KABANATA 11- ANG KATOTOHANAN

26 6 2
                                    

"Yung akala mo parte ka talaga nila pero hindi pala. Ang sakit lang."

KABANATA ELEVEN

"Say, ah!" Sabay-sabay naming sabi ni Jam habang pinapakain yung pamangkin ni Irish na si Kendall Khaylie. Bumuka naman ang bibig niya kaya naman sinubuan ko na siya.

"Ako naman, ako naman." Excited na sabi ni Jam sabay agaw sakin ng bowl na may laman ng pagkain ni Kendall.

"Say ah, baby." Tiningnan lang siya ni Kendall at di binuka ang bibig niya. "Baby say ah, dali ah." Nakangiti niyang sabi sa bata pero di parin talaga binuka ni Kendall ang kaniyang bibig.

"Bruha, sabihin mo nga say ah." Binelatan ko siya.

"Bahala ka, turn mo na kaya ikaw gumawa ng paraan para masubuan mo siya." Nag-pout si bruha at nagulat kami nung biglang bumaba sa upuaan si Kendall tsaka tumakbo papunta kay? Kay Irish na kakapasok lang habang may hawak na ice bag at tinapat iyon sa noo niya.

Nakabihis na siya ngayon ng orange over sized t-shirt at maikli na short at may damit rin siyang dala para kay Jam. Natawa naman ako sa itsura niya, I mean natawa ako sa itsura nila ni Jam.

Pano kasi nung naghabol-habulan sila kanina ay nai-stress na talaga ako kaya naman nung napunta sila sa second floor ng bahay sa paghabulan ay agad akong kumuha ng isang kabong tubig at yun nga binuhos ko sa paanan ng hagdanan at ang ending? Ayun, parehong na-slide dun ang dalawa at ang resulta? Binukolan lang naman ang dalawa sa noo na parang third eye na nila.

Di naman nila alam na ako yung may gawa nun kasi sinisi ko iyon kay Kendall, naku naman ayaw kung mabugbog ng dalawa at wala akong ibang pagsisisihan at isa pa di talaga sila titigil pag walang mangyaring masama. Mabuti nalang talaga at bukol lang ang natamo nila kundi lagot talaga ako.

"Hi baby." Paglalambing ni Irish sa pamangkin niya tsaka kinarga iyon kahit na nahihirapan. Parang tuwang-tuwa naman si Kendall kasi nakangiti na at pumalakpak pa siya.

Pareho kaming napasimangot ni Jam. Kahit ilang beses na namin siyang nababy-sit di pa talaga siya ngumiti samin at natutuwa, palagi siyang nakasimangot pag kami ang kaharap niya. Nung naka-upo na sila ay pabagsak niyang binigay kay Jam ang t-shirt at ang ice bag. Umirap naman si Jam bago kinuha ang mga yun.

"Eat, eat." Sabi niya tsaka tinuro yung bowl na napakay Jam pa.

"Eat ka Kendall, oh eto say ah!" At ginawa pang airplane ang kutsara. Agad namang umiling si Kendall at nagpalambing kay Irish. Nag-pout ulit si Jam, pangalawang beses na siyang ini-inore ng bata. Kawawa, hahaha!

"Tse, ang sungit mo saking bata ka. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa." Agad siyang sinamaan ng tingin ni Irish.

"Wag mo sisihin ang bata ah, baka makakalimutan ko na bisita ka dito at matatalsik kita palabas." Napasimangot si Jam at tumayo.

"Di na kailangan, ako na mismo ang magpapatalsik sa sarili ko. Hiyaaaa!" And with that kumaripas siya ng takbo palabas.

Nagkatinginan naman kami ni Irish tsaka sabay na natawa, pati si Kendall ay natawa rin. Ang cute. Aakmang susubuan na ni Irish si Kendall nung bigla na namang pumasok si Jam na tumakbo pa talaga tsaka pabagsak na umupo sa inuupuan niya kanina. Nakabihis na siya.

"Oh, akala ko ba pinatalsik mo na sarili mo?" Tanong ko kay Jam.

"Pinatalsik ko na nga kaso bumalik e." Naka-pout na sabi ni Jam.

"Langya ka Bruha / Putek ka Bruha." Sabay naming sabi ni Irish at sabay rin kaming tumawa tatlo.

*****

KEITH

Nakayuko ako habang naglalakad. Nakalagay ang dalawang mga kamay sa bulsa ng jacket at nag-hood para maitago ang mukha ko na may pasa at sinout ang backpack ni Jannell. Mabuting nalang talaga at di na mahapdi, mabuti nalang rin na nakalabas na ako dun at nakasout sa mga dala ni Jannell kahapon. Akala ko nga pambabae to, pero nagulat ako nung panlalaki at mas nagulat ako nung saktong-sakto lang sakin iyon.

Suicidal Person (KEITH HARVEY ORLAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon