Chapter 11 *The Call*

469 10 2
                                    

Chapter 11 (The Call)

--*Chris' POV*—

anung ginagawa ko ngayon? Hayun tumatakbo palingon lingon medyo nanginginig pa yung laman laman ewan parang medyo nangangatog yung tuhod ko di ko alam kung dahil sa nakita kong itsura ni Erick o dun sa naging reaksyon ni Drew na hinahanap ko ngayon. Panu ba naman pagkatapos niyang sumigay at sapakin yung dingding hayun biglang tumakbo pinasundan sakin ni Erick baka daw makapatay eh "tss" baka nga sa itsura niya palang parang walang sa santuhin. Di ko siya mahanap ang bilis na nawala eh

"si Drew?" habang tumatakbo ako tinatanong ko yung kung sinu mangmakasalubong ko kung nakita ba nila si Drew, di lang halata pero kilala si Drew dito sa campus madalas din kasi syang gumawa ng gulo o ingay dito pero in a good way na makikinabang lahat ng studyante di tulad nung grupo nung kumag nayun na namemerwisyo palibhasa kinukunsinte ng school.

"CHRIS! NAKITA KO SI DREW PALABAS ATA NG MAIN GATE!" sigaw nung isang tao sa gilid

"GEH! MAMATS!" (salamat) sagot ko ayun nga pinuntahan ko siya dun nakita ko sya hawak niya yung isang lalaki sa colar dalawang kamay

"ASAN?! SAN MU NAKITA?! SUMAGOT KA!" - Drew na sinisigawan yung lalake

"na..nakita..ko..ko..dun..sa...la...labas" - takot na sagot nung lalake na hawak ni Drew

"DREW!" -tawag ko sa kanya habang tumatakbo papalapit sa kanya

"huminahon ka lang" sabi ko sa kanya tapos hinawakan yung kamay niya at pilit tinanggal dun sa pagkakakapit sa colar nung lalake. Nung natanggal na pagkakakapit ni Drew sinenyasan ko yung lalaki na sumibat na

"sa...salamat Chris" yung lalake na tumakbo na palayo

"P*TANG INA NAMAN CHRIS!” - sigaw ni Drew

“Panu ako hihinahon sabihin mu nga?" tapos bulong na galit na galit na parang nagngingitngil. Nakakatakot ang mga mata ni Drew parang kakainin ka ng buhay parang kulang nalang umapoy yung mata nya

"easy lang dre. Di pa natin sigurado kung sya nga yung gumawa nun" bulong ko na parang galit

"SINO PA BA!? Siya lang naman gagawa nun" bigla biglang nagbabago yung lakas at hina ng boses niya pero puro lang galit ang tono

"dre.. Sandali makinig ka. Wag kang magpadalus dalos. Makapatay ka niyan" – ako

"t*ng ina Chris makakapatay talaga ako yung kumag na yun? Di ko sasantuhin yun" sabi niya na nakikipagtitigan ng malapit sakin at dumuduro duro pa

"dre! Makinig ka!" -ako. Tinatalikuran ako ni Drew paikot ikot sya titingin sa kanan titingin sa kaliwa tapos biglang ilalapit yung mukha sakin tapos pagdidilatan ako ng mata

"DRE! MAKINIG KA MUNA!" - Ako na medyo napipikon sa ginagawa ni Drew. Gusto ko na ngang sapakin para huminahon eh. Pero ayoko baka ako pa mapatay niya, ayoko ring kalabanin si Drew wala akong ganung lakas ng loob. Pagnakipagsapakan ka pa naman dito parang kaaway mo yung pader hirap patumbahin tapos lakas pa sumuntok nasampulan na ko nito dati eh. Halos mag50-50 ako. Tsk! Saka atokong masira ang perpekto kong mukha.

"kilala mo si Mond(kumag) di siya gagawa ng ganun. Laki ng takot nun sayo" – ako

"bulag kaba Chris? Nakita mu na nga eh.. Nakita mu na yung ginawa nila kay Erick! NAKU! Kagigil!" -Drew na labas na ata ang lahat ng litid sa leeg at mukha

"sa ilang beses na binabangga ka ni kumag kelan ba siya nambugbog ng ganun? Di ba wala? Dre mas kilala mu yun kesa sakin" –ako

"dre nangyari na! Anu pa bang gusto mung pruweba? Kapag namatay si Girlie?" -Drew

"t*ng ina dre wag mu namang idamay dito si Girlie! Ang sinasabi ko lang alamin mu muna yung totoo!" –ako

"ANUNG TOTOO!? CHRIS! SABIHIN MO ANUNG TOTOO?!" –Drew

"YUNG TOTOO NA TANGA KA! YUNG TOTOO NA GAGU KA! DRE! SABIHIN MU NGA SA GALIT MU NGAYONG YAN! ANU MANG ORAS BAKA MAKAPATAY KA!" -ako. Naku shet mali yung lumabas sa bibig ko. Help me! Help!

"ANO?! AKO GAGU?! SIGE NA AKO NA! KASALANAN KO EH! AKO DAHILAN NITO! KAYA AKO TATAPOS NITO! WALA AKONG PAKELAM KUNG MAKAPATAY AKO!" -Drew. Pagkatapos ng titigan namin tumalikod siya tapos lumakad na parang siga ng daan

"DREW! DYAN KA LANG! SA TINGIN MU BA MATUTUWA SI ERICK SA PINAGGAGAGAWA MO?! KUNG IKAW ANG MAPATAY NILA?! SIGE NGA! PANU NA?! PANU KUNG HABANG NANDUN KA SA KABAONG MU! NAKAHIGA! SINUNG NANG DREW NA PROPROTEKTA SAMING SA LAHAT?! DREW SA LAHAT NG TAO IKAW LANG ANG MAKAKAGAWA NUN! GUSTO MO BANG PATI SI MAJJ MADAMAY! DI MO MASASABI MANGYAYARE! DREW! P*TANG INA NAMAN!" -ako. Napipikon na ko eh nadamay pa tuloy si Beybs Majj di ko alam kung san ko nakuha yung mga pinagsasasabi ko bigla nalang lumalabas. Ayun kahit papaano tumigil siya medyo lumakad ako papalapit sa kanya

"DREW BARKADA TAYO! WAG MONG SARILIHIN YAN!" –ako

"PSSS!" –Drew

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!* yung phone ko

"Girlie calling"

"hello?.....oh!...kasama ko....." -ako nakita ko si Drew na medyo napalingon kaya niloud speaker ko yung phone ko tapos tinaas yung taas na pantay balikat lang. Parang arms forward sa pila pero isang braso lang

"Hindi si Raymond (kumag) yung gumawa nun kay Erick! Ibang tao! Sinabi sakin ni Erick bago siya isinakay sa ambulansya!" - Girlie sa cellphone.

"kitams? Kung nagdirediretso ka kanina. Baka nakapatay ka ng inosenteng tao!" - ako. Sinabi ko kay Drew habang nakatalikod siya sabay inEnd ko na yung tawag

"psss..." -Drew. Tapos sabay akbay ko sa kanya. Nakayuko lang siya ako medyo tumingala parang may lalabas na luha eh. Tangena nababading ako ha, ang baduy nga ng mga pinagsasasabi ko eh

"tara!.. Kelangan nila tayo dun" - mahina ang pagkakasabi ko nun sabay singhot ko ng sipon dahil sa naiiyak ako may tubig na rin tuloy pati ilong ko na lumalabas. Tapos naglakad na kami nakaakbay parin ako sa kanya.

1st Time Lover's Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon