Chapter 1 *Fallen Mango*

1.6K 24 8
                                    

Chapter 1 (Fallen Mango)

Pagkamulat ng mata ko nakita ko mula sa bintana na katabi ng kama ko ang nakakasilaw na liwanag napakaganda ng araw ngayon bumaba na ko sa hagdan para mag-almusal nakita ko si mama na nagluluto na ng agahan at si papa na naghahanda na para sa pagpasok sa opisina

“oh! Gising kana pala!”- nakangiting sinabi saki ni mamatumingin lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti kinukuyos ko pa rin ang aking mata dahil medyo nanlalabo pa dahil sa kagigising ko lang

“Kumain ka na ng agahan! Sabay sabay na tayo!” - nakangiti pa rin si mama ako naman tumango lang

“Ohayo gozaimasu minna-san!” (Good morning everyone) sya naman ang kapatid kong babae isa syang otaku yung mga taong mahilig sa anime or anything na pauso ng Japan mga kanta, manga (comics) at saka games.

pagkatapos kumain umalis na si papa at ate dahil may pasok sila ako at si mama pati mga helper ng bahay ang naiwan sa bahay naligo na rin ako pagkatapos ay nagbihis. Nanood muna ako ng tv di ko namalayan ang oras naghain na ng tanghalian si mama at kumain na kami pagkatapos nun ako na ang nagligpit ng kinainan at hinugasan ko na rin tutal dalawa lang naman kaming kumain pagkatapos nun sinilip ko ang bintana kung matirik pa ang sikat ng araw nung nakita kong di na masyado kinuha ko yung libro ko sa may kwarto at nagslippers na at lumabas

"lalabas kana? Kung gusto mo kumuha ka ng cookies sa may kusina at---" mama. Di ko na narinig pa yung kasunod na sasabihin nya kasi nakalabas na ko ng bahay.

Naglakad ako papuntang swing na nakakabit sa isang puno malapit sa park. Ganito lagi ang ginagawa ko araw araw dito lang ako tumatambay para magbasa ng libro tahimik dito kapag ganitong may pasok kasi lahat halos lahat ng bata nasa school kung nagtataka kayo kung bakit di ako pumapasok sa school di ko rin alam di ko alam kung highschool ba ko o college di ko rin kasi alam kung anong edad ko pati na ang pangalan kong Majj di ko alam kung kung akin nga talaga, nakapagtataka diba?

Tahimik ang sarap ng hangin dahil maraming puno at malilim dito sa pwesto ko, nung oras na bubuklatin ko na ang libro ko biglang

"ouch!" nagulat ako ng biglang may tumama sa ulo ko na isang mangga maliit na kulay green na manga

"hala!" boses ng isang lalake "sorry miss akala ko kasi walang tao, sorry" tumango lang ako, nakapikit yung isa kong mata at gamit yung kanang kamay ko hawak hawak ko yung ulo ko dun sa bahagi kung saan tinamaan ng mangga.

"patingin nga ako" sabi nung lalaki sa kin na mukhang nakukunsensya dun sa nangyare. Umiling lang ako

"sigurado ka? Ok ka lang talaga? Baka mamaya may namuong dugo dyan mahal magpaggamot lalo na kung sa bandang ulo" paliwanag nung lalake. Grabe naman kung magreact yung lalaki parang isang malaking bato naman yung bumagsak sakin

"okay Lang" sabi ko habang winiwave ko yung kamay ko.

"ah! Nagsasalita ka pala akala ko di ka nagsasalita eh" - sabi nung lalaking exagerated. Ngumiti ako ng konti hinintay ko ring umalis na sya pero bigla syang yumuko at pinulot yung mga mangga yung iba hinog na. Sa totoo lang di ko napansin na may mga mangga palang nakakalat dun sa damuhan tinitignan ko lang sya habang pinupulot yung mangga pagkapulot nya nung huling mangga tumingin sya sakin

"gusto mo?" - inabot nya sakin yung medyo hinog na mangga. Umiling ako at winave yung kamay ko na parang nagsasabi ng hindi, pero…

"salo!" hinagis nya ng mahina yung mangga papunta sa kin kaya napilitan akong saluhin tapos may tumawag sa kanyang lalaking mukhang kaedad nya siguro kaibigan nya

"Drew! Bilisan mo ang tagal mo naman!" - tawag sa kanya nung lalake sa may kalsada

"sige! Andyan na!" sagot nya tumingin sya ulit sakin tapos ngumiti"geh! Sorry ulit" tumango lang ulit ako at medyo nagsmile

"Namitas ka lang ng mangga sandale, may chicks ka kaagad! Hahahaha" sabi nung kaibigan nya

"sira ulo!" sabi nya. Nakatingin ako sa kanila habang naglalakad papalayo, nakita ko sila na tumatawa mukhang close na close sila. Napaisip tuloy ako bigla masaya siguro kung may kaibigan ka. Nung malayo na sila napatingin ako dun sa mangga tapos tumayo na ako at lumakad pauwi,di ko na itinuloy yung pagbabasa ko.

"oh! Andyan ka na pala" sabi ni mama nakangiti pa rin sya. Tumango lang ako at ngumiti ng konti tapos umakyat sa kwarto ko. Tinitignan ko yung mangga, tapos itinago ko sa garapon, di ko alam kung bakit ko itinago pa yun at hindi kinain, basta ang feeling ko may iba akong paggagamitan nun. Araw araw akong nasa park parepareho lang ang mga nangyayari at ginagawa ko minsan umaga minsan hapon ang oras ng pagbabasa ko dun sa duyan na nakasabit sa isang malaking puno pero ngayong araw nagkaroon ng pagbabago dahil sa isang mangga.

1st Time Lover's Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon