Chapter 2 *That Guy's Handkerchief*

1K 19 7
                                    

Chapter 2 (That Guy's Handkerchief)

napakaasul ng langit ang aliwalas tapos yung hangin ang sarap sa pakiramdam medyo malamig tapos nasa duyan pa ko sa ilalim ng puno, napakatahimik.

"nandito ka ulit?" isang pamilyar na boses ang narinig ko, ibinaba ko na yung ulo ko mula sa pagkakatingala nakita ko yung lalaki kahapon yung kumuha nung mangga sa puno. Nakangiti sya sakin ang aliwalas ng mukha nya tinignan ko lang yung ngiti nya tapos di ko namalayan nakangiti na rin pala ako parang nahawa ako sa maaliwalas nyang ngiti

Umupo sya sa damuhan at sumandal sa puno sa kaliwa na malapit sa puno kung saan nakasabit yung duyan na inuupuan ko. Binuklat ko na yung libro ko para makapagsimula na ako sa pagbabasa di ko nga akalaing marunong akong bumasa, pero di ko maiwasang mapatingin sa kanya kaya lumingon ako ng dahan dahan. Nakita ko sya medyo nakangiti yung maliliit at mapula nyang labi, nakapikit yung mga mata na medyo makapal ang pilik, tapos yung mukha nya nakatingala sa langit kitang kita yung tangos ng ilong nya nakaside view kasi siya dahil nga magkataligiran kami kanan ako kaliwa sya. Di ko maiwasang titigan sya di ko alam kung bakit pero habang tinitignan ko sya may naaalala akong tao di ko naman maalala kung sino. Lumingon sya bigla at tumingin sakin naramdaman nya sigurong nakatingin ako sa kanya napayuko naman agad ako at napahawak ng mahigpit dun sa librong hawak ko

"ang aliwalas dito noh?" tanong nya tumungo lang ako pero sa tingin ko di nya napansin kasi nakatingin ulit sya sa langit. Nagpatuloy ako sa pagbabasa

"bago ka lang ba dito?" tanong nung lalaki umiling naman ako tapos naalala ko di ko alam kaya tumango ako

"huh?" nagtataka yung lalake di ko rin alam ang sagot eh.

"hayyy...." napabuntong hininga sya parang nadisappoint yata sa sagot ko parang nalungkot ako sa reaksyon nya feeling ko tuloy ang tanga kong kausap. Ang tahimik napaka tahimik sanay naman akong laging tahimik pero bakit ganun parang ibang katahimikan ngayon siguro dahil parang hinihintay ko syang magsalita, di ko alam, siguro nga. Napalingon na naman tuloy ako tapos nabigla ako sa nakita ko nakatingala parin sya at nakapikit pero nakita ko yung pumapatak na tubig na mula sa mata nya mga luha.

"Kalalake kong tao umiiyak ako" sabi nung lalaki pero nakapikit at nakatingala pa rin ang lakas ng pakiramdam niya alam niyang nakatingin ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko wala akong alam di ko alam yung dahilan kung bakit may pumapatak na luha sa mga mata nya tapos ngumiti ulit siya yung parang pilit? Siguro. Bubuka na sana yung mga labi ko para makapagsalita pero naunahan nya ko

"iiwanan na naman nya ako… bakit ko ba kasi---" di nya tinapos yung sinasabi nya nakatingin lang ako sa kanya hinihintay yung kasunod na sasabihin niya. Nakakapagtaka lang kasi kahapon parang ang saya saya nya parang walang problema pero bakit ganun napakalungkot niya yung mga labi niya nakangiti pero yung mata nya napakalungkot parang nalulungkot tuloy ako. Yumuko sya tapos nakita ko yung pagtulo ng luha nya sa mga hita niya at sa lapag nakaupo siya yung bang upong pang lalaki yung mga siko nya nakapatong sa tuhod nya tapos medyo nakabukaka tapos nakayuko sya parang ang bigat nung dala dala nyang problema parang ang tagal niyang inipon yung mga luha niya tapos ngayon lang niya nailabas. Tumingin siya sakin

"anong problema?" tanong nya

umiling ako tapos yung mga mata ko naglalabo kasi may nakaharang na tubig. Luha. Pumapatak yung luha ko ng di ko namamalayan para kasing nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nya di ko alam kung bakit.

"ito oh" inalok sakin nung lalaki yung panyo nya pero tinanggihan ko umiling ulit ako tapos yumuko ako ayaw tumigil ng luha ko. pero nakita kong may paa sa harap ko tapos nakita ko sya nakatayo sa harap ko tumingala ako yung luha ko tumutulo pa rin

"hehehe" tumawa sya ng mahina

“pinaiyak ba kita? diba dapat ako yung umiiyak?" sabi nya sa kin sabay luhod sa harap ko yung luhod na parang prinsipe? Yung isang tuhod lang yung nakalapag, habang pinunasan nya yung luha ko gamit yung panyo nya napaisip ako bigla parang napakabait at sweet nyang tao para iwan nalang basta nung kung sino man yung sinasabi niya

Inabot nya ulit yung panyo nya kinuha ko nalang nakakahiya naman kasi binasa ko na ng luha ko pagkakuha ko tumayo na sya tapos umupo ulit sa damuhan.

"ang iyakin mo pala Hahahahaha. Di ko pa tapos yung sinasabi ko umiyak kana. Hahahaha" nakatingin lang ako sa kanya na parang nagtataka, nagtataka ako kung bakit sya umiyak kanina

"salamat ha" sabi niya sakin lalo tuloy akong nagtaka kaya umiling ako paulit ulit habang yakap ko yung libro ko tapos yung panyo nya hawak ko

"feeling ko gumaan kahit papano yung dala ko" sabay tumayo sya at nag-inat inat

"HAAAAAAAAAHHHH!!" sumigaw sya ng napakalakas parang sumigaw sya ng akala mo bagong laya nabigla ako sa ginawa nya kaya medyo nanlaki yung mata ko tapos may bigla na naman akong naalala ang weird parang nagkakaroon ako ng de javu.

"Hahahahahahahaha!" tumawa siya ng parang napakasaya nya

"sabi nila kapag may galit ka, sumigaw ka ng malakas, at kung malungkot ka naman itawa mo lang. Siguro tama sila don. Hahahahaha!" nakangiti niyang sabi habang nakatayo sya.

-          -     -

"oh! Nakauwi kana. Kamusta natapos mu na yung libro mo? Bibi--" muli di nanaman natapos ni mama yung sinasabi nya kasi tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko.

"hahahahahahaha" bulong na tawa ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama ko sinubukan ko yung sinabi sakin nung lalake para akong tanga pero bakit walang epekto sakin? Hawak ko pa rin pala yung panyo nya, bumaba ako tapos nilabhan ko yung panyo nya at isinampay iniisip ko kapag nagkita ulit kami isasauli ko ito sa kanya.

1st Time Lover's Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon