Chapter 10 *In the Corner of the Room..*

520 12 2
                                    

Chapter 10 (In the Corner of the Room..)

mama! Papa! Bakit kayo nag-aaway?

papa! Pabalikin mu si mama! Papa! San ka pupunta? Bakit dyan ka pupunta nandun si mama! PAPA!! MAMA!! lolo si Mama! Lola si Papa!... Bakit nila ko iniwan? Lolo! Lola!

---

" Tsss.." isang bangungot…

(sa school)

nanglalata ako panu ba naman dalawa o tatlong oras lang ako nakatulog diko kasi maalis sa utak ko si Majj kung anu anong naglalaro sa utak ko kesyo nagkaroon daw kami ng tatlong anak ni Majj na mag-asawa na kami, badtrip pa yung panaginip ko. Kala ko ayos na buto buto ko sa nangyari kahapon sa amin ni Majj di ko akalaing sisirain pa ni Leonn at saka nung panaginip ko.

"tss.. Badtrip" –ako

"DREEEE!!!" -Chris? La ko pakels

"Dre! Nasimulan mu na yung thesis mo?" si Chris nga sabay akbay sakin

"ewan ko kay Leonn" - naghihinang sagot ko

"Ha?! Bakit si Leonn?" – Chris

"tsk.. Talo sa pustahan namin" – ako

"LUPET! Lupet mu talaga!! No mercy!!" - Chris na nakaakbay pa rin

"ba’t ikaw lang? San sila?" – ako

"pss!.. Ewan ko!" –Chris

naglalakad kami sa hallway nakita ko na ang daming tao sa labas ng room namin nung papalapit na kami sa room mas dumadami yung tao

"Oh?! Nu meron?!" -pagtataka ni Chris

"baka hinihintay nila ang gwapo" -ako naalala ko yung sinabi sakin ni Majj. Hehehe

"sinu?" –Chris

"Ako" - ako sabay ngiting aso ( =U= )

"YOWN! SAN GALING YUN!?" –Chris

"sa gwapo. Syempre" -ako. Inspired by Majj

"grabe naman sila"

"ou nga"

"di na sila naawa sa tao"

"ang aga naman nila gumawa ng skandalo"

"balita ko pinagtulungan siya"

"tapos mag-isa lang sya?" - mga tsismosang nagbubulungan na-curious tuloy ako tapos dun pa sila nagkukumpulan sa pinto ng mismong room naming.

"dre!... Parang... Parang kinabahan ako bigla ha" - Chris. Bumitaw na siya sa pagkakaakbay sakin tapos yung mukha niya mukhang kinakabahan. Nung parang napansin nung mga tao na dumating kami ni Chris nagtinginan silang lahat samin tapos binigyan kami ng daan, nakakatensyon yung reaksyon nung mga tao nung nakita kami

"parang ayokong pumasok sa room dre" -bulong ni Chris sakin

"parang iba pakiramdam ko sa kung anu mang dadatnan natin dun" - dugtong niya

"dre.... Walang gaguhan. Kinakabahan din tuloy ako" - bulong ko sa kanya

*DUG...DUG...DUG...* nagsimula na rin akong kabahan, malapit na kami ni Chris sa pinto lahat ng taong nakapalibot samin ang weird ng mga itsura, may parang takot, yung iba parang naaawa meron parang akala mo namatayan tapos yung iba nagbubulungan. isa nalang. Isang hakbang nalang makikita ko na yung loob ng room isa nalang.. Pagkatapos ng isang hakbang na iyon

.

.

.

.

1st Time Lover's Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon