"Ang panaginip, minsan wala lang para sayo, minsan ay nangyari na talaga sa buhay mo at minsan ay mangyayari palang."
KABANATA THIRTEEN
Tatlong araw ang
nakalipas...(Now Playing: Bad Day by: Daniel Powter)
Sinabayan ko ang speaker sa pagkanta habang naglilinis ng kabouang bahay. Ganado ako ngayong araw maglinis kaya naman sinamantala ko na, boung kabouan talaga ng bahay nila Adrian ang nilinis ko. Dala na rin ng boring at wala rin naman akong ibang ginawa dito kundi ang manood ng TV, magmukmok sa kwarto, kain, higa, tulog, ganiyan ang routine ko tatlong araw na ang nakalipas.
Sa gabi lang ata ako di mabo-boring kasi pupunta dito ang barkada at tulad ng ginagawa namin tuwing gabi, nagwa-walwalan kami. Yun nga lang wala ng dare o dare na laro kasi baka aanuhin lang namin ang bahay nila Adrian.
Cause you had a bad day
You're taking one down
You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know
You tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride
You had a bad day
You see what you like
And how does it feel one more time?
You had a bad day
You had a bad dayPagkatapos nung kanta ay sakto namang tapos na akong mag-vacuum kaya naman ini-off ko na ang speaker at pabagsak akong umupo sa sofa at isinandal ang likod sa sandalan ng sofa at pagkatapos ay habol ko ang hininga ko. Natamaan ko ng tingin ang orasan na nasa dingding. 12:15 PM na pala so ibig sabihin limang oras kung nilinis ang bahay.
Isinandal ko ang ulo ko sa ibabaw ng sandalan ng sofa at pagkatapos ay huminga ng malalim. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng katawan. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa di ko namalayan ay nakatulog ako dala ng pagod.
Nagising ako sa dahil sa ingay ng paligid... parang may batang umiiyak at may nag-aaway. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at unti-unting dinilat iyon. Sa di kalayuan ay may nakita akong bata, naka-upo sa semento, nakayuko at umiiyak. Aakmang lalapitan ko yung bata nung may narinig akong nagsisigawan.
"A-ano na bang nangyari s-sayu Harvey, d-di ka naman ganiyan d-dati ah." Nung tiningnan ko yun ay isang babae iyon at lalaki. Naka-upo ang babae sa sahig at umiiyak habang ang lalaki naman ay parang wala lang na tinitigan niya ang babae. Tinitigan lang niya ang umiiyak na babae hanggang sa aakmang lalabas na siya pero pinigilan siya ng babae sa pamamagitan ng pagyakap neto sa isang binti.
"W-wag, wag kang u-umalis please wag. H-harvey, m-maawa ka samin n-namin ng anak mo." Nagulat ako sa sunod ng ginawa lalaki. Sinipa niya ang babae gamit ang isang binti niya na di nayakap ng babae at dahil nga malakas siya ay napatilapon ang babae palayo sa kaniya.
"Mama!" Agad na lumapit ang bata dun sa babae at tinulungan makatayo. Nakita ko na sa wakas ang mukha nila... ng babae at ng bata.
Mama? Mama niya ang babae? Bakit parang ang bata pa at lalaki bakit kapangalan ko? At sino yung bata?... bakit kamukha ko?
"Wala kang karapatan saktan si Mama, papa. Wala!" Lumapit sa kaniya ang lalako at na kwinelyuhan.
Aakmang lalapitan ko sila pero para bang may shield ang pagitan namin dahil di ko magawa na lapitan sila. Kumunot ang noo ko. Ano to? Inilibot ko ang paningin ko at dun ko lang napagtanto na wala ako sa bahay nina Adrian... nasa ibang bahay ako at di ko alam kung saan to... kung bakit ako nandito.
"Harvey ano ba!" Napatingin ulit ako sa eksena. Nakahandusay na ang batang lalaki sa sahig, duguan at walang malay, karga-karga na siya ng babae na tinawag niyang Mama.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
أدب المراهقينVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...