Chapter 28 (Sayang)
--*Drew's POV*--
"Majj!" -ako. Nakahiga siya sa damuhan tapos walang malay. Baka tulog lang siya. Panu kung nahulog sya sa duyan tapos nauntog sa sahig. Panu kung. Ewan! Natataranta ako. Pagkalapit ko sa kanya luhod ako agad sa kanya tapos hinarap ko sakin. Ganda oh!. Haist! Ano ba wala akong time para diyan
"majj! Majj!" -tinatapik ko yung pisngi niya pero wala. Wala siyang reaksyon. Kaya binuhat ko na sya
"anu ba kasing pinaggagagawa mo" tumatakbo ako. Dinala ko siya sa bahay namin
"LEONN!!" –ako
"ano?--anung nangyari?" –Leonn
"ilabas mu yung kotse mo bilis!" –ako
"sige. Sandali lang!" –Leonn
tapos tumakbo siya papunta sa garahe kinuha yung kotse niya tapos sinakay na namin sa Majj at pinagdrive ko ng mabilis si Leonn
"anu bang nangyare?" –Leonn
"ewan! Basta nakita ko sya nakahiga na sa damuhan!" -ako. Nakahiga si Majj sa mga braso ko
"ha?! Sa duyan?! Dre medyo malayo yun sa bahay ah! Binuhat mo siya hanggang bahay? Dapat tinawagan mo nalang ako!" –Leonn
"nangyare na e!" –ako
wala na akong ibang naisip kung hindi yun nataranta na ako eh saka inatake na ako ng Adrenaline Rush kaya hayun binuhat ko siya sabay tumatakbo ako ng mabilis papunta sa bahay
"eh dre! Bakit hindi mu dinala sa bahay nila? Bakit satin?" –Leonn
oo nga naman bakit sa bahay at hindi sa bahay nila Majj? Pss...
ako asawa niya eh syempre sa bahay ko siya ididiretso. Ako na! Ako na ang Assuming
"basta! Nataranta na ako eh!" –ako
pagdating namin sa ospital nilagay sya agad sa kama na may gulong tapos dinala sa isang kwarto at doon siya inilipat sa isa pang kama na nasa loob ng kwarto
"vital signs!" –Doctor
"stable" –Nurse
"ok! Ok!" –Doctor
"anu po bang nangyari?" –Doctor
"kasi..kasi..na..nakita ko na lang sya..anu..walang...walang malay" -ako. Nabubulol na ako sa kaba at hingal
"ganun ba.. Mukhang nawalan nga siya ng malay..pero ayos lang naman siya" –Doctor
"buti naman" –Leonn
"hay.." -ako. Nakahinga din ng maluwag
*DUGDUGDUGDUGDUG* narinig mo yun puso ko? Ayos lang daw ang nagmamay-ari sa inyo, na si Majj.
napaupo kami parehas ni Leonn sa upuan na nasa loob ng kwarto
"hoy dre! Tawagan mu na ermats at erpats ni Majj!" –Leonn
oo nga pala! Dapat tawagan ko yung mga biyenan ko. Assuming.
"geh" sabay kinuha ko yung phone ko. Teka wala pala akong number nila. Panu to?
"ano?" –Leonn
"dehins ko pa alam number ng magulang niya" –ako
"ha?!" –Leonn
"teka! Sa phone ni Majj!" –ako
nasa bulsa siguro ni Majj. Tumayo ako tapos tinignan yung bulsa ni Majj kung may bakat ng cellphone sa bulsa at meron nga
"teka dre! Nu yan!" –Leonn
"kukunin ko yung phone niya sa bulsa!" –ako
"baka iba madukot mo diyan!" –Leonn
"Sira ulo! Malaki respeto ko kay Majj noh!" –ako
"teka lang dre ha!" -Leonn sabay lumabas pagkabalik niya may kasama nang babaeng nurse
"ayan!" -Leonn sabay turo kay Majj
tapos lumapit yung nurse at kinuha yung phone sa bulsa ni Majj
"grabe ka dre!" –ako
"maaga pa para sa balak mo!" –Leonn
"HA????!! gagu ka rin e noh! Wala akong balak no!" –ako
gagung to! Greenminded! Di ko pa naiisip yun noh! Malapit na. Joke!
"kahit na noh" –Leonn
tumatawa naman ng mahina yung nurse
"akin na nga miss" –ako
inabot sakin nung nurse yung cellphone ni Majj tapos hinanap ko yung number nila sa bahay nung nakita ko na dinial ko agad
"hello...si Drew po ito...nasa ospital po kasi si Majj...nahimatay po...opo...sige po....ahh...room 234 po...buliding A...malapit lang po sa elevator second floor...opo...sige...po..bye" –ako
"ok na?" –Leonn
"ah! Thank you miss" –ako
tapos tumango lang yung nurse at lumabas na ng kwarto
"hhaaayyy... (yawn)" –Leonn
"oh? Bakit?" –ako
"inaantok ako..ikli kasi ng tulog ko..panu ba naman ginawa ko yung thesis mo" –Leonn
sinungaling to. Sigurado ako pinagawa niya yung thesis sa iba tapos inaayos niya lang ng konti. Pwede kasi magpagawa ng thesis sa kung sino tapos babayaran nalang pero kelangan paring ayusin ng konti. Palusot lang to eh gusto lang umuwi
"geh! Uwi ka na" –Leonn
kitams? Tumayo agad
"geh! Iwan na kita diyan" -Leonn tapos lumakad na palabas ng kwarto. Tapos may pumasok ulit
"oh? Bat buma--ay! Tita tito kayo pala" -ako. Akala ko bumalik si Leonn para asarin ako pero di pala si mommy at daddy pala. Hehehe
"anong sabi nung doctor?" -mama ni Majj
"nahimatay lang po si Majj" –ako
"ano bang nangyari bago siya himatayin?" -Mama (Majj)
"di ko po alam kasi nadatnan ko na po siyang nakahiga sa damuhan" –ako
lumapit yung mama at papa ni Majj sa kanya tapos hinaplos ng mama ni Majj yung mukha niya
"may sinabi na ba si Majj" –mama
"di pa po siya nagigising eh" –ako
parang feeling ko may bumabagabag sa mga magulang ni Majj
"nasabi naba sayo ni Majj yung tungkol sa amnesia niya?" –papa
"ah! opo" –ako
"ganun ba" –papa
"may sinabi ba sya sayong kahit ano na..parang may naaalala sya..may bumalik na alaala sa kanya.." –mama
"wala naman po.. Sabi niya wala pa rin daw siyang maalalang kahit ano" –ako
kinuha nung papa ni Majj yung isang upuan tapos hinila palapit sa tabi ng kama ni Majj tapos pinaupo dun yung mama ni Majj
"wag muna..please..." -sabi nung mama ni Majj ng mahina
"alam mo rin ba na di namin tunay na anak si Majj" –papa
"o..opo..nasabi niya nga po na inampon nyo siya" –ako
halos nangingilid na yung luha nung mama ni Majj
"aaahhh..sige po mauna na rin po ako" –ako
nakakahiya naman kung magi-stay ako dito e mukhang kelangan nila ng time para kay Majj. Kahit gusto ko pang mag-stay di pwede. Nakakahiya
"salamat..." –papa
tapos tumango ako sa papa ni Majj tapos tinignan ko sandali yung mukha ni Majj tapos lumakad na ako palabas ng kwarto. Dadalawin ko nalang ulit siya bukas pagkagaling ko sa school. Haist! Kung kelan naman ready na akong aminin kay Majj ang nararamdaman ko saka naman nangyari to
BINABASA MO ANG
1st Time Lover's Amnesia Girl
Novela JuvenilCOMPLETED leave a comment po for your feedback. I hope you will like my work ( ^.^ )v - - - - - The story is all about a girl name Majj but the big question is, is it really her name? Majj forgets about her past and seems like she doesn't care about...