"Ang pinakada-best na moment ay yung makasama mo ang importanteng tao sa mundo."
KABANATA NINETEENExcited na excited akong bumangon kinaumagahan. Naligo na agad ako para naman mawala na yung konting hilo ko pagkatapos ay nagluto. Sinilip ko muna ang mga ulol kung barkada na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Umiling-iling ako bago bumalik sa pagluluto. Dinadamihan ko nalang ang luto ko at nag init na rin ako ng tubig dahil paniguradong maghahanap sila ng maiinom pagkagising nila.
Tapos na ako sa lahat at handa na akong umalis nung biglang nagising si Rhonel at nag-inat.
"Aga ah!" Sabi niya habang kinusot-kusot ang mata niya.
"Gisingin mo na yang mga ulol na yan. May ulam at kanin na akong niluto, nag init na rin ako ng tubig para sa inyo." Ngumisi si Rhonel.
"Epekto na ba yan ng inlove?"
"Gago ka tumigil ka nga diyan, yung ininit kung tubig ibuhos niyo yun sa mga ulo niyo para naman matauhan kayo diyan."
"Ulol!" Humiga ulit siya.
"Alis na ako, kailangan pag uwi ko nakaalis na kayo diyan ah."
"Yes po." Saad niya at nagsaludo pa. Umiling nalang ako at tuluyan ng umalis.
*****"Iba energy natin ngayon ah." Napatingin ako kay Erika tsaka ngumiti.
"Bakit naman?" Nagkibit-balikat siya.
"Parang..." umakto siyang nag-iisip. "...parang mas naging masipag ka ngayon at naging madalas kanang ngumingiti ngayon. May something ba?" Natatawa niyang tanong.
"Nasa mood lang ngayon." Tumango-tango siya.
"Mabuti naman." Tinap niya ang balikat ko bago umalis at naghatid ng order. Bumalik nalang ako sa ginagawa ko at hinatid ko na sa table.
Excited na akong umuwi.
Ginawa kung inspirasyon si Jannelle, ini-imagine ko ang mukha niya para naman di mawala ang ngiti sa labi ko at gumana naman. Nung break time ko ay agad kung inilabas ang cellphone ko at tinext si Jannelle.
Me:
Hi, kamusta ka diyan?Jannelle:
Hi, okey lang naman.Me:
Mabuti naman, maayos
ba tulog mo kagabi?Jannelle:
Okey lang, nakatulog naman.
"Keith, pinatawag tayo ni sir sa office niya." Bigla kung ibinulsa ang cellphone ko at hinarap si Cali—isa sa mga kasamahan ko rin."Bakit daw?"
"Ewan, may ia-a-announce daw na importante." Tumango ako. "Sunod ka ah!" Tumango ako ulit at umalis na si Cali.
Inayos ko muna ang sarili ko bago sumunod kahy Cali papunta sa office ni Sir Bucao. Ano kaya ang announcement?
Pagkapasok ko ay nandun na yung iba kung kasamahan samantalang yung iba ay sumunod pa sa akin.
"Okey, so siguro nga ay nag-iisip na kayo ng dahilan kung bakit ko kayo pinatawag kasi, you know alam naman natin na magpapatawag lang ako ng ganitong set-up pag manenermon na ako. But, this time ay iba, don't worry di ako manenermon."
"Eh sir, bakit po pala?" Sinmaaan nang tingin ni Sir Bucao si Yugen—at nag peace sign lang siya.
"So, gusto ko lang ipaalam na bukas ay we are close." Nagkanya-kanyang hiyawan ang mga kasamahan ko. "Shh!..." Nagsitigil naman sila.
BINABASA MO ANG
Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)
Ficção AdolescenteVILLA VILUES VILLAGE SERIES 1 Kilalanin si Keith Harvey Orlan na ang tanging gusto lang ay pagmamahal na galing sa pamilya na di naibigay ang gusto na yun. Mula sa pagkadapa ay babangon siya ulit at umaasang maabot ang gusto niya sa buhay. Tuluyan...