"Ang ngiti ang pinaka-powerful na ekspresyon."
KABANATA SEVEN
Pagdating namin sa bahay ay bumungad samin ang naka-on na TV pero wala namang nanonood nun. Si Ate Hanchie lang ang tao sa sala at di naman nanood kasi nga nagbabasa siya.
"Si Mama at Papa, Han?" Tanong ni Ate Frances at umupo sa tabi ni Ate Hanchie kaya naman umupo na rin ako pero di sa tabi ni Ate Hanchie kundi sa tabi ni Ate Frances. Nakakatakot kasi si Ate Hanchie.
"Umalis." Biglang hinablot ni Ate Frances ang libro ni Ate Hanchie dahilan na magulat ito, pati na rin ako nagulat.
Kung ako takot kay Ate Hanchie dahil sa pagka-tahimik niya pero si Ate Frances ay hindi, balewala lang nga sa kaniya ang pagka-tahimik neto. Siguro sanay na rin siya at di na umaasang magbabago pa si Ate Hanchie.
"Ano ba!" Nagulat ako lalo nung napatayo na si Ate Hanchie at sinigawan si Ate Frances. At si Ate Frances instead na matakot ay ngumisi ito at tumayo tsaka nagpamewang.
"Di kaba nabo-boring kakabasa neto?" At itinaas niya ang librong hawak-hawak ni Ate Hanchie kanina. Di sumagot si Ate Hanchie at panay lang ang sama ng tingin neto.
"Boring ng buhay mo. Tonight, sumama ka sakin may pupuntahan tayu." Nawala ang sama ng tingin ni Ate Hanchie at napalitan iyon ng pag-kunot-noo.
"Saan?"
"Basta. Limit sa pagbabasa ng mga ganito baka mamaya lagpas langit na yang katalinuhan mo."
"Bakit ako sasama? At pwede ba ate, wala kang pake sa mga ginagawa ko. This is my life, and wala kang magagawa dun kung ang pagbabasa ng libro ang gusto kung gawin boung magdamag." Tumaas ang kilay ni Ate Frances tsaka pinag-kross ang mga braso.
"Yes that's your life but for pete's sake ang boring kaya sumama ka sakin ngayong gabi kundi..." Winagayway niya ang libro. "...say bye-bye to this book." Nagpigil na ng galit si Ate Hanchie kaya naman tumayo ako at hinayaan silang dalawa dun.
Sanay na rin kasi ako sa dalawa kung ate. Ganun sila lagi pag wala si Mama at Papa sa bahay. Pipilitin ni Ate Frances na lumabas ng bahay si Ate Hanchie at mag-enjoy at di naman papayag si Ate Hanchie at sa huli mapupunta lang sa bangayan at itatago ni Ate Frances ang ibang libro ni Ate Hanchie. At sa pagbabangayan rin nila ay dun makakapasalita si Ate Hanchie ng mahaba.
Pumasok ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama habang ang dalawang binti ko ay nakabitay sa kama. Huminga ako ng malalim at itinabon ang isang braso sa mga mata ko tsaka pumikit.
'Gusto ko ulit pumunta sa hospital.'
Nag-ring ang cp ko kaya naman napabangon at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng jeans ko.
-Bruhildang Irish Calling-
Huminga na naman ako ng malalim bago sinagot ang tawag. Ihanda ang explanation, self.
'Yes?'
'Gags, arat kape.' Kumunot ang noo ko.
'Anong kape ka diyan, sobrang init kaya ng panahon at magka-kape ka. Lalo mo lang pinaiinit ang katawan mo.'
'Tae, ayaw mo? Sayang libre ko pa naman, si Jamich nalang yayain ko at para na rin maasar ko yun.'
'Wala akong sinabing ayaw ko gagi ka.'
'Yun naman pala e. Ano pang tinungnga mo diyan, punta kana dito, taena sarap dukutin ng mga mata ng mga langyang lalaki dito. Esh!' Napatawa ako sa pinagsasabi ni Irish. Di ko siya masisisi kung titigan talaga siya. Maganda kasi kahit na mala-masungit ang aura neto.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Teen FictionVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...