"Pamilya daw ang tunay sa mundong ito, pero bakit sa parte ko ay parang ang mga kaibigan ko ang tunay at nagbibigay saya sakin."
KABANATA ONE
KEITH HARVEY ORLAN
"Wala kang kwentang bata, sana di nalang ikaw ang naging anak ko."
Masakit na salitang narinig ko galing sa pamilya ko mismo. Ang sakit lang na sinabihan kang ganiyan ng Ina mo. Tagos na tagos sa puso.
*****
"Ano ba Keith, tatanga-tanga ka, punyeta naman oh."
Nagkibit-balikat lang ako, sinubukang i-ignore ang sinasabi ng Ate ko at lumabas ng bahay.
"Hoy, walang kwentang kapatid, bumalik ka dito. Punyeta ka ah, kinaka-usap pa kita."
Di ko na pinansin ang ate ko na sumigaw pa basta nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo sa tahanan na yun.
Araw-araw nalang laging ganun. Pag-gising sa umaga, sermon ni Mama ang narinig ko. Walang kwenta, tamad, sana di nalang kita naging anak, yan ang mga palaging naririnig ko mula kay Mama. Sa tanghali naman, bunganga ng ate ko, sa hapon, masasakit na salita na galing sa Lola ko at sa gabi ay kamao at batok na galing sa Kuya ko. Ang saklap ng buhay ko diba?
Sa lahat ng pamilya ko na nasa tahanan na yun, si Papa lang ang kakampi ko pero isang taon na ang nakalipas at namatay rin siya. Leukemia ang ikinamatay niya kaya nga nung nawala siya labis akong nalungkot at parang gusto ko na ring sumunod sa kaniya kaso naisip ko pamilya ko. Nagbabakasakali kasi ako na baka magbabago sila, na balang araw mare-realise rin nila na bahagi rin pala ako ng pamilya kaso hindi sila nagbago. Mas naging malupit pa nga sila sakin ngayong wala na si Papa.
"Huyy, Keith. Tulala kana naman." Nabalik ako sa ulirat nung sumabay sakin sa paglakad ang isang barkada ko -Jed. May hawak siyang bola at naka-jerysey siya.
"Maglalaro ka?"
"Ulol mo Keith, nakalimutan mo bang nag-aya si Adrian na maglaro ngayon." Ng dahil sa sinabi niya nabalik sa isipan ko yung plano namin kahapon ng mga barkada ko na maglaro.
"Oh ano, naalala mo na? Naku Keith wag mo na kasi isipin yung mga pamilya mo para di kana malutang ng ganiyan." Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya.
"Di mapigilan e."
"Ulol, panong di mapigilan? Tsk, sinabi ko sayu na dun ka muna pansamantala sa amin para di mo muna sila ma-isip."
"Ayaw ko, di ko kayang iwan mama ko dun." Sa sinabi ko ay tumawa si Jed pagkatapos ay napa-iling-iling pa.
"Putangina Keith, binabatuhan ka na nga ng mga masasakit na salita nun tapos tatawagin mo pa siyang Mama? At ano, di mo siya kayang iwan habang siya ay di niya kayang di ka saktan araw-araw. Mag-isip ka nga Keith, alam kung matalino ka kaya gamitin mo yan. Lika na, bilisan na natin baka naghihintay na sila sa court."
"Mauna kana, susunod ako." Tumango siya at tinapik ang balikat ko at pagkatapos ay tumakbo papuntang court habang nagdi-drible ng bola.
Si Jed ang matinong barkada ko. Magkaibigan na talaga kami mula grade 6 hanggang ngayong grade 12 na kami kaya kilalang-kilala na talaga namin ang isa't-isa at isa pa magka-village lang rin kami kaya siguro sobrang close na talaga namin.
Umiling nalang ako at tumakbo papuntang court. Maglalaro muna ako, bahala ng di ako nakabihis naka-gray loose shirt naman ako at pang-jersey ang sout kung shorts, yun nga lang naka-tsinelas ako. Manghiram nalang ako kay Adrian total malapit lang naman ang bahay nila sa court.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Teen FictionVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...