Chapter 14 *At The Driver's Seat*

460 8 5
                                        

Chapter 14 (At The Driver’s Seat)

--*Majj's POV*—

"Majj! Nandito na si Drew!" –mama

"sis! Jackpot ka ha!" -kapatid ko

sumisigaw sila sa ibaba. Kung anu anong sinasabi nung kapatid ko. Nagbibihis ako sa kwarto medyo late kasi yung gising ko. Bumaba na agad ako pagkatapos kong magbihis

"Majj!" -boy exag

"sis! Tawag ka!" -kapatid kong si Shiela. Narinig ko. Nakita ko rin bakit kelangan niya pang ulitin. Yung mukha ni Shiela parang naggoglow tapos yung mata niya parang kumikinang (*.*)

Si mama parang tuwang tuwa (^-^)

Si papa seryoso ang mukha (=_=)

Teka bakit nandito silang lahat may pasok si papa at Shiela ha?

"san ba ulit ang punta nyo?" –papa

nasa living room silang lahat pinapalibutan si Drew

"sa ospital po" -Drew. Tinanong na nila kagabi yun eh nung ipinaalam ako ni boy exag. Bakit tinanong na naman ni papa

"bakit sa ospital?" -Shiela. Nasagot na rin ni boy exag yan. Siguro nagulat sila ng husto nung nakita nilang may kaibigan na ako. Pumwesto ako malapit kay boy exag sa harap nilang lahat

"kase---" pinutol ko na yung sasabihin ni boy exag. Hinawakan ko yung braso niya tapos hinila ko na sya

si mama (o.o)

Shiela (*o*)

papa (+_+)

ako (-_-)

Drew (0v0)

"sige po. Salamat" nakatalikod kami sa kanila kaya nilingon sila ni Drew. Tapos nakalabas na kami at may dala palang sasakyan si Drew ang ganda nung sasakyan niya. Mas maganda dun sa kumag na sinasabi nila

"gulat ka ba?" –Drew

"(-_-)" -ako *poker face* kunwari di ako nagulat

"di ko to nilalabas. Ngayun lang. Kelangan eh" –Drew

ganito kagandang kotse di niya nilalabas sayang naman ang ganda kung itatago niya lang to.

"pasok" -Drew. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa tabi ng drivers seat. Pumasok naman ako at umupo na. Umikot sya sa harap tapos pasok sa drivers seat at nagsimula ng umandar. Nung umaandar na biglang napatakip ako ng mukha may bigla kasing pumasok sa utak ko na parang ganito din ang nangyari

"bakit?" –Drew

nagsimula na akong manginig parang takot na takot ako di ko alam kung bakit. Eh nung sumakay ako sa van ni leonn ok lang naman ako, nung sumakay kaming bus ok lang din naman ako, pero bakit iba yung pakiramdam ko. Nagsimula na akong umiyak sa di ko malamang dahilan nakatakip parin ako ng mukha

"Majj?" -Drew. Sabay patong ng kanang kamay nya sa kaliwang balikat ko. Tapos yung kaliwang kamay niya nasa manibela.

"anung problema?" -Drew mukhang nagtataka sya kung bakit ako nagkakaganito

"pwede*huk*bang*huk*lumipat*huk*sa*huk*likod?" –ako

"si..sige" –Drew

Tapos itinabi niya sa gilid ng daan yung kotse tapos huminto na. Bubuksan ko na yung pinto

"ako na" sabi ni Drew tapos bumaba siya ng kotse at binuksan niya yung pinto sa pwesto ko tapos inalalayan niya ako sa pagbaba tapos nung nakababa na ako binuksan niya yung pinto sa backseat tapos pinapasok ako. Medyo nabawasan yung panginginig ko pero umiiyak parin ako. Bumalik na siya sa drivers seat tapos sinimulan na niyang magdrive.

"ayos ka lang?" –Drew. ako naman nakasandal dun sa bintana sa side  tapos nakatingin lang sa labas ng wind shield na tinted

"Majj!" –Drew. parang nag-aalala

"hm" –ako

"seryoso?" –Drew

"hm" -ako. Medyo kumalma na ako at tumigil na rin ako sa pag-iyak. Nakarating na kami sa ospital. Ang laki pala, private na private ang itsura.

"halika na" –Drew. pagpasok namin sa lobby sobrang laki napakaluwag dirediretso naman si Drew sa front desk sumunod naman ako

"Good morning sir!" - yung nurse sa desk

"ah si Erick Lloyd Guttierez" -Drew

"ah.. Ok sir" -nurse. Sabay lipat ng pages sa record book hinanap yung name na Erick Lloyd Guttierez. yun pala buong pangalan ni Erick

"ah! Sir building B room 341 po 3rd floor" –Nurse

"thank you" –Drew. naglakad na siya medyo mabilis nakasunod lang ako sa likod palingon lingon ako sa kaliwa't kanan medyo naiiwan na nga nya ako ang bilis niyang maglakad. Papasok na kami ng elevator ako yung pinauna niya dalawa lang kami sa loob

"bakit ka umiyak?" –Drew

"natakot ako" –ako

"bakit?" –Drew

"di ko rin alam... di ko maipaliwanag kung bakit parang bigla nalang akong natakot" –ako

"bigla?" –Drew

*TING!* tunog ng elevator

medyo nagkahiyaan pa kung sino ang unang lalabas o baka hinihintay ni Drew na ako ang unang lumabas kaya makalipas ang ilang segundo humakbang na ako palabas tapos biglang nagautomatic na magsasara yung pinto ng elevator eh nasa gitana pa naman na ako ng pintuan

"mm..." -Drew. Hinawakan niya yung isang pinto para mag-open ulit tapos tumingin ng mabilis sa labas tapos binalik ulit ang tingin sakin parang inutusan niya akong lumabas gamit yung ulo niya. pagkalabas ko ng elevator lumingon ako ulit. Napansin ko may 'B' na nakasulat sa pinto siguro yun yung sinabi nung babae na B kanina. Nagsimula na kaming maghanap ng room 341

(o_o )( o_o)(o_o )( o_o)

tingin sa kanan tingin sa kaliwa=

"hayun!" –ako

*TOKTOKTOK* tapos ikot ng knob ni Drew sa pinto para buksan

"Dre!" –Erick

"Musta?" –Drew

"ito buhay pa" –Erick. nasa likod ako ni Drew kaya di siguro ako napansin ni Erick di kasi niya ako binati tapos humakbang ako ng isa sa kanan

"uy! Majj! Nandito ka din pala" –Erick. May gasa yung namamaga nyang mukha. Kumaway ako sa kanya tapos pasweet na ngiti

"Geh dre! Una na ako! May klase pa ko eh" –Drew. aalis agad siya?

"panu si Majj?" –Erick

"babalik ako mamaya. Susunduin ko siya at saka may pag-uusapan pa tayo" –Drew

"ganun ba" –Erick sabay tingin sakin nginitian ko ulit si Erick medyo tipid na ngiti nalang

"Geh Dre! Majj!" –Drew

"Geh!" -sagot ni Erick ako naman tumango lang. Tapos nakalabas na si Drew

Nagbukas ulit yung pinto tapos sumilip si Drew at sumigaw

"Teka! may nakalimutan ako!" tumingin sya sakin tapos sabay ngiti ng napakalaki (^U^)/ parang nagpacute? Sabay alis. Ako naman walang ibang naging reaksyon kundi

?(-_-)? Ano yun?

"hahahaha" -tawang mahina ni Erick. napatingin naman ako sa kanya

"wala" –Erick

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon