Chapter 22 *Isn't it Obvious?*

417 8 3
                                        

Chapter 22 (Isn’t it Obvious?)

"sweet naman nila....." pabulong na boses

"ssshhhh... Wag kang maingay"

"BABES DITO NA TAYO!"

unti-unti kong minulat yung mga mata ko. Nakita ko na nakabukas na yung van tapos nakatingin silang lahat samin.

"panggulo ka talaga!" –Girlie tapos binatukan si Chris

"ouch men!" –Chris "BABES!! tama na kasweetan jelly na ko!"

tapos lumapit si Erick kay drew parang kinurot yung mukha ni Drew

"ouch!" –Drew

oh may gulay! Nakaakbay pala sakin si drew tapos parang magkayakap na kami. Hala nakakahiya. Napatakip ako ng mukha ng dalawang kamay

"nu ba yun?!" –Drew

"kinagat ka na ng langgam!" –Erick

tapos napansin na rin siguro ni Drew yung pwesto namin kaya tinganggal niya agad yung pagkakaakbay sakin

"sorry Majj nilamig kasi ako kanina eh kaya nayakap kita" –Drew

"wooot! Palusot!" -kambal sabay tawa. Tumango lang ako

"tama na! Bumaba na kayo dyan! Punong puno na ng langgam yung Hammer ni Leonn" –Chris

"SIRA ULO!" -Drew tapos bumaba na kami. pagkababa ko bumungad agad sakin ang isang napakalaking bahay.

"ang laki" -nasabi ko nalang yun sa sobrang pagkamangha ko sa bahay na nakikita ko ngayun. nakatingala kaming lahat sa mansyon nila Chris

"parang mas lumaki pa yata ang mansyon nyo ha" –Erick

"nagkaroon lang ng konting renovation" –Chris

"konting renovation? Eh parang major renovation ang ginawa e" –Angie

"di naman.. maliit lang yan kung ikukumpara mo kila Drew noh" –Chris

"daldal mu" –Drew

kung totoo yung sinasabi ni Chris edi napakayaman pala talaga ni Drew

"pasok na kayo!" –Chris

tapos nagsipasok na kami. WOW! Napakamodern ng bahay nila black and white na may halong royal blue ang tanging makikita mong kulay. Napakasophisticated ng dating ang taas ng kisame parang pwede nang lagyan ng isa pang floor tapos lahat ng part ng bahay maliwanag parang buong kisame may ilaw tapos ang lalaki ng mga chandelier. As in WOW talaga

"anu? Ok ba babes? Pinarenovate ko talaga to para pag dito na tayo tumira maayos at maganda na" –Chris

"pss.." –Drew

"sus! Magulang mo nagparenovate noh hindi ikaw!" –Girlie

"ikaw dun ka sa bahay ng aso namen!" –Chris

"F*CK YOU!" –Girlie sabay walk out tapos naramdaman ko nalang na parang may humihila ng damit ko sa likod kaya lumingon ako wala naman akong nakita. Magkatabi kami ni Drew baka sya yung humuhila sakin pero nung tinignan ko sya sa baba siya nakatingin (._.) kaya tumingin din ako

"beyps..beyps..beyps.." isang batang babae na sobrang cute! As in matambok na mamulamula yung pisngi tapos chubby

"ikaw beyps?" tanung nung bata

"hindi siya yun" -Drew

"Michaela baby. Eat your dinner na ok? Pls..." -babaeng tumatakbo na nakamaid uniform

"i dont like" sabi nung bata habang umiiling

"baby!?" –Chris

"beyps!" sabi nung bata. Babytalk. Tapos yumuko si Chris at binuhat yung bata

1st Time Lover's Amnesia GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon