakialamero kahit hindi naman.

"Did you bully your brother, Hannah?" Matagal kung nalunok ang pagkain dahil sa tanong ng barkada ni Ate na nangangalang Damon.

"W-what? Haha! Of course not Damon, may sinasabi lang ako sa kaniya. Tara balik na tayu sa sala, kumakain pa kasi ang kapatid ko baka makadisturbo tayo." Matagal bago nakasagot ang lalaki.

"Mauna kana dun, susunod ako."

"O-okey, basta sumunod ka na ah." Narinig ko ang papalayong yapak ni Ate kaya naman nagsimula ulit akong sumubo.

"Keith right?" Napa-angat ako ng tingin at nakita ko ang barkada ni Ate na nakatayo sa harapan ko at titig na titig sakin.

"Opo." Magalang na sagot ko.

"Matuto kang lumaban pag di mo na talaga kaya, di yung palagi ka nalang magpapaapi. Try to change yourself Keith, for you and the people around you specially your families." Tinapik niya ako sa balikat bago lumabas sa kusina namin. Napabuntong hininga ako at pilit na kainin ang pagkain na nasa harap ko.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon